CHAPTER TWELVE NAPANGITI siya nang datnan niya si Dominic na nakaupo sa sofa habang nakapikit. Nang samahan kasi niya sa kwarto ang mga bata ay maghuhugas lang daw ito ng pinggan. Maingat siyang umupo sa tabi nito upang hindi ito magising. Napahikab uli siya. Napamulat naman ito. He immediately wrapped his arm around her shoulders. "Tulog na sila?" he asked in a muffled voice. "Oo. Hindi naman pala sila mahirap patulugin, e." "Tayo naman ang matulog." "Sige." Umunan ito sa armrest ng sofa kaya napaunan siya sa dibdib nito. Mabuti na lang at King size ang sofa, nagkasya sila nito. "Ano'ng size ng paa mo?" tanong niya nang mapadako ang tingin sa paa nitong nakapatong sa kabilang armrest. "Twelve." "Wow, pang-basketball player ang peg," sabi niya at natawa. "Matulog ka na kung ayaw

