Chapter 18

2019 Words
Sarkastikong ngumisi si Josiah. “Hindi ka ba nag-iingat sa paglalakad mo?" Mahinang napatawa nang peke si Luna. “Ako pa ngayon ang hindi tumitingin sa dinaraanan? Can’t you see? It is raining outside! If you have intuitive thinking or at least common sense, magmamadali kang tumakbo at pumasok sa kung saan ka makasisilong. That’s what I did!” “Ako pa ang hindi nag-iingat? Ikaw nga itong sinalubong ako na palabas na! And excuse me, may hawak akong cup of tea? Kung mayroon ka ring intuitive thinking or at least common sense, nag-iingat ako dahil mainit ang dala ko. How dare you telling me I'm careless?!” ganti naman ni Luna sa lalaki. Mahina lamang ang kanilang boses. “Can’t you walk nang mabilis while holding the whatsoever in your hand? Oh, common, you’re not the only one here,” buwelta pa ni Josiah. “And you? Hindi ba puwedeng pagpasok mo sa loob, tumingin ka agad sa dinaraanan mo?” Ilang sandali pa, mabilis na dumating ang isang lalaki na siyang manager ng tea shop. Paulit-ulit itong humingi ng tawad sa kanila. “Do you have private room here? VIP room? I had like to stay for a while,” mabilis na saad ni Luna sa manager nang mapansing umuulan na sa labas. Mabilis ang kaniyang isip—dapat ay maghanap siya ng lugar na siya lamang. Hindi naman nagpatalo si Josiah. “Do you have special room here, Sir? I had like to rent one. You know, I’m director and I can’t stay here nang mas matagal. Do you know my film ‘When Music Dies’? Yup! That’s my film, Sir!” Nagningning naman ang mata ng manager at kahit hindi iyon sabihin ni Josiah, kilala siya ng manager. “I’m multi-awarded journalist under SBG-12 Network, Sir! You know me, right?” Hindi naman nagpatalo si Luna at tumango-tango ang manager na kilala rin ang dalaga. “I just won an award, Sir. Now, would you mind?” Napaisip ang manager. “If I’m not mistaken, there’s only one room left out of three private room in our shop, Ms. Luna and Mr. Josiah.” “I won at 26th New York Film Festival as Best Director, Sir!” kaagad na sagot ni Josiah at tiningnan nang masama ang kalaban ngayon na babae. Hindi magpapatalo si Josiah dahil malakas ang ulan at hindi rin siya maaaring manatili sa kahit saang spot ng tea shop dahil tulad ni Luna, hindi rin siya basta-basta. “My two documentary entry recently won at 78th Baeksang Awards in Seoul, South Korea, Sir!” mabilis namang hirit ni Luna at sinamaan ng tingin ang kalaban ngayong lalaki. “I will give you an autograph, Sir! And I can use your name in my films, if you want!” “I can give you a shout, special mention, or whatsoever! Ibigay mo sa akin ang natitirang private room!” “Do you think you deserve the left room dahil sa ginawa mo sa akin?” mabilis na banat ni Josiah kay Luna, saka mabilis na hinarap ito. “You don’t even deserve to be in front of me, ang mapunta pa kaya sa iyo ang natitirang room?” agap naman ni Luna kay Josiah. “Don’t you know me? I’m Direk Josiah!” “Don’t you know me as well? I’m Luna Helasque!" “I don't know you! Hindi mo deserve na kilalanin!” mabilis na sagot ni Josiah. “Same here! Sino ka ba? The nerve of you!” ganti ulit ni Luna at pinagkrus ang mga braso. Bago pa man magpang-abot ang dalawa ay mabilis na sumingit ang manager at pumagitna. Kaagad nitong sinuway ang ilang mga customer na nakalabas ang mga cellphone. Inutusan din ang mga staffs na ipabura ang mga nakuhang litrato at video. Napabuntonghininga na lamang ang manager. Dalawang bigating personalidad nga ang nasa harapan, hindi naman kaaya-aya ang situwasyon at nag-aaway pa ang sikat na journalist at direktor na sina Luna at Josiah. “Ma’am, Sir, puwede po kayong mag-share sa iisang room. May kalakihan naman po iyon at puwede ring hindi ninyo makita ang isa’t isa dahil may mga gamit po roon na nagsisilbing divider. Ihahatid ko na po kayo sa itaas.” Hihirit pa sana ang dalawa ngunit naglakad na pa-second floor ang manager na hindi mapigilan ang ngiti sa mga oras na ito. Nag-unahan sa pag-akyat ang direktor at journalist. Itinuro ng manager ang natitirang private room at nauna na si Josiah sa loob at nagtungo sa dulo kung saan nakapuwesto siya sa tapat ng glass window. Isinara niya rin ang kurtina na naghahati sa room. Mabilis naman na naupo si Luna sa sofa sa bungad lamang ng pinto at napairap. Pumasok ang manager. Natutuwa itong nagpa-picture sa dalawa, humingi ng autograph, at nakangiting umalis din. Bumalik din si Luna at Josiah sa kanilang puwesto upang hindi makita ng mga mata ang isa’t isa. Parehas nilang ikinakalma ang sarili. Ngunit hindi nakuntento si Luna at binuksan ang kurtina at hinarap ang lalaking nakarungaw sa bintana. Mabilis itong humarap sa kaniya. “Can you please, get out? I can’t stand this situation na kasama ka sa iisang kuwarto?” ani Luna. “Just the same. I don’t want you too here.” Ngumisi si Josiah. “Be gentleman, at least!” “Ikaw nga itong nagbukas ng kurtina at nananahimik na ako rito! Don’t you know how privacy works? Journalist ka ba talaga?” “Direktor ka ba talaga? Excuse me?” Mabilis na isinarado na ulit ni Luna ang kurtina at kinagat ang ibabang labi sa inis. Para sa mga tulad niyang man hater ay hindi niya makakayanang makasama ang isang lalaki sa iisang lugar, malapit sa kaniya, nakikita man niya o hindi, ramdam man niya ang presensiya o hindi. Ganoon talaga ang inis at galit ni Luna sa mga kalalakihan. Hindi naman nagpatalo si Josiah. Hindi rin niya matitiis na makasama, makasalamuha, at makita ang kahit isang babae sa iisang lugar. Para sa mga tulad niyang woman hater ay wala ng mas nakaiinis pa sa kaisipang iyon. Si Josiah naman ang nagbukas ng kurtina at kinompronta si Luna na nakaupo sa sofa. “Problema mo? May nalalaman ka pang privacy, tapos ay bubuksan mo iyan?” Wala pa man din ay nakataas na ang boses ni Luna. “You know what, kung hindi ka lang maarte at nag-iingat sa paglalakad papuntang double door, hindi sana tayo magkakabanggaan. And this s**t would be nothing.” Mahinang napatawa nang sarkastiko ang direktor dahil sa namantsaan na pantalon sa tapat mismo ng p*********i. “So, you’re really insisting that it was all my fault? That I am the one to be blamed here? Ikaw nga itong pabaya! Ano naman kung umuulan sa labas at nagmamadali ka? Kung pagpasok mo pa lang sana, dapat ay tumigil ka na sa pagmamadali!” Kung magbangayan talaga ang dalawa, akala mo ay mga hindi professionals! “Ang sabihin mo, maarte ka lang at hindi ka marunong mag-ingat kahit may hawak na tea cup!” singhal pa muli ni Josiah. “Ang sabihin mo, bulag ka lang at hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo!” ganti ni Luna. Bago pa tumayo si Luna at bago pa lumapit si Josiah upang harap-harapan na magsagutan ay tumalikod na si Josiah at bumalik sa kaniyang puwesto at isinara ang kurtinang puti. Dalawa sila ay naiinis ngayon dahil kasama ang isa’t isa hindi lamang dahil pareho silang natapunan ng tsaa, kung hindi dahil ayaw nila ang kasarian ng isa’t isa. Kunwaring may tumatawag kay Josiah at iniligay ng binata ang cellphone sa tainga nito. “Hello, Oxy? Pre? Kumusta? Na-stock ako rito sa tea shop malapit sa condo.” Mula sa kinauupuan ni Luna ay napatawa siya nang sarkastiko. Sa isip-isip ng journalist, peke lamang ang tawag na iyon o palabas lamang dahil wala naman siyang narinig na ringtone. Gawain din kasi ito palagi ni Luna. “Hello? How’s the work? Ang ipinagagawa ko sa iyo? Lalaki pa rin ba ang videographer?" pagpapanggap din ni Luna na itinapat sa kanang tainga ang kaniyang phone. Nakarinig naman si Josiah at napangisi dahil ginaya rin siya ng dalaga. “This is so infuriating, I swear! Could you imagine, may kasama ako ritong tao sa iisang kuwarto? At babae pa! Of all! This is s**t! You know I hate women, right?” pagpapanggap ni Josiah na kausap si Oxy sa kabilang linya kahit hindi naman talaga. “Sorry if late akong tumawag, my personal assistant. Ang gara nga, narito ako sa iisang kuwarto kasama ang isang lalaki. I hate men! I really really loathe them to the hell!” ganti namang parinig ni Luna at tumayo sa sofa. Kinagat ni Josiah ang ibabang labi. “Ang mga babae kasi, nakaiinis! Ang arte-arte nila! Mga suplada! Nakaririndi ang boses! Alam mo na.” Tumaas ang kilay na naman ni Luna. “You know men, nakaiinis dahil mga manyak, mga babaero, basagulero, puro salita lang sila.” Hindi nagpatalo si Josiah. “Gaya na lang ng babae ritong kasama ko, Oxy! I’m with her right now in a private room! Akala mong kung sino! She spilled some tea in my private part! What the s**t lang? Kapag ako, hindi nakabuntis, lagot sa akin ang babae na ito!” Hindi pahuhuli si Luna. “Nakaiinis talaga ang kasama ko rito! Sa lahat-lahat ay lalaki pa talaga! Ang kapal pa ng mukha! Natapunan tuloy ako! Siya na nga itong nagmamadali at hindi tumitingin sa dinaraanan, ang lakas pa ng loob! Saan kaya siya kumuha ng kakapalan ng kalyo sa mukha niya! The nerve of this asshole!” Nag-igting ang panga ni Josiah sa narinig. “Ito pa ang sabi niya! She’s a multi-awarded journalist daw! Tol, hindi ko nga kilala ang mukha niya? SBG-12 Network? Ang taas ng pangarap! Nananaginip nang gising! Over her dead body! Baeksang Awards daw? South Korea? My ass! Kilala mo ba? Baliw na yata!” Nanlaki ang mga mata ni Luna sa marinig at nagkuyom ang kamao. “Director daw! Ang kapal ng libag sa mukha! New York Film Festival daw, my ass! Taas ng pangarap! Mukha namang snatcher sa mga airlines! Parang shokoy sa ilog na binihisan lang!” Mabilis na hinawi ni Josiah ang kurtina at mabilis ding hinarap ni Luna si Josiah. “PINARIRINGGAN MO BA AKO?!” Sabay na sabay na sumigaw talaga ang dalawa! Kung magtitigan ay akalain mong nagpapatayan na sa kanilang mga isip. Matalim at masama ang tingin sa isa't isa. Kasabay nito ay ang pagbukas ng pinto at iniluwal nito ang manager ng tea shop. “Ma’am, Sir, tumila na po ang ulan.” Dali-daling nagbayad ang dalawa at mabilis na bumaba sa first floor. Ang kanilang mga plano sana sa pagpunta sa tea shop na ito ay hindi na naituloy dahil sa kanilang engkuwentro. Naunang lumabas si Josiah ng glass door at sumunod naman si Luna na nagdadabog pa. Saka sila napaharap muli sa isa’t isa na animo’y mortal na magkaaway sa kanilang mga past life. “Katulad ka lang din ng mga lalaki na alam ko.” “Katulad ka lang din ng mga babae na alam ko.” Mas lalong nainis si Luna dahil ginaya ni Josiah ang kaniyang linya. Napangisi naman si Josiah na itinatago ang inis sa sistema. Hindi talaga dapat magkatagpo ang dalawang opposite haters dahil baka may sumabog na bulkan nang wala sa oras. “Huwag ka ng magpapakita sa sa akin kahit kailan, puwede?” singhal pa ni Josiah. “Sino namang tao ang gustong makita ang pagmumukha mo?” ganti pa ni Luna. Tumalikod na sila sa isa’t at naglakad sa opposite direction. Si Josiah ang sa kaliwa at si Luna naman ang sa kanan. Mabasa-basa ang semento at dahil sa nagkalat na mga street lights sa paligid, nagkakaroon ng repleksyon ang ilaw sa mabasang semento. Malamig din ang simoy ng hangin ngayon. Sa huling pagkakataon, muling lumingon sila sa isa’t isa at nagsamaan ng tingin. Roon nagsimula ang pagtatagpo ng mga landas ng SBG-12 multi-awarded journalist na si Luna Helasque at ng well-known director na si Josiah Camero...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD