CHAPTER FIFTEEN "CALL me kung malapit nang matapos ang laro. Pupuntahan agad kita," ani Dominic matapos siyang pagbuksan ng pinto ng sasakyan. Sa unahan nila ay nakikita niya ang mga taong tinutungo ang direksiyon ng coliseum para manood ng basketball. Malapit nang matapos ang round two ng eliminations at malinaw na kung sino ang makakapasok sa Final Four. "Thanks, Dominic," malapad ang ngiting sabi niya at kinalag na ang seatbelt. Magkasama sila nito buong umaga at nag-lunch pa sila bago siya sumabak sa trabaho. "Ingat ka, ha? See you later!" Bumaba na siya ng kotse. "See you later," anito at isinara na ang pintuan. Kumaway na siya rito. Imbes nga lang na maglakad na ay bigla siyang tumingkayad at hinalikan ito nang mabilis sa pisngi. Napabungisngis siya sa gulat na reaksiyon ni Domi

