AND she decided to wear blue checkered dress, black blazer and doll shoes. She's a jeans girl pero para sa araw na iyon, magpapaka-formal siya. Umiinom siya ng Bitamilk habang nakaupo sa labas ng paborito niyang convenience store nang huminto ang sasakyan ni Dominic sa kabilang kalsada. Mabilis siyang tumayo habang pilit na itinatago ang excitement na naramdaman nang makita niya itong bumaba ng sasakyan. Dominic was wearing white long-sleeved polo, black slacks and black shoes. He looks dashing! Buti na lang naghanda ako. Hi-hi! Tatawid na sana siya pero nag-ring ang cellphone na hawak niya. Nakatapat naman na sa tenga ni Dominic ang phone nito. "Stay there," sabi lang nito at agad ding ibinaba ang phone. Kahit takang-taka ay nanatili nga siya sa kinaroroonan. Habang tumatawid ito at

