Chapter 19

1745 Words
Parehong namuo ng bilog ang mga mata ng veteran journalist ng SBG-12 na si Luna Helasque at well-known multi-awarded director of the country na si Direk Josiah Camero sa labis na pagkagulat! Natulala ang dalawang propesyonal sa harapan ng isa’t isa. Napakagat nang mariin si Josiah sa kaniyang labi samantalang si Luna naman ay kulang na lang ay pasukan na ng kung anong insekto ang bibig sa pagkabigla. Sa kabilang banda, ang nasa gitna ng dalawa ay ang nagtataka at nagugulumihanan na si Direk Gab. “Magkakilala kayo?” biglang tanong ni Direk Gab sa dalawa dahilan para mabalik sa huwisyo at katinuan sina Josiah at Luna. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Josiah samantalang pilit ay tipid na ngumiti si Luna. Tuloy ay nagpapalit-palit ang paningin ni Direk Gab sa dalawa na hindi alam ang gagawin sa mga oras na ito. Napabuntonghininga na lamang si Josiah. “Do you to happen to know each other before? Hmm?” “No!” “Hindi pa, Direk.” Napatango-tango na lamang si Direk Gab nang marinig ang sagot ng dalawa. Bagaman sa una ay hindi kumbinsido ay naupo na lamang ang kilalang direktor sa bansa sa malambot o magandang couch. “Why don’t we sit first?” Itinuro ni Direk Gab nang mahinahon ang dalawang couch na nasa harapan. Nagkatinginan muna sina Luna at Josiah bago pasimpleng umupo sa magkatabing couch. Agad rin na kumilos ang mga hotel staff sa paglalagay ng mga mini dishes at drinks sa center table. “Now that the two of you have finally met each other, I hope na maging kumportable na kayo sa isa’t isa,” pagsasalita ulit ni Direk Gab. Kapansin-pansin ang biglaang pananahimik ni Luna. Ang journalist ay nagpipigil at nagtiitmpi sa inis sa kaloob-looban nito. Hindi lamang ipinahahalata. Ganoon din naman si Josiah na munting pagtango at tipid na pagngiti ang ginagawa habang nagsasalita ang matalik na kaibigan sa industriya na si Direk Gab. “If it is okay with you, may I ask first kung nagkita na ba kayo before? Somehow? Somewhere? Or at least pamilyar sa isa’t isa? Because it is impossible that you two have not? Kasi kung tutuusin, you two are both in the media and entertainment industry, right?” Nauna nang sumagot si Luna. “He’s very familiar to me, Direk Gab! Ano ka ba! Sino ang hindi makakikilala sa isang Josiah Camero?” Biglang bumaling ng tingin si Luna kay Josiah na nasa kabilang solo couch. Binigyan niya ito ng peke at plastik na ngiti at saka tinanguan. Halatang-halata ni Josiah na peke lamang ang inasal ngayon ni Luna. “I have seen and watch a lot of his movies! Oh, God, he’s very good! In fairness! Hindi naman mananalo ng local and international awards and recognitions kung hindi magaling, right, Direk Gab?” pekeng natatawa na ani Luna na siyang ikinatango at ikinatawa rin ni Direk Gab. “And not to mention is his recent movie! WHEN MUSIC DIES! I love it so much!” “Yes, yes! Even I, nagalingan din! That’s good to know, Luna na kilala mo nga si Josiah.” “I know here too, Direk Gab,” singit naman ni Josiah. “I was a fan of her when it comes to documentaries. She’s very good at the field, I must say! For real!” Agad na tumingin si Josiah kay Luna. Ngumisi si Josiah, pekeng ngiti lamang. “And who the hell in the country would not know someone who’s name is Luna Helasque! Jesus Christ, kilalang-kilala! Not to mention na minsan ko na ring pinangarap na makatrabaho ang tulad niya.” Napatango-tango si Direk Gab na paniwalang-paniwala naman sa pagpapanggap ng dalawa. Napatawa pang kunwari sina Luna at Josiah, nagtanguan sa isa’t isa, na para bang totoo nga ang lahat ng ipinakikita nila ngayon sa harap ng malapit na direktor. Ngunit ang katotohanan ay parehong kinaaayawan at kinaiinisan ang bawat isa. “Well, natutuwa ako na alam at kilala ninyo ang isa’t isa. Hoping na mas lalo pa kayong maging malapit because you two are very close to me.” “Of course, Direk! Why not?” mabilis na agap ni Josiah at ngumiti na naman nang may dobleng kahulugan. “Oo naman! Direk Josiah seems very interesting to know! It was my pleasure to meet and know him,” dagdag ni Luna at matamis na ngumiti ngunit sa likod ng matamis na ngiti ay naasar at naiinis. “So here’s the context,” pormal na pagsisimula ni Direk Gab kaya’t napaayos ng upo ang dalawa. Gayunpaman, naroon pa rin ang inis sa kalooban. “I have mentioned it to the two of you already. I will be resigning from the media and entertainment industry. Specifically, I will resign as a director.” Hindi maitatago ang pagkadismaya at lungkot sa mukha nina Luna at Josiah ngayon. Napatingin si Direk Gab kay Luna. “You know, Luna, hindi ako nambibigo ng mga tao sa paligid ko, lalo na ang mga malapit sa akin. I promised that we will be working and renewing for a three documentary projects. However, may mga bagay talaga sa buhay natin na hindi natin inaasahan na darating. Along the way, hindi natin kayang kontrolin. If our heart desires for it noon pa man, we had no choice but to follow and make it happen.” Nagkatinginan sina Luna at Josiah ngunit sa pagkakataong ito, seryoso na ang mukha nila. “That is why, gusto ko na si Josiah ang pumalit sa akin sa pangakong ikinalulungkot ko ay hindi ko na matutupad kasama ka, Luna. You know me and you can trust me, Luna. I chose Josiah Camero not just because he was good and that he was very close to me. But also because I trust his capabilities, his ways, his skills. Ngayon ay ipinagkakatiwala kita kay Josiah, Luna. That is my final and last wish.” Katahimikan. Walang nakapagsalita sa pagitan nina Josiah at Luna. Parehas na hindi nakaimik. Tanging bugso lamang ng malakas na hangin ang naririnig at mga nag-uusap sa hindi kalayuan sa vicinity ng hotel. “I know that my decision was so sudden. I know na parehas kayong nabigla and I am so sorry for that. But please, can you two give it just this once?” Napakagat na naman nang mariin si Josiah sa kaniyang ibabang labi. Dahil hindi alam ang sasabihin, isinilid na lamang ni Josiah ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Si Luna naman ay napainom ng malamig na tubig sa baso. “But to tell you two, hindi ko kayo ipinipilit. This is the reason kung bakit magkakaharap tayong tatlo: to clear things out. Walang sapilitan. However, considering my situation, talagang mahirap ngayon na magbitiw ng salita at magdesisyon. I’m so sorry.” “No, it’s okay, Direk, we understand.” “Would you two mind if I excuse myself for a CR break?” paalam ni Direk Gab. “Para na rin kahit paano ay makapag-usap kayo to further clarify things out.” “Sure!” Ngiting tumango sina Luna at Josiah sa direktor. Naglakad na palayo si Direk Gab upang tumungo sa comfort room ng ground floor ng hotel. Dahil nasa paligid pa si Direk Gab, todo ang pagpapanggap nina Luna at Josiah na ayos ang lahat sa pagitan nila. Nang mawala sa paningin nilang dalawa si Direk Gab ay mabilis na hinarap nina Josiah at Luna ang isa’t isa! Tiyak na may mag-aalburoto na namang bulkan dahil magtatalo na naman ang dalawa in 3, 2, 1... “I CAN’T DO THIS!” singhal kaagad ni Luna na kanina pa nagpipigil ng kaniyang asar at galit. “I WON’T DO THIS EITHER!” singhal pabalik ni Josiah. “Hindi ko masikmurang makasama ka at makatrabaho! I won’t let this delusion happen!” “Same here! Sino ba ang nagsabing gusto kitang makasama sa trabaho! Hindi ko rin masisikmurang makita ang pagmumukha mo sa paligid ko! Who the hell out of f*****g world are you?” ganti ni Luna. “Sino ako?” paghahamon ni Josiah na nakatigilid na para makaharap ang kaaway na journalist. Ako lang naman ang sinabihan mo kanina na sikat at kilala ng maraming tao!” Singhal na napatawa si Luna. “And how about you? Sinabi mo kanina sa harap ni Direk Gab na sino nga ba ang hindi makakikilala sa akin? Ang galing magpanggap!” “Back to you! You like my movies? You complimented me for being good at my job? I don’t need any of it because every people in the country knows about that!” buwelta pa ni Josiah. “Ang kapal naman ng libag sa mukha mo! Ikaw nga itong nagsabi na “fan” kita.” Ngumisi si Luna. “Sinabi mo pang pangarap mo akong makatarabaho? Yuck! Mandiri ka nga sa sarili mo! What a piece of liar!” “Wow! You really are an amazing woman! Kitang-kita naman na pinaplastik mo lang si Direk Gab! Buti at hindi niya alam na ganito ang ugali mo!” “Talaga ba? Buti at hindi alam ni Direk na ganito kasangsang ang totoong pananalita mo?” “Oh?” pang-aasar ni Josiah. “Ikaw nga itong parang anghel sa harapan kanina ni Direk Gab! Akala mong kung sinong santa pero impakta naman!” “Ang kapal ng mukha mo! Ikaw naman, kapre!” “sa guwapo kong ito?” paghahamon ni Josiah at itinuro ang sariling mukha. “Baka malaman ko na lang bukas makalawa na attracted ka sa akin?” Nanlaki ang mga mata ni Luna! “What the f**k? Hindi ka lang pala basura, isa ka ring dakilang assuming! GUWAPONG-GUWAPO SA SARILI?” “Why? Admit it. You are attracted to me.” Lahat ng sinabi nina Josiah at Luna sa isa’t isa kanina ay hindi talaga totoo dahil sinabi lang naman nila iyon dahil masa harapan ang malapit na direktor. Kulang na lang ay magkapisilan na ang dalawa. MABUTI NA LANG DIN, nakahiwalay ang room na kinaroroonan nila ngayon. Natigil lamang ang dalawa sa pagtatalo nang marinig ang boses ni Direk Gab at sa likuran nito ay ang lalaking sekretarya na kausap. Agad na bumalik sa dating awra sina Luna at Josiah na nakangiti. Balik sa pagpapanggap na ayos lamang ang lahat sa pagitan nilang dalawa sa harapan ni Direk Gab. Sa huling pagkakataon ay sumulyap sina Josiah at Luna sa isa’t isa at sinabi sa kanilang isip... “We will never work together...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD