“Anoʼng sabi?” tanong ng kaibigan niya na si Magenta. Naging abala kasi ito sa ginagawang pagsalansan ng mga gamot at hindi yata masyado naunawaan ang sumagot sa kanila. Naiiyak siyang bumaling sa kaibigan. Nagtaka naman ito sa kanyang itsura. “Anoʼng nangyari saʼyo? Para kang nakakita ng maligno,” natatawa pang sabi ni Magenta sa kanya. “Mag, ang bata,” mahinang usal niya. “Huh? Ano ba nangyayari sa iyo, Seri? Umayos ka nga magsalita. Hindi kita maintindihan. Huwag kang bumulong at maingay ang eroplano. Ano ulit sinabi mo?” Tulala siya subalit tumulo na ang luha niya. Hindi naman maiwasan mag-alala ni Magenta at nilapitan siya. Niyakap siya nito. Tulog pa rin ang mag-asawa kaya sila lamang dalawa ang kasalukuyang nag-uusap. “Mag, ang bata! Wala na siya!” galit niyang bulong sa

