01

3259 Words
Bumangon ako sa aking higaan nang marinig ang alarm ko sa bedside table. "Good morning, Xyrene" nakangiting bati ko sa sarili bago dumiretso sa cr upang maligo. Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na ako upang kumain ng agahan. Nakangiti akong pumunta sa kusina kung nasaan ang dining table, andoon na ang kapatid at mommy ko ngunit agad na nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ang nakaupo sa pinaka dulo, ang taong ayaw na ayaw kong nakikita. "Oh anak, andiyan ka na pala, halika na rito" aya sa akin ni mommy. Umupo ako sa tabi ng aking nakakatandang kapatid at agad siyang bumulong sa akin. "Hindi ko alam na uuwi siya ngayon, nagulat din ako nang makita ko siya rito pagbaba ko" saad niya, ngumiti lang ako. Habang nakain ay nagsalita ang nasa dulo ng hapag kainan "how's your study?" hindi man siya nagbanggit ng pangalan ay alam ko na agad na ako ang tinutukoy niya, wala naman kasi siyang pakialam sa makukuhang grado ng kapatid ko, pumasa man o hindi. "All good. Kakatapos lang po namin mag-exam, pasado naman po lahat" sagot ko. "Pasado" he mocked. I know what was that for, he's not satisfied by the term I used so I speak again "most of them are perfect scores, may dalawang subject lang po na nagkaroon ng mistakes pero isa hanggang dalawa lang po" saad ko. Hindi na siya sumagot ulit kaya pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Pagkatapos kumain ay tumayo ako agad upang magpaalam dahil ayoko nang mag-stay pa roon kasama siya "mom, dad, papasok na po ako" paalam ko. "Okay honey, take care, okay?" sambit ni mommy. I smiled "I will" saka ako nagmadaling lumabas ng bahay at nagpahatid kay kuya Rj, one of our drivers. Pagbaba pa lang ng sasakyan ay gusto ko na agad umuwi, nakakapagod magpanggap na okay lang ang lahat kahit hindi naman, I'm always pretending when I'm at school, kailangan kong ngumiti sa tao kahit na ayaw ko na, kailangan ko silang batiin pabalik kapag binati nila ako kahit sawa naman na. Pagpasok pa lang ng campus ay sunod-sunod na agad ang pagbati ng mga students sa akin, at gaya ng dati, nginingitian at binabati ko sila pabalik. I don't have any choice, kailangan kong maging mabuti sa paningin nila to maintain my position in this school, kasi once na mawala 'to sa akin, lagot na naman ako kay daddy. Syempre, kapag mayroong nabati at nangiti, meron ding nairap at nanlalait, pero mas gusto ko yung ganoon, ang weird 'no? pero yes, mas gusto kong ganoon na lang sila sa akin kasi hindi ko sila kailangan plastikin, hindi ko kailangang batiin sila pabalik kasi wala namang kwenta ang sinasalubong nila sa akin. Pagdating sa classroom ay sinalubong agad ako ni Maureen at Veronica, best friends ko, they were looking at me as if I did something wrong, "what?" I asked. "Nako, Xyrene Kae Hernandez ha! kailan ka pa natutong magtago sa amin?!" saad ni Maureen kaya mas lalo akong naguluhan, pinagtitripan ba nila ako? "huh?" sabi ko na lang dahil hindi ko talaga sila maintindihan. "anong "huh?" ka riyan?! eh kung tuktukan kaya kita" sabi naman ni Veronica. Naguguluhan talaga ako sa sinasabi nila, ano bang trip ng mga to? "ginagago niyo ba ako? diretsuhin niyo na nga lang ako dahil hindi ko talaga kayo maintindihan" inis nang saad ko sakanilang dalawa. They looked at each other kaya mas lalo akong nainis, para talaga silang tangang dalawa kahit kailan, tatalikuran ko na sana sila nang magsalita ulit si Maureen, "ito oh" sabay pakita niya sa akin ng bouquet of tulips, chuckie atsaka gummies. "Nakalagay to sa table mo kanina pa bago kami makarating, hindi mo alam?" dagdag niya. Gulat akong napatingin sa hawak niya saka sumagot, "HINDI! sino namang magbibigay sa akin niyan? c'mon, kung magtatago ako sainyo, hindi ako ganito katanga para hayaang mahuli ang sarili ko, you know me" sagot ko sakanya. ""Di nga? seryoso? eh kanino naman galing ang mga 'to? may secret admirer ka?" sunod-sunod na tanong niya. "Paano ba kayo nakakasigurong para sa akin talaga yan? baka mamaya nagkamali lang ng lapag, masyado kayong pakielamera" sambit ko sakanila. "We're not pakielamera 'no! we're just curious since we saw this on your desk atsaka we are very very sure na all of these are for you kasi may name mo oh!" malakas na sigaw ni Veronica sabay pakita ng bouquet sa akin, may letter doon, may pangalan ko rin. Magdamag kong inisip ang tungkol sa mga bagay na ito, wala akong nakikitang posibleng mag-abot nito sa akin, I mean, maraming gustong sumubok pero dahil nirereject ko ay itinitigil din naman, minsan naman ay kusa nang tumitigil dahil takot kay kuya kaya hindi ko maisip kung kanino ba galing lahat ng ito, I got really curious since hindi manlang siya nagbigay ng clue kung sino ba siya, idagdag na rin siguro yung katotohanang may alam siya sa mga small details about me, he knows that I love tulips, chukie and gummy, how'd he know about those? kaibigan at pamilya ko lang ang nakakaalam na mahilig ako sa mga ito kaya paanong nalaman ng taong 'yun na mahilig ako rito? hindi kaya pinagtitripan lang ako nitong mga gagang kaibigan ko? pero imposible, they wouldn't act like this if they were trying to trip me, curious na curious din sila, kanina pa nga nila ako binibwisit kakatanong sa kung sino ba raw ang manliligaw ko, ilang ulit ko na rin sinabi na wala nga akong alam tungkol dito pero ayaw nila akong tigilan. Nang dumating ang break time ay agad akong tumayo upang pumunta sana sa cafeteria, nagugutom na talaga ako kanina pa, pero bago pa ako makaalis sa pwesto ko ay agad na akong binwisit ng mga kaibigan ko, hindi talaga nila ako titigilan hanggat hindi nila nalalaman kung sino ang nagbigay ng mga ito sa akin, pero paano kong sasabihin sakanila kung hindi ko rin naman alam? Hindi ko na lang sila pinansin at handa na sana magpatuloy sa paglabas nang may maalala ako. Bumalik ako sa table ko atsaka kinuha ang chuckie at gummies, kanina ko pa 'to gustong bawasan pero nag-aalala ako na baka asarin ako lalo ng mga bwisit na 'to, pero ngayon ay wala na akong paki dahil gusto ko talaga 'tong mga ito. "Hindi mo talaga alam kung kanino galing 'tong mga 'to?" tanong na naman ni Maureen sabay kuha sa gummy ko, ang kapal ng mukha. "Wala nga! nakakailang tanong ka na, kung alam ko lang ay sinabi ko na sainyo, hindi ko pagtyatyagaan yang bunganga niyong dalawa, nakakarindi kayo" sabi ko sabay irap sakanila. Ang kulit kulit talaga. Nang makarating sa cafeteria ay agad kaming dumiretso sa table namin, yes we have our own table here kaya hindi na namin kailangang maghanap dahil nakabakante na ito palagi para sa amin. "Anong inyo?" tanong ni Veronica. "Pancake" sagot ni Maureen. "Hindi na ako, I'm okay with these gummies, mamaya na lang lunch break ako kakain ulit" sabi ko naman kaya sabay na silang tumayo para bumili ng kanila. Pagbalik ay may kanya kanya na silang bitbit na pagkain, at lalaki. "Hi Xyrene!" sabay na bati ni Harvey at Bryce, Veronica and Maureen's suitor bago umupo. Tumango lang ako sakanila at hinayaan na silang maglandian. We're now 6 on the table, me, Maureen, Veronica and their suitors, and Samley, their suitor's friend. I don't really like being with them, specially Samley, he has a lot of records in this school, and most of them are bad. Kilala siya rito bilang playboy at cheater pero kahit na alam na ng buong campus iyon ay marami pa rin siyang naloloko, ang tatanga talaga ng mga tao. Harvey and Bryce also have some records pero lahat ng iyon ay noon pa nangyari, bago nila nakilala ang mga kaibigan ko. Gusto ko sila para sa mga kaibigan ko pero ayaw kong nakakasama sila, bukod kasi sa nakakaasiwa ang nakikita kong paglalandian nila sa tuwing magkakasama kami ay ang ingay at ang kulit din nila, I hate noise so much. 30 minutes lang ang break time kaya mabilis na natapos iyon, pabalik na kami ngayon sa classroom namin kasama ang mga asungot. Nangunguna sila Bryce at Maureen sa paglalakad at nakasunod naman sakanila sila Harvey at Veronica, nasa dulo ako kasama ang bwisit na kaibigan nila, I don't really like being with him, presensya niya pa lang nakakairita na, I hate cheaters. Nang makarating sa classroom ay agad akong dumiretso sa upuan ko habang ang dalawa ay nakikipaglandian pa rin habang nagpapaalam, muntik pa kaming malate sa bagal nilang maglakad. Sina Bryce, Harvey at Samley ay college student na, first year, siguro ay vacant nila kaya nagagawa nilang gumala ng ganitong oras. We're in grade 12, graduating. It is very hard for me, I can't hangout, I can't enjoy whenever I want kasi ang daming kailangang gawin, hindi ko puwedeng isantabi para sa gala dahil kailangan kong manguna sa klase, sa buong campus. I don't want to compete, but I guess I was born for it. Nang matapos ang klase namin sa umaga ay agad kaming nagligpit ng gamit at naghanda para pumunta sa cafeteria. Paglabas pa lang namin ng classroom ay bumungad na agad ang mukha ng tatlong asungot. Hindi manlang ba sila napapagod? ang layo layo ng department nila sa amin, iba rin ang cafeteria ng college sa highschool kaya bakit sila punta nang punta rito para lang kumain? ang lalandi. Pagpasok ng cafeteria ay sige na agad ang sigawan at bulungan ng mga estudyante, this is one of the reasons why I don't like being with them, ang gulo ng mga tao kapag andiyan sila, akala mo naman kung sinong mga sikat ang nakita nila samantalang estudyante lang din naman ang mga ito. Hindi na namin pinansin ang mga nagsisigawan at dumiretso na lang sa table namin. "Anong gusto niyo?" tanong ni Harvey. "Parang gusto ko mag-mcdo" sagot ni Veronica. "Ako rin!" gatong naman ni Maureen. I want it, too, pero hindi na lang ako sumagot pa, sigurado namang doon din ang punta namin. "Ikaw, Kae? gusto mo ba roon?" tanong ni Maureen. I glared at her and answer "Don't call me Kae. Let's go" saad ko bago nangunang tumayo Pagdating namin sa McDonald's malapit sa campus ay agad kaming naghanap ng mauupuan. Nang makahanap ay agad kaming umupo roon. "Anong inyo?" paunang tanong ni Harvey. "I missed mcfloat so much so I'll go for that one. Tapos chicken with rice saka fries" sagot ni Maureen. "Ganon lang din ang akin pero add ng burger" sabi naman ni Veronica. They all looked at me as if they're all waiting for me to say what I want so I speak. "Mcflurry and chicken fillet ala king" saad ko. "Oh, so you like mcflurry and chicken fillet ala king, too? what a coincidence cause I love that, too. I think that's a sign, what do you think?" singit ni Samley. I don't know what he's talking about so I didn't bother answering, sure rin naman akong kalokohan lang ang kung ano man ang gusto niya iparating. "Better luck next time, bro" saad ni Bryce bago siya tumawa at tumayo para umorder, agad naman siyang sinundan ni Harvey na natatawa rin. I rolled my eyes at them. "Sungit" pahabol ni Samley bago siya sumunod sa dalawa. Nang makabalik sa table ay dala na nila ang lahat ng order namin kaya nagsimula na kaming kumain, Harvey and Bryce ordered the same food with Maureen and Veronica while Samley ordered the same as mine, so he really mean what he said, huh. Nang matapos kaming kumain at magpahinga ay agad kaming bumalik sa campus, may 20 minutes pa bago ang next subject namin pero vacant naman namin iyon, binigay na sa amin ang oras ngayong araw bilang reward dahil nadeliver naming lahat nang ayos ang research namin. Dahil vacant naming lahat sa susunod na subject ay hindi na muna kami bumalik sa kanya kanyang classroom at building, napagdesisyunan na lang naming tumabay sa bench dito malapit sa STEM building, dumaan din kami kanina sa malapit na convenient store sa campus para bumili ng snacks. At kahit labag sa loob ko, katabi ko ngayon si Samley, wala naman kasi akong choice dahil nag-kanya na ang apat sa kabilang bench, marami ring tao kaya puno na ang ibang bench. "What do you want to eat?" tanong ni Samley sa akin habang nakuha ng chichirya sa tabi niya. "Nothing" I said. "Come on, I'm trying to be nice here, please cooperate" he said and smiled. "I'm not asking you to be nice, wag mong isumbat. Ayoko talagang kumain dahil ayoko ng mga binili mo" saad ko sa iritang tono. He laughed. Anong nakakatawa sa sinabi ko? "Are you making fun of me? ganyan ba ang mabait?" inis na tanong ko sakanya. "You're cute. Alam ko namang masungit ka pero hindi ko inexpect na ganito kaikli ang pasensya mo" nangingiting saad niya. "If you don't want these, then what do you want?" dugtong niya. "I want gummies and chuckie" I didn't notice my tone, para akong nagmumukmok. He looked at me with amazed in his eyes. "Don't look at me like that." banta ko. "Oh, asan na? hindi mo naman pala kaya ibigay nagtatanong ka pa" irap ko pa. I'm extra talkative today, nakakapagod nang magsalita, bakit ba kasi ang kulit niya? Nasa room na kami ngayon, hindi na ulit nagsalita si Samley pagkatapos non, nagtanong lang talaga. Natapos na ang huling klase namin kaya lumabas na agad kami at syempre, andoon na agad yung tatlo, nakakasawa rin pala talaga ang mukha nila. Naunang maglakad ang apat, nasa likuran na naman ako kasama ang kaibigan nilang bwisit. No one talked until we reached the gate of our school. "Wala pa si kuya Rj" saad ko nang makitang wala pa ang sasakyan namin. Maaga kasing nag-dismiss si Ms. Santiago dahil mabilis ding natapos ang lesson para sa araw na 'yon, saglit na lang din naman, baka parating na rin yun. "Eh paano? aantayin mo siya rito? samahan ka na namin" alok ni Maureen. "No, you should go, may lakad ka pa with your family, right? I'm gonna be alright, don't worry" sagot ko naman. "Are you sure?" nag-aalalang tanong naman ni Veronica. "Of course! ano ba kayo? I'm not a kid anymore! saka isa pa, ang aga aga pa, hindi naman ako mapapano rito 'no" sagot ko naman sakanya. Totoo naman e, hindi naman na ako bata, I can handle myself. "I'll wait with her, mauna na kayo" biglang singit ni Samley. "Sigurado ka? akala ko ba ay aalis ka?" tanong ni Bryce sakanya. "It's fine, maaga pa naman, hindi rin naman siguro matatagalan ang pagdating ng sundo nito" sagot niya sa kaibigan. They all agreed and thank him bago nagpaalam sa akin at umalis. Mahigit sampung minuto na yata ang lumipas mula ng umalis ang mga kaibigan namin pero wala pa rin si kuya Rj, uwian na ng lahat, natraffic ba 'yon? I looked at Samley, he looks nervous kaya nagsalita ako, "you can leave now, it's fine, baka malate ka pa sa lakad mo at ako ang sisihin mo" sabi ko sakanya. "Huh? no! okay lang naman, mamaya pa naman talaga ang alis ko, hindi rin naman importante ang lakad na iyon" sagot niya kaya tumango na lang ako. Nagpalingon ako sakanya nang makita ko siyang tumayo, naglakad siya patungo sa kotse niya at sa pag-aakalang uuwi na siya ay hindi ko na lang pinansin kaya nagulat ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko at nag-abot sa akin ng...gummies at chuckie? Napalingon ako sakanya sa gulat ngunit nakaiwas siya ng tingin. "Para saan ito?" naguguluhang tanong ko. "I asked you earlier diba? hindi ko naman ugaling hindi ibigay ang mga bagay na ako naman ang nag-insist na magbigay" sagot niya, kinuha ko na lang iyon dahil totoo naman ang sinabi niya. "Thank you" mahinang sabi ko, I appreciate it, sobra. Nang sasagot pa sana siya ay bigla na lang dumating si kuya Rj kaya naglakad ako papunta sa sasakyan. Kakatok na sana ako sa bintana ng kotse nang kusa itong bumukas at bumungad sa akin si kuya Xavion. Kumunot ang noo ko, anong ginagawa niya rito? bakit siya ang sumundo sa akin? Magtatanong pa lang sana ako pero nagsalita na siya, "Who are you? Bakit kasama mo ang kapatid ko?" he's looking at my back kaya lumingon din ako roon, kay Samley siya nakatingin. "Lawrence Salazar po, kaibigan po ng kapatid niyo. Sinamahan ko lang po siyang mag-antay rito dahil wala siyang kasama, nauna na po kasi ang iba pa naming kaibigan" muntik na akong matawa sa way ng pakikipag-usap niya sa kapatid ko, ang galang ah? Hindi na siya pinansin ni Kuya Xavion at tumingin na lang sa akin, "Pasok" and so I did. Hindi siya agad umandar kaya nagtaka ako't tumingin sakanya. "Thank you for staying with my sister" sabi niya kay Samley bago paandarin ang sasakyan. Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa kaya naninibago ako, ineexpect ko kasi na tatanungin niya ako tungkol sa lalaking kasama ko kanina, kadalasan kasi ay ganoon siya kapag nakikita niya akong may kasamang lalaki. Nang hindi na ako makatiis ay nagsalita na ako, "bakit ikaw ang sumundo sa akin? where's kuya Rj?" tanong ko dahil ang awkward na sa sasakyan. "Maagang natapos ang klase ko ngayong araw kaya sinabihan ko si Rj na ako na ang susundo sa'yo" simpleng sagot niya bago nanahimik ulit. Lumipas ang ilang minuto na tahimik pa rin kaming dalawa. Nang malapit na kaming makarating sa village na tinitirhan namin ay bigla siyang nagsalita, "that boy" panimula niya, "is he really your friend? just friend?" dugtong niya, mabagal at may diin ang bawat salita. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagtanong ng ganoon pero nakakakaba siya. "Of course! We're not that close though, sinamahan niya lang talaga ako dahil ayaw akong iwan nila Maureen kanina nang walang kasama mag-antay. Hindi naman pwedeng sila ang sumama sa akin dahil may lakad din sila with their family, ayoko naman maging istorbo, I'm not their responsibility" sagot ko sakanya. "Good. I've heard a lot about him, and most of them are bad, you better stay away from him" paalala niya. Hindi na ako sumagot, I don't have plans on getting closer to him neither. Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko sa taas, wala si mommy at wala rin si daddy, thank God. Dumiretso akong cr para maligo dahil ang lagkit ko na, pagkatapos ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng pajama at oversized t-shirt para komportable. Kinuha ko ang laptop ko bago umupo sa kama. I opened my laptop and go to f*******:, there's so many notification but I didn't bother looking. Sure kasi akong puro tag at friend request lang naman ang laman ng mga iyon, walang importante. Nag-scroll lang ako nang nag-scroll sa news feed ko dahil wala naman akong ibang magawa, it's only 3pm in the afternoon, ang aga pa masyado. Binuksan ko rin ang messenger ko to look if there's an important message pero wala. Puro sila Maureen lang iyon at mga taong hindi ko naman ganoon kakilala, mga taong nakikita lang ako sa campus kaya ako kilala. Nang mapagod ay inoff ko na ang laptop ko at nilagay sa bedside table saka kinuha ang cellphone ko. I was about to go on spotify but one notification pop up on my screen, which made me stop. "Lawrence Salazar sent you a friend request".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD