"ITO NA nga pala, Dominic," nakangiting sabi ni Dianara at inabutan ang lalaki ng dalawang may kaliitang kulay brown na box. Walang anumang design o logo na nakalagay kaya hindi mahulaan ni Sharine kung ano ang ibinigay nito kay Dominic. Katatapos lang ng dinner nila at nagpasya na silang umuwi bago pa tuluyang lumalim ang gabi. "Ate, hindi pa ubos ang binigay mo," ani Dominic. "Hindi pa ba?" Napahimas ito ng baba at agad ding napakumpas sa hangin. "Hayaan mo na." "Maraming salamat para rito." "Walang anuman!" Niyakap nito si Dominic. "Mag-iingat kayo, ha? Salamat ulit sa panahon ninyong dalawa." Siya naman ang niyakap ni Dianara. "It was nice meeting you, Sharine. You are such a sweet girl. I hope the next time na balik mo rito, official na kayong mag-on nitong kapatid ko." Natawa

