Walang araw na hindi nakangiti ang kanyang asawa dahil sa tuwa nito na mayroon na silang tagapagmana. Palaging hands-on at hindi siya iniiwan ng basta. Kahit busog lagi pa rin may binibigay na pagkain sa kanya ang asawa. Katulad na lamang ngayon. “Boo, ito pa ubas at mansanas, kainin mo para mas lumusog kayo ng anak natin. Mahal na mahal ko kayong dalawa,” hindi mapigilan maging emosyonal ng kanyang asawa sa tuwing sinasabi ang mahal na mahal kita. “Boo, puputok na ang sikmura ko sa dami mong binibigay. Kailangan ko nang mag-ensayo ulit upang bumalik ang katawan ko. Mahirap makipag-laban ng mataba. Baka gulungan ko na lang bigla ang mga kalaban o ʼdi kaya ay daganan ko na lang sila,” biro niya sa asawa. Totoo naman. Isang buwan mahigit pa lamang siyang nanganak sa panganay niya, talaga

