CHAPTER 57 Olivia’s POV Namumula ako habang nakaupo ako sa upuang nasa tabi ng kama ni Josh. Umabot ata ng higit kalahating oras ang pagma-make out naming dalawa. Natigil lang kami ng may pumasok na nurse para tignan ang statistics ni Josh. Kung hindi pumasok ang nurse na ‘to ay baka hanggang ngayon ay naghahalikan pa rin kami ni Josh. Nakayuko lang ako habang kinukuhanan ng blood pressure si Josh. Kagat-kagat ko ang aking labi habang nagsisi sa aking ginawa. Bakit ba kasi hindi ko ni-lock yung pinto, eh. Edi sana walang istorbo… ay este edi sana hindi kami naabutang naghahalikan ng nurse. ‘Yon talaga ‘yon. Naiinis ako sa nurse hindi dahil sa istorbo siya kundi dahil sa nakita niya kami ni Josh na gumagawa ng kababalaghan. “Okay na po, Miss. You may go on and continue what you’re

