"You may kiss the bride,” saad ng pari kina Desiree at Aaron. Naging matiwasay ang kanilang kasal at pasalamat ang dalaga dahil hindi nanggulo ang nagpadala sa kanya ng singsing. Inaabangan niya sa buong duration ng kasal kung manggugulo ito pero hindi nangyari. “Salamat naman,” bulong sa kanyang sarili. Malawak ang ngiti ni Aaron habang tinataas ang belo ng dalaga. "“I love you so much, Boo. Thank you for completing me,” emosyonal na wika ni Aaron bago siya hinalikan sa labi. Nang lumayo ito sa kanya, nagsalita rin siya. “Salamat din, Boo, dumating ka sa buhay ko. Akala ko habambuhay na lamang akong magbibihis lalaki. At maging lalaki sa paningin ng lahat, habambuhay,” emosyonal na wika ng dalaga. She was grateful that her Alpha came before the next blood full moon. At her age

