Sumapit ang gabi, akmang mahihiga na si Desiree sa kama, dahil napagod siyang makipaglaro kay Daiyu, may message na nagpadala sa phone niya. Kinuha ang awdatibo at binuksan ang mensahe. May kaunting caption sa video na pinadala sa kanya. Unknown number iyon. Pinanood niya ang video, mabuti na lamang at hindi niya kasama si Aaron sa kuwarto. Malamang makikita ng binata ang video at baka magalit. Naroon siya sa hideout nila ng araw na iyon dahil nang umalis si Aaron ay sumunod siya. Ramdam niya kasi na mag-iimbistiga ang mate niya sa nakikitang kakaibang halimaw. Gusto niya rin malaman kung ano iyon. Kaya pa-simple siyang sumunod rito. At ang salamin na nakita ng binata ay sa kanya. Pero bilang lihim hindi siya nagsalita. Ginagamit niya kasi minsan ang salamin na iyon para makita ang

