CHAPTER 54 Olivia's POV Wala sa sarili akong naglakad pabalik ng kwarto ni Christian. Sa halip na pumasok ako sa loob ay mas pinili kong manatili muna sa labas ng kwarto niya. Umupo ako sa bench sa labas ng kaniyang kwarto. Hindi ko alam kung nakalabas na ba ang bisita niyang si Peter. Kaya mas minabuti ko munang manatili rito kaysa sa makasama siya sa loob. Napahikab ako nang lumipas na ang isang oras ay wala pa ring lumalabas sa kwarto ni Christian. Umuwi na kaya siya? Pero saglit lang naman akong nanatili sa kwarto ni Josh. Imposible namang mabilis lang silang nag-usap, samantalang ang tagal na nilang hindi nagkikita. Tinignan ko ang relo ko. Magtatanghalian na pala. Bibili muna ako ng pagkain ni Christian bago ako pumasok sa loob. Naglalakad na ako papunta sa cafeteria nang mak

