Chapter 58

1779 Words

CHAPTER 58 Olivia’s POV Nagising ako ng may naramdaman akong may humahawak sa may bandang tenga ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Magkasalubong na mga kilay ang bumungad sa ‘kin. Seryosong-serysoo si Christian habang iniipit ang buhok ko sa aking tenga. Ibinaba niya ang kaniyang tingin sa aking mga mata. Nang magtama ang aming mga mata ay nginitian niya ako. Hinawakan niya ang aking pisngi. “Good morning, Olivia!” malambing nitong sabi. “Christian,” bulong ko. Pinapakiramdaman ko ang aking puso ngayong magkaharap kami. Tinitimbang ko kung kanino ito mas mabilis tumibok. Kung sa kaniya ba o kay Josh. Nginitian niya ako. “I’ve regained all my memories,” sabi nito sa mahinang boses. Umiwas siya nang tingin sa akin. Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD