bc

GUERRERO LEGACY 1:ADRIELLE GUERRERO

book_age18+
255
FOLLOW
1.0K
READ
spy/agent
HE
powerful
confident
mafia
heir/heiress
bxg
detective
enimies to lovers
musclebear
surrender
like
intro-logo
Blurb

Bilang isa sa walong tagapagmana ng Octagon, isang mafia organization na namamayagpag hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya at sa iba pang karatig na kontenente ay walang kinatatakutan si Adrielle Guerrero. Para sa kanya ay hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay. Because why not? She has everything that every woman could ask for and she can defend herself as well. Pero nang makilala niya si Cougar Falcon, ang secret agent na nagtatago sa pangalang "Bob" ay biglang nagbago ang lahat dahil sa unang pagkakataon ay bigla niyang na-realize na mahina pala siya...mahina sa tukso kapag nasa tabi niya ang lalaki. Magkaroon kaya ng magandang wakas ang pag-ibig na nagsimula sa panlilinlang?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"YOU'RE HERE..." Kunot ang noong puna ng bagong dating na si Kimhan sa lalaking bagot na nakaupo sa pang-isahang sofa sa isang bahagi ng malawak na salas ng mansion ni Senyor Lion Guerrero. Si Crimson Guerrero, ang bunso sa pitong bastardo ni Senyor Lion Guerrero. Hindi sumagot si Crimson. Nanatilli lang na nakatutok ang mga mata nito sa laptop na nakapatonng sa mga hita nito. Ilang sandali pa ay halos magkasabay naman na dumating ang pang-lima na si Azure at ang pang-anim na si Russet. Sabay namang dumating ang kambal na sina Dalton at Trigger. "Ano 'to, surprise meeting ng mga bastardo ni Guerrero?" halos magkadikit ang mga kilay na untag ni Dalton bago humalukipkip. Nagkibit naman ng balikat ang kakambal nitong si Trigger. "Might be..." maikling sagot nito bago dinukot ang pakete ng sigarilyo mula sa panglikod na bulsa ng suot nitong luma at butas sa magkabilang tuhod na pantalon. Kinapa nito ang isa pang bulsa ngunit nang marahil ay mapagtanto nitong wala roon ang hinahanap ay ibinaling nito ang pansin sa anim na kasama sa malawak na salas. "lighter?" tanong niya sa mga ito. Sa halip na sumagot ay bagot na dumukot si Kimhan sa pantalon nito at patamad na hinagis kay Trigger ang lighter. Sinindihan ni Trigger ang sigarilyo na nakasalpak sa kanyang bibig nang mula sa kabilang bahagi ng salas kung saan naroroon ang pinto na kumukonekta sa gym ay lumabas ang pawisan pang si August, ang panganay at kaisa-isa sa mga bastardo ni Senyor Lion Guerrero na nakatira sa mansion nito. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay nito nang makita ang usok na nagmumula sa bibig ni Trigger. "Take that off from your fuckin' mouth, Trigger!" lukot ang mukhang sita nito sa lalaking sa halip na sundin ang nakatatandang kapatid ay ngumisi lang at binigyan pa ng middle finger sign si August. Mas lalo namang ang dumilim ang anyo ng panganay at akmang lalapitan si Trigger nang mula sa grandiysong hagdanan ay nakarinig sila ng malakas at sunod-sunod na mga palakpak. Parang iisa ang mga ulo na sabay silang napatingala roon at kaagad na umayos nang makitang nakatayo sa pinatuktok ng hagdan si Senyor Lion, ang pinuno ng Octagon na siyang pinakamalaking mafia organization sa Pilipinas. "Dad..." halos sabay-sabay na bati ng pitong lalaki kay Senyor Lion. "That's enough, boys..." Ani nito bago nagsimulang humakbang pababa ng hagdanan. Sa edad nitong mahigit sixty ay matikas pa rin ang tindig nito at hindi rin maikala ang gandang lalaki na taglay nito noong kabataan. No wonder, nagkalat ito ng lahi sa anim na iba't-ibang babae. Wala yata itong ibang magawa nong kabataan bukod sa pagpapalago ng Octagon Pyramid kundi mamahagi ng similya sa mga kababaihan. "Why did you call us here?" malamig ang boses na tanong ni Dalton eksaktong makababa si Senyor Lion sa hagdanan. Bukod sa panganay na si August ay si Dalton lang ang may lakas ng loob na kontrahin ang kilala at kinatatakutang si Lion Guerrero. "Gusto kong hanapin n'yo ang bunso ninyong kapatid. Ang unang makakahanap sa kanya ay may pabuya sa akin." Sabay na napatingin sa isa't-isa ang pitong anak ni Senyor Lion bago hindi makapaniwalang napatitig sa kanilang ama na balewalang umupo lang sa pang-isahang sofa. Ibinaba nito ang hawak na tabacco sa ashtray na nakapatong sa salaming center table bago inabot ang newspaper na nakalagay naman sa isang tabi. "Another bastard?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Azure. "So hindi pa pala ako ang bunso?" reklamo naman ni Crimson na napakamot pa sa ulo. "Ilan ba talaga kaming lahat?" tanong naman ni Russet na nakakunot ang noo. Hindi naman kumibo sina August at Dalton. "Just do it, boys. Come back to me when you already found her." walang pakialam na turan ni Senyor Lion sa kanyang mga anak na bakas sa mga mukha ang iba't-ibang emosyon. "Her?" usal ni Dalton nang marinig ang sinabi ng ama. "So it's a bouncing baby girl, huh," Nakangising ani naman ni Kimhan. "tumabi kayo, mga bro...ako na. Akin na ito." mayabang na dugtong pa nito bago iniliyad ang matipunong dibdib na alaga sa gym. Kagaya ni Kimhan ay unti-unti ring sumilay ang ngisi sa mga labi ng iba pa maging ang kanina pa tahimik na si August. Iisa ang laman ng isipan nila. Finally, mayroon na rin silang laruan... And it was too late for them to realize that they didn't get themselves a living barbie doll. Instead, they get themselves a psychotic little sister who never fails to give them a real big pain in their ass.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.9K
bc

Dangerous Spy

read
323.3K
bc

SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX WIFE (TAGALOG)

read
16.8K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
98.4K
bc

SILENCE

read
394.2K
bc

YOU'RE UNDER ARREST, MR. Z: MAFIA LORD SERIES 10 ( SPG R-18)

read
57.8K
bc

DON'T TOUCH ME: AGENT SERIES 21 (R-18 SPG)

read
41.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook