25

868 Words

NAGTIMPLA siya ng chocolate para sa kanilang dalawa. Habang abala siya sa paglalagay ng mga marshmallow sa tasa ay nakarinig siya ng mga pagkatok sa pinto. 'Wag naman sana. Tumayo siya at tinungo ang pinto. Para lang ma-disappoint dahil tama ang hinala niya. "Mag-isa ka lang daw ngayon sabi ni Nanay," nakangiting bungad ni Herbert. "Ah, kasi..." "Hindi. Ako ang kasama niya," sagot ni Dominic mula sa likuran niya. Nilingon niya ito. Tapos na pala itong maligo sa banyo. Nakasuot ito ng checkered na shorts at... iyon lang. Wala itong suot na pang-itaas. Hindi naman siguro pwedeng counted ang tuwalya niyang nakasabit sa balikat nito. Ayayay. Nakagat niya ang ibabang labi upang hindi siya maglaway. May abs nga ito! At six packs pa! Ngali-ngaling ibagsak niya ang pintuan sa mukha ni Herb

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD