Chapter 20

2079 Words

Kaliwa’t kanan ang click ng mga camera. Rinig na rinig ang nakaeengganyong background music sa napakalawak at napakalaking arena. Malakas ang palakpakan mula sa mga hindi mabilang na pares ng kamay. Hindi mahulugang karayom ang makikitang tao na nakaupo sa audience areas. Sa pagmamalabis, halos tuldok na lamang ang mga audience sa mata ng isang tao sa sobrang lawak ng arena. Dagdag pa ang mga malalaking lights mula sa malayo. Nakasisilaw lalo ang liwanag mula sa mga sunod-sunod na flash ng camera maging sa background lights ng buong paligid. Ang mga naglalakihang spotlights ay nakatutok sa isang tao—isang lalaking nakatayo sa unahan. “The Best Director Award of the 26th New York Film Festival goes to. . . Josiah Camero of ‘When Music Dies’ from the Philippines!” Hiyawan at sigawan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD