19

1152 Words

"HINDI hamak na mas gwapo sa personal ang batang 'yon," nakangiting wika ni Nanay Bebang na nakaabang na sa pinto pagbalik niya sa loob. "Oo nga, 'Nay. Hindi kami bagay," pasakalye niya. "Paano niya nakuhang ihatid ka?" "Siya po 'yong nagprisinta. Naawa siguro sa 'kin kasi wala na akong masasakyan." "Walang kaso sa akin kung mahulog ang loob mo sa kanya. Walang halong pagpapanggap ang mga kilos niya. Tingin ko, magiging mabuting katuwang mo sa buhay ang batang iyon." Pinanlakihan niya ito ng mata. "Nay, naman!" "Napanood ko sa balita kanina ang ginawa niyong pagtulong sa naaksidente. Bilang lola mo, proud na proud ako. Kaya walang dudang bagay kayong dalawa." "Sinasabi niyo lang po 'yan kasi apo niyo 'ko." Pinalo nito ang puwitan niya kaya napahiyaw siya sa gulat. "Galingan mo pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD