CHAPTER 52 Olivia’s POV Pabalik na ako sa ospital nang maalala ko na wala pa pala akong nabibiling pagkain para kay Christian. Kainis naman. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng araw ngayon ko pa siya nakita. Pwede namang saka na kapag nawala na ang ibang problema ko. Bakit ba nakikisabay pa siya. Naglakad ako papunta sa sakayan. Sa kabilang department store na lang ako bibili kahit malayo. Keysa sa malapit ngang store pero nandoon naman sila. Ayoko nang bumalik doon sa lugar kung saan ko nakita silang dalawa ni Abi na magkasama. At baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at makapagsabi ako ng masasamang salita. Nang kukunin ko na ang wallet ko sa aking bag para magbayad. Ay may nag-abot ng card mula sa likuran ko. “I’ll pay for it, Miss,” sabi ng taong nasa likuran ko. Nilingo

