Chapter 70

1094 Words

KINAGABIHAN AY nag-sine sila. Hawak nito ang kamay niya habang nanonood sila. Buti na lang ay hindi pinagpawisan ang kamay niya. Hinilig niya ang ulo sa balikat nito. Ang bango-bango nito amuyin. Halos ibaon na nga niya ang mukha sa kili-kili nito.  Sa tuwa niya ay nalaman niyang malakas ang kiliti nito sa kili-kili. Kung wala lang sila sa sinehan ay hindi niya ito titigilan. Sa pag-apak nila sa labas ng sinehan ay niyaya siya nitong umuwi sa flat nito. Hindi naman siya tumanggi, laban na kahit may pasok pa kinabukasan. Disoras ng gabi, ano ang gagawin nila sa bahay nito? Wow, advance na naman mag-isip si Amari. Pero unti-unting nakukumpirma ang kutob niya nang dumaan sila sa super at dumiretso ito sa ref kung nasaan ang mga refreshments. Nagtanong ito kung mahilig ba siya sa gin tonic.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD