PAGKAGALING nila kay Aling Cora ay dumaan muna sila sa isang convenience store upang bumili ng maiinom. Hindi muna sila agad umalis dahil biglang may tumawag kay Dominic. Habang pinangangalahati ang laman ng kanyang Vitamilk ay walang kakurap-kurap na pinagmasdan niya ang likuran ni Dominic habang may kausap ito sa cellphone. Ate raw nito. Sa kotse na lamang siya naghintay rito. Tutal naman ay maghahanap lang sila ng restaurant na kakainan ng lunch. Likod pa lang, combo meal na. Ilang sandali pa ay natapos na rin ang pakikipag-usap nito at bumalik na sa loob ng kotse. "Is it alright if we'll have a change of plan?" anito. "Bakit? Ano'ng nangyari?" "May meeting sa isang client niya si Ate at wala siyang pag-iiwanan sa mga pamangkin ko. Ayoko namang ipagkatiwala ang mga bata kung kani-k

