NAPATIGIL sa pagkagat ng hawak na hita ng manok ang lalaking nakaharap sa mga CCTV monitor nang biglang bumukas ang pinto na nasa bandang kaliwa ng may kalakihang monitoring room ng Sapphire Hotel. Napatingin din ang ilan pang mga kasama nito sa babaeng nakasuot ng maskara na nakatayo sa bugad ng pinto. "Hi," bati ni Adrielle sa mga ito habang ang mga matang nakalitaw mula sa suot niyang maskara ay nakatutok sa matabang lalaki na kasalukuyang nakatingin din sa kanya at nakakunot ang noo. Bahagyang napangiwi si Adrielle nang makita ang isang buong litsong manok na nakapatong sa gilid ng mesa ng lalaki. Nangangalahati na lamang iyon at kaagad din niyang napansin na bukod-tanging ito lamang ang kumakain doon. "Miss, bawal ka rito," sita ng lalaki na masungit na nakatingin kay Adrielle bago

