Gelo's Point of view
"Jean! Intayin mo ako!" Habol ni Cheska kay Jean.
"Bilisan mo kasi." Naiiritang hirit ni jean. Nasaunahan ko silang dalawa, madalas silang mag-asaran kaya hindi na ako magtataka kung magkakatuluyan sila. Natanaw ko naman sa likod ko sa Yssa at si Gian na parehong tutok sa Cellphone nila.
"Bakit pala hindi nanaman pumasok si Clara, Gelo?" Tanong ni Yssa sakin habang hindi inaalis ang paningin sa cellphhone. Maging ako ay nagtataka kung bakit hindi sya nakapasok.
"Puntahan kaya natin sa kanila?" Sabi ni Cheska. Humarang sya sa dadaanan naming apat at kinunot ang noo. "Punta tayo sa kanila! Final na. Walang tatanggi. Tatlong araw nang hindi pumapasok si Clara, bibisitahin natin sya." Ma-awtoridad na sabi nya at dumeretso sa parking lot.
Sumunod kaming lahat sa kanya at dumeretso sa kotse ni Gian. Dahil iisang lang naman ang daan naming anim at madalas kaming sumasabay kay Gian pauwi. Okey lang naman sa kanya kasi magkakabata kaming lahat. Ako, si Gian, si Jean, si Yssa, si Cheska ay magkaka-klase na noong grade schools palang kami. Kami-kami naring lima ang parating magkasama. Nakilala naming si Clara noong 1st year high school na kami, tahimik sya parati at walang kasama kaya madalas syang hinihila nila Yssa para sumama samin. Sa loob ng apat na taon nagbago si Clara nagging masiyahin at makulit na rin sya.
"Umamin ka na ba kay Clara?" Sabi ni Cheska. Napatingin ako sa kanya at nakatingin sya sakin, actually, lahat sila nakatingin bukod kay Gian na nagda-drive.
"Ano? Ako?" Takang tanong ko at tinuro ang sarili. Humarap si yssa sakin dahil sa passenger seat sya naka-upo.
"Oo duh!"
"Hindi ko kayo maintindihan psh."
"Alam naming na matagal mo ng gusto si Clara no." Sabi ni Jean. Nagtawanan naman silang lahat.
"Pano nyo naman nalaman?" Uutal-utal at nahihiyang tanong ko.
"Hala parang hindi tayo lumaki nang sabay-sabay, kilalalng kilala ka kaya namin." Sabi ni cheska habang nag lalagay ng liptint.
"Nahihiya ako baka ayaw nya sakin." Sabi ko sa kanila. Totoo na matagal ko ng gusto si Clara. Naging torpe ako kasi pakiramdam ko ayaw nya sakin.
"Walang masama kung susubok ka." Sabay sabga nilang sabi na ikinatawa ko.
Hindi ko sigurado kung alam din nila na pinupuntahan ko si clara sa bahay nila simula nung hindi aya pumapasok. Mataas ang lagnat nya at nagsusuka sya. Sabi ng mama nya nabawasan din ang timbang nya.
Nang makarating kami sa bahay ni Clara maligayang sinalubong kami ng Mama nya. Isa isa kaming nag mano kay tita Wilma at ang mga babae naman ay bineso ni tita. Pinapunta nya kami sa kwarto ni Clara at nakita naman namin sya nakahilata at medyo maputla.
"Sana all kahit may sakit ang fresh." Biro ni Yssa kay Clara. Natawa naman si Cheska at tumango.
"How are you?" Tanong ni Gian
"Lalong nagkasakit sa english mo pre." Biro ni Jean sa kanya at nagtawanan nanaman kami.
"Namiss ko kayo guys. Papagaling ako para makapasok. Graduating na tayo saka pa ako nag kaganito." Nag aalalang sabi ni Clara.
"Maiintindihan naman ng mga teachers yon." Nag aalalang sabi ko at nagtingin naman ang apat sakin.
"Yie grabe na to! Ilangan ba this?" Sabi ni cheska kaya tinulak ko sya nang bahagya. Sandali pa kaming nag kwentuhan bago tuluyang nagpaalam kay Clara at kay Tita Wilma.
"Mauna na po kami." Paalam ko kay Tita.
"Mag-iingat kayo ah. Salamat sa pagbisita kay Clara. Habang tumatagal ay lumama kasi ang lagay nya. Sana nakatulong ang pagbisita nyo." Naluluha-luhang sabi ni Tita Wilma. "Hindi ko lang sinasabi kay Clara pero hindi malaman ng mga doctor ang sakit nya, pero patuloy daw syang pinapahina neto." Tuluyan nang umiyak si Tita Wilma. Nilapitan naman sya ng dalawang babae at inalalayan sa pag-upo.
"Pasensya ba po kung wala po kaming maituling Tita. Ipagdadasal po namin si Clara." Malungkot na sabi ni Yssa.
"Salamat. Salamat sa inyo. Mga tunay kayong kaibigan ni Clara." Nang mahimasmasan si Tita Wilma ay tuluyan na kaming umalis. Pare-parehas kaming malalalim ang iniisip nang maka balik sa kotae ni Gian. Alam ko na pare-parehas naming nais na gumaling si Clara.
"Posibleng hindi natin sya nakasabay grumaduate." Malungkot na sabi ni Cheska.
"Sabi wala raw resulta kung ano yung sakit nya. Pano naman sya gagamutin kung ganon? Aasa tayo sa himala?" Sabi ni Yssa.
"May alam akong naghihimalang simbahan." Sabi ko at lahat naman sila ay interesadong nakinig. "Sa tuktok ng bundok ng Sta. Maria, merong maliit na simbahan doon. Sabi ng matatanda na kapag nakaakyat tayo doon at nagdasal sa loob ng simabahan na iyon, lahat daw ang matutupad."
"True ba yan? Tapos hindi na tayo makakababa kasi papatayin tayo ng mga aswang?" Biro ni Cheska.
"May nakapagsabi lang sakin. Wala namang masama kung susubukan natin diba? Bonding na rin nating mag totropa." Muling sabi ko.
"Ako G ako. Basta walang pasok. Bawal cutting." Chill na sagot ni Jean. "Shempre nandoon ako sasama rin si Cheska, sure din yan." Tatawa tawang sabi ni Jean inirapan naman sya ni Cheska.
"Im in. Ill drive." Sabi ni Gian habang hindi inaalis ang mata sa daan.
"Drive bundok nga." Kontra ni Yssa sa kanya.
"Lalakarin ba natin from Bulacan to Laguna?" Natahimik nalang si Yssa at huminga nang malalim.
"Sama na rin ako." Sabi niya. Nakakatuwa na lahat kami nais gumaling si Clara. Nagngitian kaming lahat at sabay sabay nagtawanan.
"G sa sabado. Wala namang pasok. Magpaalam na kayo na may 2 days outing tayo!" Maligayang sabi ko.
Tumango naman silang lahat. "Para kay Clara!" Sabay-sabay naming sigaw.
*To be continued*