CHAPTER 35 Olivia’s POV Hapon na pero hindi pa rin bumabalik si Carina. Ganoon ba kaimportante ang sinasabi ng tumawag sa kaniya at inabot na siya ng hapon sa pakikipag-usap. Naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Kagabi pa kasi ang huling beses na kumain ako at halos bente kwatrong oras na akong hindi kumakain. Tumayo ako. “I’ll just eat for a while, Josh,” paalam ko kay Josh kahit alam kong hindi niya naman ako maririnig. Kinuha ko ang bag ko at isinukbit ito sa aking balikat. Pagdating ko sa cafeteria ay wala masiyadong tao kaya nauna na ang pag-order ko bago ako maghanap ng upuan. Inilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria para maghanap ng mauupuan. “Olivia!” sigaw ng isa sa pangalan ko. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses. Nang mapatin

