CHAPTER THIRTEEN "SA ISANG araw na ang biyahe ko pauwi sa inyo," pagbabalita ni Nanay Bebang habang naghahapunan sila. Maging siya ay kamuntikan na iyong makalimutan. Taon-taon ay umuuwi sa kanila ang Nanay Bebang niya para kumustahin ang kalagayan ng pamilya niya lalo na si Sheyn. Ibig sabihin ay ang katiwala nito sa pwesto nila ang maiiwan para magbantay. Wala namang problema doon dahil mapagkakatiwalaan naman si Aling Mercy. "Kailan po kayo uuwi?" "Sa susunod na linggo, uuwi na 'ko. Kung gusto mo, pwede kang mag-stay kina Kisha kung natatakot kang mag-isa. O 'di naman kaya, patitingnan na lang kita kay Herbert." Hindi niya mapigilan ang mapasimangot sa huling sinabi nito. "Ano'ng akala niyo sa 'kin, 'Nay? Kayang-kaya ko ang sarili ko. Mana ako sa inyo, e. Huwag niyong kalimutang i

