EPILOGUE MATAPOS maputol nina Dominic at Ate Dian ang ribbon ay malakas na nagpalakpakan ang mga dumalo sa opening ng Scents D-light—ang perfume business na itinayo ni Ate Dian at ng mga partners nito. Nakataas ang kilay na ipinakita ni Sharine kay Dominic ang captured image ng kanyang camera. "Bakit sa akin ka nakatingin, Dominic? It's supposed to be candid." Nang tuluyang makalapit ito ay hinapit siya nito sa beywang. "Ang ganda mo kasi, e," he said innocently. "Echos." Yumakap siya sa batok nito nang halikan siya nito sa noo. "Ang bango talaga ng boyfriend ko," sabi niya sabay singhot sa amoy nito. "Lagot ka sa 'kin kapag wala nang tao," bulong nito sa tenga niya kaya naman napakislot siya. "Ikaw, Nic, ha. Natatakot na 'ko sa'yo," biro niya. Impit siyang napatili nang marahan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


