Gelo's point of view
"Malapit na ba tayo, guys?" Inip na tanong ni Cheska.
Pansin ko rin na kanina pa kami nasa kotse. Napatingin ako kay Gian na bakas sa mukha ang pagkapikon dahil kanina pa sila tanong nang tanong kung malapit na ba. Siguro dahil maging sya ay napapagod na rin mag maneho.
"Malapit na ata Cheska. Nakikita ko naman ditto sa map." Mahinahon na sagot ko.
"Buti naman kanina pa kasi ako na jijingle HAHAHA." Sabi ni yssa pero bakas pa rin ang pagkainis sa mukha nya.
"Konting tiis nalang guys. Pare-parehas naman tayong naiinip e." Inip ngunit nakangiting sabi ni Jean.
Napaayos nalamang ako ng upo at hinayaan silang mag-usap. Hindi umabot ng isang oras ay nakarating na kami sa paa ng bundok ng Sta. Maria. May natanaw kaming maliit na kubo malapit ditto. Ihininto ni Gian ang kotse sa tapat nito.
"Finally, nandito na rin tayo!" Masayang sabi ng dalawang babae. Maging ako ay natuwa nang mabanat kong muli ang mga binti ko. Nanlaki ang mata ko nang magtuloy-tuloy si Gian sa bahay-kubo at kumatok.
"Tao po." Nakatatlong katok lamang si Gian ay may lumabas na agad na Ginang.
"Oh. Mga bata, anong ginagawa nyo ditto? Naligaw ba kayo?" Sabi ng ginang at pinaupo kami sa upuan nila.
"Ayo slang ho kami. Balak ho sana naming umakyat sa bundok na yan ho." Sabi ni jean at tinuro ang bundok.
"Sigurodo ka ba diyan iho?"
"Oho. Nabalitaan ho kasi naming na mayroon nagmimilagrong simbahaan sa taas."
"Meron nga kaso masyadong delikado lalo pa't tangghali na. Baka abutan kayo ng dilim sa kalagitnaan ng pag-akyat nyo." Nagkatinginan kaming lima sigurado akong iisa lang ang nasa isip naming.
"Okey lang po. Kailangang-kailangan lang po naming." Tatango-tangong sagot ni Yssa. Sumang-ayon naman kaming lahat.
"Nais lang po sana naming iwan yung sasakyan naming dito. Kahit sa tabi lang po." Sabi ko.
"Aba ayun lang ba? Ayos lang naman basta magiingat kayo ah." Bakas sa mukha ang pag-aalala ng ginang pero hindi na naming sya pinansin.
Kinuha naming ang mga gamit naming sa likod ng kotse ni Gian. Nagdala kami ng mga tubig, pagkain at dalawang tent at syempre mga damit namin. MArami ring dalang kakaiba si Gian na pwedeng magamit. Dati ata syang boyscout
"Boyscout ka sis?" Biro ni Yssa kay Gian at tinawanan naman naming sila. Muli kaming nag paalam sa Ginang bago tuluyang lumapit sa bundok.
"Para kay Clara?" Masiyang tanong ko at inilagay ang aking kamay sa gitna ng pag-uusap naming magkakaibigan.
"Para kay Clara!" Ipinatong ng apat ang kanilang kamay sa ibabaw ng kamay ko at sabaysabay na itinaas iyon. Sabay sabay nilang tinanaw ang bundok ng Sta. Maria
"Nandito na tayo guys!" Masayang sabi ni Cheska.
"Kakayanin natin to!" Sabi ni Yssa at sumuntok pa sa ere.
Nagtawanan naman si Gian at Jean at inakbayan ang dalawang babae. Sabay sabay nilang hinakbangan ang paa ng bundok ng Sta. Maria, kumpleto at masaya. Lahat ng hirap na magpagdadaanan nila sa bundok ay kanilang titiis,
Para kay Clara.
Ilang minuto rin ang lumipas at naglalakad pa rin kami. Sa ngayon, wala pa kaming nadadaanang taong nangangahoy o ano man kaya wala kaming matanungan. Rinig ko rin ang pag-uusap ng tatlo sa aking likuran habang ako'y nagmamasid lamang, malay namin nasa gilid lang pala ito. Hindi ko rin naman kasi alam kung malaki o maliit ang simbahan. Pero kahit na ganoon, lahat gagawin namin gumaling lamang si Clara.
"Pwede pahinga muna tayo? Gutom narin ako e." rinig kong sambit ni Yssa.
Napatigil ako't napatingin sa relo ko, malapit na palang lumubog ang araw. Hindi ko namalayan na halos magdadalawang oras na pala kaming naglalakbay. Kaya pala medyo kumakalam na ang tiyan ko. Humarap ako sa kanila't tumango dahilan para mapangiti ang dalawang babae na kasama namin ngayon. Naglabas muna kami ng konting makakain at sabay sabay kaming kumain.
Agad kong naubos ang pagkain ko, gutom na pala ako hindi ko man lang namalayan dulot sa pagiging seryoso sa lakad namin, natatakot din akong maligaw at may mangyari sa mga kaibigan ko. Napatingin ako sa aking mga kaibigan na kumakain pa rin habang nagkukwentuhan. Kung titignan para lang kaming nagpipicnic dito, alam kong nakasalalay dito sa'min ang paggaling ng kaibigan namin na si clara.
Napatayo ako't nagpaalam muna na iihi ngunit sa katunayan, maghahanap lang ako ng taong mahihingan ng tulong. Sa paulit-ulit kong paglibot upang makahanap ng kung ano man, wala akong napala. Tama ba 'tong pinuntahan naming lugar? Sinipa ko ang bato sa'king paanan at inis na napakamot sa'king batok.
Bumalik ako sa pwesto namin at nagkaayaan na muling magpatuloy sa paglalakad. Isa nanamang mahabang lakaran ang ginawa namin. Medyo dumilim na rin sa paligid kaya nilabas na nila ang kani-kaniyang flashlight.
"Maghanap na kaya muna tayo ng pwede tulugan guys. Ang delikado na neto ang dilim na kasi e." Sabi ni Jean. Kaming mga lalaki ay inayos ang dalawang tent sa tabi ng dalawang malalaking bato. Patag na lugar naman ang pinaglatagan namin kaya walang problema sa pag tulog. Magkasama ang babae sa isang tent at ang lalakj naman sa kabila.
Ang mga babae naman ang nag ayos ng kumot na hihigaan namin. Inayos din nila ang ilaw para hindi na namin papatayin hanggang sa sumikat ang araw
"Good night guys! I love you all!" Rinig kong sigaw ni Cheska sa kabilang tent. Napangiti ako at ipinikit ang aking mga mata.
"Ahhhhhh!!" Napaigtad ako sa malakas na sigaw na iyon. Nasisiguro kong si Yssa iyon. Napahimbing ang tulog ko di ko namalayang sumikat na ang araw. "Sino ka?" Lumabas ako ng tent at nakita isang matandang lalaki na nagbabalaknlumapit kay Yssa.
"Ayos ka lang ba bata?"
"Sir. Wag po kayong lalapit." nauutal kong sambit.
"Wala akong balak na masama , iho. Nakita ko kasi syang nadapa kanina. Kaya ko siya nilalapitan." Nagkatinginan kami ni Yssa. "Magkasama ba kayo? Kayong dalawa lang ba ang nandyan?"
Agad akong napailing. "May mga kasama po kami naroon sila." Turo ko sa loob ng tent. "Sa totoo po nyan ay kailangan po namin ng tulong, nalikigaw po kasi kami. May alam po ba kayong simbahan dito na sabi nila ay nagbibigay ng himala?"
Sa hindi malamang dahilan, ngumiti ang matanda. Hindi ko mawari kung anong ibig sabihin ng kaniyang ng ngiting ito.
"Abay oo iho, malapit doon ang tinitirhan ko. Tara at ituturo ko sainyo ang daan."
Napangiti ako ng malawak at muntik ng mapatalon sa kaniyang sinabi. Nagpasalamat ako sa kaniya't agad na pinuntahan ang mga kaibigan ko at sinabi ang magandang balita. Iniligpit namin ang mga tent at sumunod sa matandang lalaki.
Napatingin ako sa paligid nang magsimula na kaming maglakad sa kabilang direksyon. Kaya siguro hindi namin makita, mali kami ng daan. Napangiti na lamang ako habang mahigpit kong hinahawakan ang strap ng bag ko.
"Gagaling ka rin Clara.." bulong ko sa hangin.
Lumipas ang kalahating oras ng paglalakad nang may napansin kamig mumunting baryo. Napatingin ako sa mga kasama ko't ganoon din ang reaksiyon nila. Nagtataka kami, hindi namin alam na meron palang baryo sa taas ng bundok. Marami palang taong nakatira rito. Napangiti ako ngunit agad ring nawala nang mapansin kong iba ang mga titig ng mga tao sa'min. Siguro'y sa tingin nila masasama ang mga dayo.
"Nakakatakot yung mga tingin nila." Sabi ni Cheska. Inakbayan naman sya ni Jean.
Agad huminto ang mama dahilan para mapahinto din kami. Muntik ko na nga siyang mabangga dahil sa pag-iisip ko ng kung anu-ano kaya hindi ko na namalayan. Akmang tatanungin ko na sana siya ng nahagip ng mata ko ang nasa harapan namin. Napaawang ang aking bibig sa laki ng simbahan na nasa harapan namin. Sa sobrang taas ng bundok na ito ay hindi na tanaw ang simbahan sa ibaba
"Pasok lang kayo." Nabalik ako sa huwisyo nang bigla magsalita ang matanda. Agad kaming nagpasalamat sa kaniya't napangiti kaming magkakaibigan sa isa't isa. Buti nalang talaga. Agad kaming pumasok sa simbahan. Pati sa loob ang laki, medyo kakaiba nga lang sa disenyo. Wala silang puon puro Cross at meron din bilog at may star sa gitna.
"Tamang simbahan ba to, sir?" Tanong ni Gian.
"Oo iho. Ito lang ang simbahan dito." Hindi makatingin sa mga mata namin ang Mama. "Doon sa chapel na iyon ang nagmimilagro." Timuro sya sa kanan. "Makakakita kayo ng simbolo ng mga pagano. Kailangan nyo lang maghawak-hawak ng kamay at sabay sabay sabihin ang inyong panalangin." Tumango-tango kaming lima at sinunod nag inutos nya.
Pumasok kami sa isang chapel walang upuan at walang kahit ano. Tangging bilog lamang na may star sa gitna ang nakita namin. Nakaguhit ito sa baba. Sinunod namin ang sinabi ng mama.
"Sana po gumaling na si Clara." Nakapikit naming sinabi. Paulit ulit namin itong dinasal at sabay sabay rin ibinaba ang kamay.
"Mukhang hindi tayo makakapasok bukas guys." Sabi ni Jean habang nakatingin sa kalangitan. Madilim ang kalangitan at umiilaw ang nga ulap "Mukhang bubuhos ang ulan." Alalang sabi ni Jean.
"At mukhang dito tayo magpapalipas ng gabi." Sabi ko. Nagkatinginan kaming lima at bakas sa mukha ang takot.
*To be continued*