CHAPTER 55 Olivia’s POV “Olivia!” Napapitlag ako nang sumigaw si Christian. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “I told you that we need to talk. Why are you not talking?” aniya. Kanina pa ako nakatulala. Iniisip ko kasi ang mga susunod na mangyayari pagkatapos nito. Kung ano ang gagawin ko kapag tinanggal niya ako at kung saang kalye ako pupulutin. Tinuro ko ang sarili ko. “Ako po?” naguguluhan kong sabi. “Yes, you, Olivia.” Kumunot ang kaniyang noo. “Aren’t you going to ask me something?” Bakit ako? Siya ‘yung nag-aya na mag-usap kami. Tapos ngayon ako pa ang mamromroblema sa pag-uusapan namin. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan namin dalawang mag-usap. Tuluyan na ba siyang nasisiraan ng ulo? “Wala …. naman po?” naguguluhan kong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Sigur

