AMARI’S ON A REAL DATE with Samael. Hindi siya makapaniwala. Na-e-excite siya sa tuwing nare-realize niya na, heto na nga, kasama na niya ang lalake at totoong nangyayari ito. Hindi lang gawa-gawa ng utak niya. Hindi na mawala ang ngiti sa mga labi niya. Nananakit na nga ang pisngi at panga niya. Kahit pigilan niya ay may gawin lang si Samael o kahit onting kibot lang nito ay napapatawa siya agad. Kahit nonsense na minsan, basta ito ang nagsalita, kahit hindi na nga nakakatawa, tatawa pa rin siya. Bakit ganoon ang mga taong kausap ang crush nila? Akala mo lahat ng lumalabas sa bibig nila ay purong katatawanan at sila na ang pinakanakakatawa sa mundo. He makes her laugh. That’s a good thing. He’s so talkative, even the most banal thing, he’d still talk about it as if it’s an interesting t

