CHAPTER 36 Olivia's POV Bagsak ang balikat ko habang naglalakad ako papasok sa building ng condo ni Sir Christian. Pagtapat ko sa pinto ay huminga muna ako ng malalim. Plinasteran ko ng isang malaking pekeng ngiti ang mga labi ko. Huminga ako ng malalim sa huling pagkatataon. Binuksan ko ang pinto. Pagpasok ko ay may naamoy akong mabango galing sa kusina. Yung amoy na parang may nagluluto ng butter. Tinignan ko ang orasan sa dingding. Alas otso na ng umaga. Ang akala ko ba ay alas siyete pa lang ay aalis na ang nurse na pumalit sa ‘kin. Hala baka naman hinintay niya muna akong dumating bago siya umalis. Pero nag-message na ako sa kaniya kanina na huwag na niya akong intaying makauwi dahil baka ma-late ako. Nagkibit balikat na lamang ako at naglakad pap

