KASALUKUYAN niyang hinuhugasan ang mga pinggan sa lababo nang marinig niya ang pagbubukas ng radyo sa sala. Napangiti siya. At home na nga si Dominic sa bahay nila. Kasalukuyang nagsasalita pa ang paborito niyang si DJ Sai. Nang matapos ito ay napalitan na ang narinig niya ng isang pamilyar na kanta na nagpatigil sa kanya. When your legs don't work like they used to before, And I can't sweep you off of your feet. Will you mouth still remember the taste of my love? Will your eyes still smile from your cheek? Nagulat siya nang bigla siyang hawakan ni Dominic sa braso at pinaharap dito. "Bakit?" takang tanong niya. And baby, I will be loving you 'til we're seventy... Ikinawit nito ang isang kamay niya sa balikat nito. "Basa nang damit mo, o," naalarmang sabi niya pero hindi iyon pina

