02

2172 Words
It's already 5pm and I am doing nothing fo real. Kakatapos pa lang din kasi ng quarterly exam kaya wala pa masyadong ginagawa, hindi pa nagtatambak ng projects dahil nag-aasikaso pa ng grades ang lahat. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na wala akong ginagawa o dapat kong ikainis iyon, my life is boring without homeworks and projects, ayun lang naman ang tinatakbuhan ng buhay ko, eh. Hindi ko rin pinansin ang friend request ni Samley dahil baka napindot niya lang, ang tagal tagal naman na kasi naming nagkakasama pero ngayon niya lang ako in-add. 6:00 pm nang mapagdesisyunan kong lumabas kasama ang aso ko, si Rain. Rain ang pinangalan ko sakanya dahil umuulan noong araw na binili ko siya, sakto ring mukhang mahilig siya sa ulan, napansin ko iyon dahil sa tuwing naulan ay pumupunta siya sa glass door ng veranda ko at doon matutulog imbis na sa tabi ko. Habang naglalakad sa village ay may nakita akong ice cream vendor kaya lumapit ako roon para bumili. "Kuya, isang cookie's n cream nga po" sabi ko sa lalaki, agad niya naman itong kinuha para sa akin. Pagkatapos magbayad ay pumunta muna ako sa park dito sa loob ng village, malapit na rin kasi kami roon kaya roon na ako dumiretso para maupo muna at makapagpahinga. Ipinatong ko sa binti ko si Rain saka ako nagsimulang kumain ng ice cream. Pagtapos kumain ay tumayo na ako, handa nang umuwi, madilim na rin kasi. Habang naglalakad pauwi ay may nakita akong pamilyar na tao sa 'di kalayuan, nakasandal sa kotse at may kausap na babae. Nang makalapit pa nang kaunti ay saka ko nakumpirma na siya nga iyon, si Samley. Nag-uusap sila pero hindi ko marinig dahil medyo malayo pa ako, wala rin naman akong balak pakinggan sila. Nagulat ako nang bigla siyang halikan ng babae, sakto kasing paglingon ko sakanila ay hinalikan siya nito, hindi naman siya nagpumiglas at nilabanan pa ang halik ng babae. Kadiri, sa public place talaga? sabi ko sa isip. Hinayaan ko na lang sila at dumiretso na pauwi. Pagdating sa bahay ay tahimik pa rin ang buong paligid, wala pa kasi sila mommy dahil busy sa trabaho, baka malate ng uwi or hindi na makauwi, hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito kaya sanay na ako. Dumiretso ako sa kwarto ko saka nagpalit ng damit, pinagpawisan kasi ako. It's already 9:00 pm and I haven't eaten anything yet, ayokong kumain. It's almost 10:00 pm when I remember something, yung gummies. I get my bag and sat on my bed. Binuksan ko ang bag ko saka kinuha ang gummies at chuckie, hindi malamig ang chuckie dahil nakalimutan kong ilagay sa ref, tumayo ako ulit bitbit ang chuckie saka ito inilagay sa mini ref ko sa kwarto, tapos ay bumalik ako sa pagkakaupo atsaka binuksan ang isang garapon ng gummy worms, this is my fave, ito na lang ang kakainin ko. Napatigil ako sa pagkain nang may maalala ako ulit, yung flowers! Nakalimutan ko pa lang iuwi iyon dahil inilagay ko sa drawer ng chair ko iyon nung umaga, nawala na sa isip kong ilabas, bukas na lang siguro. 12:00 am na pero gising pa rin ako. I don't know, hindi ako dinadalaw ng antok. I get my phone and open my f*******: para mag-scroll na lang sana hanggang sa antukin pero inabot na ako ng 1am at wala pa ring nangyayari, hindi pa rin ako inaantok, palagi na lang ganito, gusto ko nang matulog pero hindi ako makatulog. Tumayo ako at kumuha ng hoodie jacket sa closet ko bago kinuha ang susi ng kotse ko. Yes, I already have a car at the age of 17, hindi ko naman masyadong ginagamit kasi wala pa akong lisensya. Malapit na rin naman akong mag-18, magagamit ko na rin 'to pang-service ko. Nagpunta ako sa convenient store malapit sa village namin, mabuti at 24 hours itong bukas kaya may napuntahan ako. Pagbaba ng sasakyan ay niyakap agad ako ng lamig, ang sarap sarap lumabas ng bahay ng ganitong oras. Pumasok na ako sa loob dahil nilalamig na ako nang sobra sa labas. Nag-ikot ako sa loob para humanap ng pwedeng makain o mainom manlang, hindi naman ako nagugutom, ni hindi ko rin naubos ang gummies ko, gusto ko lang na may mabili para kahit papaano ay maubos ang oras ko. I ended up getting some coffee and bread, wala na kasi akong ibang makuha. Binayaran ko na iyon sa counter, mabuti at mayroon silang table and chairs dito sa loob kaya roon na ako dumiretso para kainin tong binili ko. The store's door opened kaya napalingon ako and to my surprise, nakita ko si Samley. Bakit ba kung saan saan ko nakikita ang bwisit na 'to? ang alam ko ay malayo ang condo niya rito dahil pare pareho sila ng building ng mga kaibigan niya, bakit dito niya naisipang pumunta? hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang ulit sa labas. "Can I sit here?" Samley asked. Tumingin ako sakanya bago tumango, umusog ako ng kaunti para makaupo siya. "Thank you" pasasalamat niya, hindi na ako sumagot. Hindi na siya nagsalita ulit at laking pasasalamat ko iyon. "Anong ginagawa mo rito ng ganitong oras?" tanong niya makalipas ang ilang minuto. "Eating?" patanong kong sagot. Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin pero hindi na ako lumingon pabalik. "You're not even eating your food" saad niya. I looked at the table, doon ko lang napansin na hindi ko pa pala nabubuksan manlang ang binili kong pagkain. "Drinking coffee" pagbabago ko ng sagot. "You shouldn't drink coffee at this time, it's too late, hindi ka lalo makakatulog niyan" parang ama niyang sabi. Doon ako tumingin sakanya, "okay, Samley" sabi ko sa nang-aasar na tono bago inilayo ang coffee ko, tama naman siya. Hindi na siya sumagot pagtapos non. "Eat your food" utos niya. "I'm not hungry" sagot ko. "Eh bakit ka pa bumili niyan kung hindi mo naman pala kakainin?" reklamo niya. "Baon ko bukas" pagsisinungaling ko. "It's so late already, go home now, ihahatid na kita" sabi ni Samley bago tumayo. Tumayo na rin ako dahil anong oras na rin talaga, baka mamaya ay umuwi pa sila mommy at maabutan akong wala sa bahay. Paglabas ng convenient store ay humarap ako sakanya, "may sasakyan akong dala, hindi mo na ako kailangang ihatid" sabi ko sakanya "thank you..for staying with me kahit hindi mo naman talaga sinadya at ginusto, thank you" dugtong ko pa, mukha pa siyang nagulat sa pagpapasalamat ko sakanya, ganoon ba talaga ako kasama? nakakaoffend siya ha. "I'll go now, umuwi ka na rin" dagdag ko nang hindi pa rin siya nagsalita saka ako pumasok sa kotse ko. I opened the engine and open the window "take care" pahabol ko bago pinaandar ang sasakyan. Nakabalik na ako sa kwarto ko pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya naisipan ko na lang magpatugtog, alas dos na. Nagising ako ng ala siete dahil sa ingay ng alarm ko, shuta para akong pumikit lang ng limang minuto. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko atsaka kumuha ng tubig sa mini ref ko, inaantok pa ako. Pagkatapos uminom ay dumiretso na agad ako sa cr para maligo. Saktong alas otso nang matapos akong maligo at magbihis, sa school na lang siguro ako kakain ng almusal dahil anong oras na rin, baka malate ako sa klase kapag kumain pa ako ng agahan dito. 8:15 am nang makarating ako sa campus, buti at hindi traffic kaya nakarating ako agad. Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Alianna, kasama ko sa dance troupe. She walked towards me and greet me. "Hi Xyrene!" bati niya sa akin. I smiled at her and greet her back, "Hello Alianna! Where are you going?" saad ko. "Studio, may kukuhanin lang" sagot niya. "Oh, okay" I said. "Mauna na ako, baka malate na ako sa klase" paalam ko bago ngumiti at umalis Pagpasok ng classroom ay agad akong dumiretso sa table ko, halos kasunod ko lang din na pumasok si Ms. Castro, teacher namin sa Bio 1, siya rin ang nangunguna sa pag-handle ng section namin. Hindi niya pa oras ngayon kaya nagtataka ako kung bakit siya andito. "Okay class, so I have an announcement today, listen" saad niya. "Today is your vacant day, pero kung may mga kailangan kayong gawin sa iba't ibang subject ay gawin niyo na. Hindi makakapasok ang teachers niyo sa iba't ibang subject dahil may biglaan kaming meeting, all teachers in grade 12 are invited. You are not allowed to go home until 12:00 noon, you are going to stay here inside the classroom and Xyrene, bantayan mo ang buong klase, I don't want any trouble, I trust you" Dagdag niya at tumuro sa akin, "I trust you all" Dugtong niya pa. "Ayun lang naman, mauuna na ako dahil magsisimula na ang meeting, behave students" Paalam niya bago lumabas ng silid. Trust. Iyon ang pinaka ayaw ko, ang sabihin nilang pinagkakatiwalaan nila ako sa isang bagay kasi ang kakambal no'n ay disappointment, I don't want to be a dissapointment. Syempre, tuwang tuwa ang mga kaklase ko sa announcement na iyon, sino ba namang hindi matutuwa sa ganoong announcement, diba? Lumapit sa akin sina Maureen at Veronica, malamang para makipagdaldalan na naman. "Are you okay?" Bungad na tanong ni Veronica paglapit niya sa akin. "Yeah, are you okay? You look tired, natulog ka ba kagabi?" Dagdag naman ni Maureen. "Of course I did! nabitin lang ng kaunti dahil late na nakatulog, I'm reading books all night, hindi ko na napansin ang oras" Sagot ko naman sakanila, I lied obviously, ni hindi nga ako nagbasa ng kahit isang libro dahil alam kong hindi naman papasok sa utak ko ang mga nandoon. Parang hindi pa sila naniwala dahil pinanliitan nila ako ng mata kaya nagsalita ako ulit, "come on! magsasabi naman ako sainyo kung hindi ako okay 'no" Pairap kong saad, I lied again, I will never tell them my problem kahit pinagkakatiwalaan ko pa sila. They don't even know my issue with my dad, I mean, hindi naman kami sobrang hindi okay, mahigpit lang talaga. Inirapan lang nila ako pabalik tapos ay nagkwento na ng kung ano ano. 11:00 na, inaantok na ako. Matutulog na sana ako nang biglang may pumasok sa pintuan ng classroom namin kaya nilingon ko iyon, sina Harvey. Napakunot ang noo ko, andito na naman sila? Nang makalapit sila sa table namin ay agad akong nagsalita "it's still our class hour, we don't accept outsiders during our class so please wait outside until 12" Sabi ko sakanila, tinignan pa sila isa-isa. "'To naman si pres, hindi naman kami manggugulo 'no! Sit in lang, wala naman kayong teacher, eh. Sige na" Sagot ni Harvey. "No" May diin kong sagot. Hindi naman talaga bawal, ayaw ko lang silang andito sa loob dahil sure akong hindi ako makakatulog, ang ingay kaya ng mga yan. "Hindi naman bawal, Xyrene, eh. Hindi kami mag-iingay promise!" Pangungulit na rin Maureen, itong haliparot na to! Napairap na lang ako ay hinayaan na sila, mas lalo akong hindi makakatulog kakapigil sakanila. Tumungo na lang ako at matutulog na sana pero may naramdaman akong umupo sa tabi ko kaya dumilat ako ulit, si Samley. "You look like a panda, nakatulog ka ba pag-uwi mo?" Napasimangot ako sakanya, nilalit niya ba ako? Tumingin ako sa gilid ko at nakitang wala na ang mga kaibigan ko, paglingon ko sa likod ay nandoon silang apat. Tumungo ako ulit at pumikit bago sinagot ang tanong niya kanina, "I did. Kinulang lang, 'wag mo akong laitin" sagot ko. "I'm not insulting you, sinasabi ko lang yung totoo" depensa niya, hindi ko na siya pinansin dahil inaantok na talaga ako. Nagising ako dahil may narinig akong ingay sa gilid ko, pagdilat ng mata ay nakita ko si Samley na nakaupo kaya napabangon ako para tignan kung anong oras na. 1:26 pm. "Bakit hindi mo ako ginising?! Asan sila Nica?" Tanong ko sakanya. "Mukha kang pagod, you need rest kaya hindi na kita ginising, andoon sila field, nagpipicnic" Tatayo na sana ako para pumunta roon nang magsalita siya ulit, "Kumain ka na muna, bumili ako ng pagkain, wala ka pang kain" Sabi niya. Tumingin ako sakanya at sa pagkain na binili niya, mcdo iyon. Binuksan niya ang paperbag saka inilabas ang laman at inabot sa akin, chicken fillet ala king at mcflurry. "Thank you, I'll pay you" kinuha ko ang wallet ko pero bago ko pa iyon mabuksan ay nagsalita na siya, "No. Don't bother, it's my treat" Sabi niya bago nagsimulang kumain kaya hindi na ako sumagot, parehas lang kami ng pagkain. Wala pang kinse minuto ay natapos na akong kumain, nagutom talaga ako. Kinuha ko ang paperbag at doon inilagay ang mga kalat namin, tapos ay kinuha ko ang lahat ng gamit ko saka tumingin kay Samley "let's go" aya ko, tumayo naman siya agad kaya nagsimula na akong maglakad, pagdating sa entrance ay tinapon ko ang paperbag sa trash bin na nasa gilid ng pinto. Nilock ko muna ang pinto bago nagsimulang maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD