SINO BA NAMAN KASI ANG nagsabing lakarin ni Ari ang Bunkers mula sa bahay nila at ngayon ay pawisan na siya at hinihingal? Kung tutuusin ay nasa beinte minutos lang at makakarating na siya sa puntahan ng maraming tao, lalo na ng mga turista. Nayare lang siya dahil puro paakyat ang daanan na hindi naman niya alam dahil unang beses niyang lakarin iyon. Hinanap niya lang sa cell phone niya kung pupwedeng malakad iyon. Wala siyang panali sa buhok. Ni tubig ay wala. Tagaktak na ang pawis niya sa mukha at likod. Napaisip tuloy siya, anong silbi ng pagdyi-gym niya kung dito pa lang ay sumusuko na ang katawan niya? Tirik na tirik ang araw, dahilan naman niya. Madali pa naman siyang pagpawisan. Hindi issue kung maglakad siya, talagang nagrereklamo lang ang katawan niya sa sobrang init.
Kanina pa siya kinukulit ni Samael sa mga text nito kung nasaan na siya. Onti na lang at maba-badtrip na siya. Sobrang kulit, eh. Dagdagan pa ng init at uhaw niya, aba’y maghintay ito.
Sa kabilang banda, maganda ang naidulot ng pag-idlip niya kanina. Nawala ang sakit ng ulo niya at ginanahan siyang magpunta ng gym upang mag-sauna at jacuzzi. Hindi na siya masyadong nagpagod dahil may lakad siya. Doon na rin siya naligo para tipid sa bayarin sa bahay. Ibinalik niya lang ang mga gamit sa bahay saka siya umarangkada ng lakad.
Sa pagkakaalam niya ay nagyaya pa si Samael ng iba. Tinanong niya si Ale kung kasama ito, um-oo ito. Anyway, ngayon na ang balik ni Iya mula sa Bilbao. Susunduin niya ito sa train station mamaya. Gabi pa naman ang dating nito. Tren lang ang sinakyan nito papunta at gano’n din sa pagbalik nito. It was the fastest transpo at the time and it was cheaper that way. Plus, makikita rin nito ang view. Siningit lang nito ang Bilbao at Valencia sa lakad nito. Nagtatanong pa nga si Iya ng pagpunta ng Zaragoza. Mukhang may binabalak na naman.
Ilang hanay pa ng hagdan ang inakyat niya bago natunton ang lugar. Wala pa siya mismo sa Bunkers, nasa paanan pa lang siya. Pero binati siya ng tanawin ng nagkukumpulang mga gusali ng apartamiyento. Nasa mataas na lugar na siya kaya naman napagmamasdan niya ang siyudad. At sa wakas nakaramdam na siya ng sariwang hangin. Masasabi niyang sulit ang ginawa niyang pag-akyat. Nag-text na siya kay Samael na malapit na siya.
Pista ng San Juan ngayon kaya maraming tao. Maingay. May mga dalang lata ng beer ang mga nakakasalubong niya. Hindi lang isang beer ang hawak kundi isang balot. Ang mga six pack rings ay unti-unti nang nagkalat, kahit sa basurahan ay hindi pa maayos na naihulog ang plastik. Hindi naman laging ganito kakalat dito. Disiplinado ang mga tao rito at iginagalang at nirerespeto ang tagubilin na itapon ng maayos ang kalat. Hindi lang maiiwasan na may mga taong hindi marunong sumunod.
Kalmado niyang binaybay ang isa na namang hanay ng hagdanan. Buti at hindi na siya masyadong pinagpapawisan kaya dahan-dahan na lang ang lakad niya. Marami siyang nakakasalubong na bumababa at may tangang mga serbesa. ‘Di muna siya iinom.
Sabi niya lang. Ewan niya rin kung masusunod nga. Feeling strong muna.
“Hello, love,” bati ni Samael sa kanya nang magkita na sila. Kinilabutan siya sa narinig at napangiwi siya rito. Nakakawit ang kamay nito sa bewang ng isang babae. Baka ito ang nobya nito. “Meet Belle,” pakilala nito. “She’s French,” dagdag pa nito.
“You are, by the way,” aniya sa babae. “You are beautiful.”
“She’s gorgeous, right? Bellisima. That’s my girl,” ani Samael sabay dampi ng halik sa noo ng babae.
Pumuwesto na sila at naupo kung saan sila inabutan na libre ang espasyo. Ang lugar na ‘yon ay nagsilbing anti-aircraft battery noong Spanish Civil War. Malayo mula sa harapan nila makikita ang basilica ng Barcelona, ang Sagrada Familia. Isa lamang ito sa mga landmark na tanaw nila ngayon. 360º city view na iyon kung nasaan sila ngayon, pati ang dagat ay kita na rin nila. Aabangan nila ang mga paputok mamayang gabi. Sa aplaya ay maraming magpapautok niyon, kahit din naman sa ibang parte ng siyudad. Pero madalas puntahan ang aplaya ng mga tao para doon manood ng fireworks at palipasin ang San Juan. Ngunit dito sa Bunkers ay kitang-kita ang kabuuan ng siyudad kaya magandang tambayan ito kapag may ganitong okasyon.
Inabutan siya ng babae ng serbesa ngunit tinanggihan niya iyon. “You want water?” si Samael. Tinuro nito ang isang lalake na may cooler sa tabi nito. Nakita niyang inaabutan ito ng pera ng mga tao. Nagbebenta pala ng inumin. Narinig din iniyang isinisigaw nito ang mga binebenta nito. “Tubig, gusto mo?” ulit ni Samael.
Umiling siya. “Ako na.” Tumayo na siya at nagmadaling bumaba. Baka unahan pa siya ng isa at ayaw naman niya iyon. Hindi naman siya invalido para ibang tao pa ang umasikaso sa kanya.
Nang makabili ng tubig ay agad siyang bumalik sa tabi ng dalawa. May dala palang sparklers ang dalawa. Paputok iyon na pwedeng hawakan lang. Binigyan siya ng isa. “Wala pa si Ale?” tanong ng lalake.
Nagkibit-balikat siya at saka tsinek ang kanyang phone. “Wala pang text,” aniya. Uminom muna siya ng tubig.
“Excuse me,” ani Samael sa kanya. “Can you take our photo for us, love?” Itinuro nito ang sarili at ang nobya.
Hindi na siya nagdalawang-isip pa at kinuha ang inaabot na phone nito. “But I am really anal and very particular with our photos so if you could take it from there and we’re gonna sit here.” utos ni Samael. Pumuwesto ang mga ito at siya naman ay maingat na umaatras dahil may kalaliman ang pagkababagsakan niya kapag nagkamali siya ng apak. Hindi naman niya ito binigo sa mga kuhang litrato. She thinks. Wala siyang narinig na reklamo mula sa dalawa nang isa-isang tingnan ang mga litrato. Well, that speaks volume. Or they were just being polite.
Hindi rin nagtagal ay sumunod na ang matalik na kaibigang si Ale. Water therapy din ang babae at masakit daw ang lalamunan.
A las ocho na pero may araw pa rin. Lalong dumami ang tao. Some with friends, families, partners, the gist. Ang daming bumibili ng beer ng Estrella Damm, which reminded her of one particular commercial where Peter Dinklage and Alvaro Cervantes acted. Yearly they create a commercial for the beginning of summer and encapsulate the vibes of the whole duration of the season. It’s really different when surrounded by friends and families having a drink in a beach house, or yacht, or in an anti-craft warfare. Drinking moderately sounds so simple but doing it under the sun and feeling good about it is on a different level, emphasize on ‘moderate’ because everybody should. How she wished she had someone to share the intimacy she was feeling. Someone to cling to while waiting for the fireworks, someone to lean on while chugging down the water she bought. She realized that sounds ridiculous. Leaning and chugging at the same time? Dumbass, she thought.
It’s not like she’s actively looking for someone to be in a relationship. If it happens, it will happen. She doesn’t wanna do it just because everyone is doing it. Ari wants to continuously explore while looking for someone to share her fries and milkshakes with, and if it’s a crime to do so, then she will die on that mountain.
“Oh, finally,” Ari muttered when she saw Ale. “Thank God for Alejandra.”
“Bathala is shaking,” ani Ale.
May dala-dala rin itong bote ng tubig. “Bayad tayo ng utang, ha,” paalala niya rito.
“Hoy, ‘di ko sadya ‘yon. Naiwan ko talaga,” agad na depensa nito.
“Lakas natin magyaya ng Taverna, ‘no, wala palang pambayad,” dugtong pa niya.
“I forgot nga kasi ‘yong card ko, ‘eto naman, parang maghihirap kapag ‘di agad nabayaran.”
“Hindi ba? Nagpabuhat kayong lahat, mga animal,” Tinuro niya si Samael. “Tanong mo ‘yan, o.”
“Thank you na lang,” pang-aasar ni Ale. “Wala akong cash, eh.”
“Naku, ganda lang talaga, eh,” dugtong pa ni Ari.
“Hay, Amari, kiss na lang kita.”
Sumingit si Samael at ipinakilala ang nobya nito sa bagong dating. They talked more hushed this time, unlike last night when they were capable of more disgusting things. They just hang around seated against the rocks waiting for the sun to go down so they could light up their fireworks.
“So, Iya,” ani Ale sa tabi niya. “Nakausap ko siya. Anong oras ka pupunta ng Sants?” Tinutukoy nito ang train station na bababaan ni Iya.
“Would you like to come with me?” diretsahang tanong niya.
“Yes, I would love to see her again,” sagot naman nito na diretso ang tingin sa harap nila.
“Good. Pwede na tayong umalis in thirty minutes,” imporma niya.
“What? Hindi na natin mahihintay ang fireworks?” dismayadong tanong nito.
“That or Iya,” aniya.
Ale made face. “Duh, next question, please.” Nagsimula na itong mag-ayos ng gamit.
“Saan tayo kakain mamaya?”
“Kayong bahala, sagot ko ‘yan,” masayang sabi nito.
Natawa siya. “Dapat ganyan lagi. Oo lang ng oo. Salamat po Bathala dahil dininig mo ang hiling ko.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Ano ‘yan?”
“Nang magka-lovelife ka na,” sabi niya.
Malungkot itong ngumiti. “Sana pinalangin mo na tanggapin ako ng pamilya ko. Darating naman ‘yang lovelife. Sana lang matanggap ako ng mga inay sa kung sino ako.” Natigilan siya sa narinig. Oo nga pala. Sarado ang isipan ng pamilya nito tungkol sa community nila. Tanggap lang ng pamilya nito ang dalawang uri ng kasarian. Kahit magpahaging si Ale ng paulit-ulit, makikita sa reaksyon ng mga ito na isinusuka o nandidiri ang mga ito sa mga bakla, lesbian, transgender, at iba pang s****l orientation. Katulad niya ay tanggap lang ito sa group of friends nito. Hindi nito magawang magbahagi ng pinagdadaanan nito ukol sa pagiging lipstick lesbian. For Ale, labels are not important if it’s sending the right message. Gay, lipstick lesbian, name it. She only likes girls and she can’t share it with the rest of the world if it means that she will lose her family in the process. Ari could see she might’ve put a lot of faith in Iya and she can’t see this going the other way. It’s clearly visible they both feel the same thing. If that’s the case, aside from them keeping it a secret from their families, how can they keep the relationship going, if ever there’s going to be one. Iya is a diplomat. She travels around. Alejandra wouldn’t even ask for a leave except if she’s taking a long month vacation in the Philippines. They don’t have any other option aside from a long-distance relationship.
“What?” si Ale. Ari snapped out of her cloud of thoughts.
“I was just thinking how we’d transfer from here to Sants,” she said.
Lalong sumingkit ang singkit na nitong mga mata. “Big, fat liar.”
Ari smiled. “For what it’s worth, I hope she fully sees your value and reciprocates your feelings.”
Ale licked her lower lip. “The fact that she’s here and somehow seeped her way into my life is enough.”
Ari rolled her eyes. “Ugh, such a liar. You will die the day she leaves,” pangunguna niya.
She smiled sadly. “I will.” She feigned a cry.
“Are you, guys, leaving?” tanong ni Belle, ang kasama ni Samael. Pawang nakatayo na sila at nahaharangan ang tanawin ng ibang tao sa likuran nila. Tumango sila at idinahilan na susunduin ang isa nilang kaibigan sa Sants. Narinig nilang ipinaalala ni Belle sa lalake na may kikitain pa ito. Ari didn’t catch the name but it sounded masculine.
Samael sighed in dismay. “Really, guys? Can’t we stay for a little bit more?” anito.
“We’ll figure out a way to celebrate San Juan,” sabi ni Ari na gustong-gusto nang umalis. “I told Ale we won’t be leaving for another thirty minutes but I miscalculated the travel from here to point B. We probably should head now.”
“Let’s go together and light these buggers off while walking, how’s that?” ani Ale na iminuwestra ang mga sparkler.
Dismayado si Samael na hindi nila makikita ang tuluyang paglisan ng araw at pagbati ng dilim habang lumiliwanag ang mga hawak na paputok. Sinindihan na lang nila iyon habang sila’y naglalakad. Sinubukan nila itong i-cheer up ngunit nakaalis na si Belle ay wala pa ring mababakas na saya sa mukha nito o kahit man lang onting pagbabago sa anyo nito. Nahihiya tuloy sila ni Ale rito. Hindi naman nila masabi na pwede naman itong magpaiwan kasama ang nobya. Ito ang nagyaya na magpunta ng Bunkers pero sila ang unang nagyayang umalis. Sabi naman ng nobya nito ay may katatagpuin ito.
“Saan ang punta ni Belle?” ani Ale.
“Sa family niya,” Samael grunted.
“May pupuntahan ka rin naman, ‘di ba?” si Ale ulit.
Tumango ang kausap. “Oo, pero sana hindi muna tayo umalis hangga’t hindi natin nakikita ‘yong scene do’n sa taas. Ang presko na nga, sobrang chill, kahit maingay, alam mo na ‘yong ingay na ‘yon, eh, dahil alam mong nagsasayahan lang ang mga tao. Why would you trade it for a boring bus and train ride?” himutok ni Samael.
Nilapitan niya ito at niyakap. “I’m sorry.” hinging-paumanhin niya. “I figured we’ll talk a lot,” aniya na ang tinutukoy ay si Ale. “And we’ll take our time walking. I feel like we always have something to catch up on. But, you know, the real reason is, we’re fetching someone from Sants. And frankly, Samael, Iya, and Ale could light up a whole town just like San Juan’s.” She smiled. “They are their own festival.”
“Shut up,” ani Samael na unti-unti nang napapangiti.
“What?” ani Ari na napapangiti na rin. “Ba’t ka naka-smile?” tanong niya pa.
“In love na ang dalaga namin,” ani Samael sabay kabig kay Ale at niyakap ito.
“Ew,” reklamo ni Ale at tinutulak palayo ang kaibigan. “Don’t touch me.” kunwa’y pag-iinarte nito. “Kung ‘di ko lang alam, may booking ka pa mamaya.” dagdag ni Ale.
Napataas ang kilay niya sa narinig. Hindi rin niya mapigilang maningkit ang mga mata dahil gusto niyang usisain si Samael. Hinayaan na lang niyang mamatay ang boses sa lalamunan kaysa lumabas ang pagiging tsimosa siya. Belle’s super fine, Ari doesn't see how Samael still has something going on under his nose. But anyway, that’s none of her business.
“Hey, love,” tawag sa kanya ni Samael. He has this unashamed look on his face. “What’s going on in that beautiful head of yours?”
“I’m trying to reel in the chismosa in me,” she answered.
“No worries.” He winked. “We’ll get down on it later.”
She rolled her eyes. Ale burst out laughing. “God, you’re such a f*****g idiot,” ani Ale kay Samael. Nagtaka naman siya sa narinig. Ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon nang hindi na nagsalita ang dalawa. Mahaba-haba pa ang hihintayin nila bago makarating sa Sants kaya naisipan niyang mag-soundtrip muna. Hindi sa ayaw niyang makipag-usap sa dalawa, nawalan lang siya ng gana nang hindi nila in-elaborate ang private joke kanina. She almost rolled her eyes if only the two could not see her. Private joke nga, eh. Whatever it was, only the two of them could understand it. But it’s not something reggae couldn’t fix. The higher the volume, the fewer f***s she could give.