CHAPTER EIGHT "YOU look exhausted," pansin sa kanya ni Dominic dahilan upang malipat dito ang atensiyon niya mula kina Aling Cora at sa tatlong mga anak nito. "'Yong damit mo, namantsahan," sabi naman niya. "Wala 'to." "Pasensiya ka na, Dominic, ha? Naabala pa kita. Nag-alala lang talaga ako kay Aling Cora." "Nag-alala rin naman ako sa kanya, ah? You just did the right thing, Sharine." Tumingin ito sa wrist watch nito. "But we missed the press conference." Bumuntong-hininga siya. "'Yaan mo na. Maiintindihan naman siguro ni Kelvin ang nangyari." "Mahalaga ang press conference na 'yon para sa career mo." "Mamaya na nga 'yang career na 'yan. Uunahin ko pa ba 'yan kaysa sa buhay ng tao?" He chuckled. Napatulala naman siya. Bakit hindi? Pagngiti pa nga lang ay mailap na para rito, pagk

