Sipa rito, talon doon. Kagat dito, at kung ano-ano pa ang ginagawa niya sa mga kalaban makalapit lamang siya sa mansion. May kalayuan na pala siya kanina sa bahay ng umalis. Nang mapatumba niya ang mga kalaban, mabilis siyang tumungo sa mansion. Sa gate pa lang nakikipaglaban na rin ang iba nilang mga kasama. Nakita niya si Astraeana, na sa may bungad ng pinto na tila may hinahanap. “Astraeana!” tawag niya rito. Agad itong lumingon sa kanya. Lumapit siya sa kaibigan. “Ano ang nangyari, bakit nandito ka sa baba. Ang itinakda nasaan? Nasaan sila Tita?” magkakasunod niyang tanong. “Nakikipaglaban sila Tita sa loob. Napakaraming kalaban. Hindi ko alam paano sila nakapasok. Pero hindi iyon ang dapat natin pagtuunan ng pansin! Si Nix! Ang bata, nakuha ng halimaw! Kailangan natin hanap

