29

1620 Words

NAGMAMADALING lumabas ng bahay si Sharine at nag-abang ng masasakyan. Abot-abot ang kaba sa dibdib niya. Ilang beses na niyang sinabi sa sarili na hinding-hindi siya magagaya sa mga magulang niya kaya hinding-hindi siya magmamahal. Pero mukhang inaasar yata siya ng tadhana dahil itinambak nito sa harapan niya ang isang katulad ni Dominic. Hindi ako magagaya sa mga magulang ko, iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa sarili habang sakay siya ng taxi. Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata niya. Saka lang niya napagtuunan ng pansin na nagpapatugtog pala ang driver. I thought I had the whole thing figured out till I found you, I didn't wanna waste my time just looking for love... I thought that I was better off alone but I was wrong... Hindi napigilan ni Sharine ang mapangiti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD