Parehong namuo ng bilog ang mga mata ng veteran journalist ng SBG-12 na si Luna Helasque at well-known multi-awarded director of the country na si Direk Josiah Camero sa labis na pagkagulat! Natulala ang dalawang propesyonal sa harapan ng isa’t isa. Napakagat nang mariin si Josiah sa kaniyang labi samantalang si Luna naman ay kulang na lang ay pasukan na ng kung anong insekto ang bibig sa pagkabigla. Sa kabilang banda, ang nasa gitna ng dalawa ay ang nagtataka at nagugulumihanan na si Direk Gab. “Magkakilala kayo?” biglang tanong ni Direk Gab sa dalawa dahilan para mabalik sa huwisyo at katinuan sina Josiah at Luna. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Josiah samantalang pilit ay tipid na ngumiti si Luna. Tuloy ay nagpapalit-palit ang paningin ni Direk Gab sa dalawa na hindi alam ang gag

