Pagsapit ng gabi, halos hindi makapag-concentrate si Desiree sa pagpapalit ng pantulog. Unang gabi na makakasama at makakatabi niya ang binata sa pagtulog. Kanina pa siya sa loob ng banyo pero hindi pa rin siya lumalabas. “Boo, matagal ka pa ba? Naiihi na ako!” sigaw ni Aaron sa labas ng banyo. Kanina pa kumakatok ang asawa niya pero hindi pa rin siya lumalabas. Ang alam niya matapang siya pero pagdating kay Aaron sobrang tiklop niya. “S-sandali na lang. Mahirap, kasi hubarin ang gown ko, eh,” aniya. Pero ang totoo kanina pa siya nakapagbihis. Ayaw lang talaga lumabas ng banyo dahil baka magrambolan na agad sila ng kanyang asawa. “Okay, bilisan mo, Boo. Puputok na ang pantog ko,” Huminga siya ng malalim. Pinulot ang gown na hinubad. Yakap ng mahigpit iyon at saka lumabas sa ban

