Gelo's Point of view
"Maari naman kayong magpalipas ng gabi dito. Masyadong na kasing delikado kung bababa pa kayong ganitong maulan. Madulas ang dadaanan nyo." Sabi saamin ng mama na nagturo sa amin ng daan kanina. Tumingin ako sa kanilang apat at pareparehas ang reaksyon sa mga mukha nila, nagdadalawang-isip sila kung magpapalipas ba muna kami ng gabi dito o tutuloy sa pagbaba sa bundok.
"Sige po. Pag-uusapan po naming magkakaibigan." Sabi ko at tinalikuran siya. Lumapit ako sa mgakaibigan ko. "Mahihirapan tayong umuwi ngayon, maulan."
"I can't stay here for even an hour." Tumitirik ang matang sabi ni cheska.
"We don't even know them, guys. C'mon its better na sa tent matulog than here." Pabulong din na pag-iinarte ni Yssa.
"It's raining Yssa." Sabi ni Gian habang sinasalo ang ulan. "We have a choice we sleep here or in a mud."
"Tama si Gian guys. Mas safe kung dito nalang tayo. Isang gabi lang naman at sama sama naman tayong lima." Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Cheska at Yssa. "Hindi naming kayo papabayaan ano ba kayo." Biro ni Jean at inakbayan ang dalawang babae.
Huminga silang dalawa ng malalim dahil wala silang magagawa. "Sige na nga." Sabi ni Yssa. Muli kong nilapitan ang matandang lalaki na hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan at wala akong balak alamin.
"Pumayag na ho sila." Sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti si manong. "Saan po kami pwedeng tumuloy?"
"Tara't sundan nyo ako." Nakangiti parang sabi nya. Nakakakaba rin na ganyan ang inaasta nya. Hindi nalang ako matutulog para bantayan ang mga kaibigan ko. Mas nag-aalala rin ako kung bababa kami ngayon, dahil paniguradong may mangyayari samin pag bumaba kami.
Dinala nya kami sa maliit na kubo sa bandang likod ng kanilang baryo. Katabi non ay isang malaking puno at may naka ukit nanaman na pentagram, kamukhang-kamukha nung nasa chapel. Pinatuloy nya kami sa loob at nagulat kami na nakahanda na ang lahat ng gamit. Sementado ang sahig may dalawang kama na gawa sa kawayan at may isang mahabang upuan na gawa rin sa kawayan.
"Salamat po. Uhm, ano po palang pangalan nyo?" Sabi ni jean sa mama nang makapasok na sya sa loob.
"Ah maaari nyo akong tawagin tasyo." Nakangiti paring sabi nya at umalis, dahan-dahan nya pang isinara ang pinto.
"He is so creepy." Mahina at mabagal na sabi ni Yssa.
"True." Sagot ni Cheska. Natawa ako kasi parehas pa nilang iwinagayway ang kamay nila at maarte ang pagkakasabi. Napatingin silang dalawa sakin at nakitawa. Sa huli ay nauwi sa tawanan ang pampalipas namin ng oras.
Sa kalagitnaan naming ng pagkukwentuhan ay nagulat kami sa biglang pagkatok sa pinto, nilapitan iyon ni Gian at binuksan. May nakita kaming tatlong dalaga na lahat ay naka itim na bestida, nakangiti silang tatlo saamin.
"Nais naming kayong imbitahan para maghapunan." Mahinhin at nakangiting sabi ng babae. Deretso syang nakatingin kay gian habang iniikot ang ilang piraso ng kaniyang buhok.
"Hapunan saan?" Singit ni Yssa.
"Sa labas. Nakahain na ang mga pagkain." Nakangiti pa ring sabi ng dalaga. Nagtinginan muna kaming lima bago sumunod. Natatakot kaming hindi sumunod baka kung ano ang mangyari samin paglumabag kami.
Sinundan namin ang mga dalaga. Nagulat ako nang makakita ng dalawang mahahabang lamesa ang nasa gitna ng daanan nila, lahat sila ay doon kumakain, sama sama. Bumaling ako sa isang babae na kasabay naming maglakad.
"Anong meron?" Tinignan nya ako at nginitian.
"Hapunan. Ganito talaga dito tuwing hapunan." Sabi nya habang nakangiti pa rin. Pinaupo nila kami sa gitna ng lamesa. Sabay sabay nilang iniyuko ang kanilang mga ulo, nagugulat man ay sinundan pa rin namin ang ginawa nila.
Nagdasal ang nakaupo sa pinaka gitna at hindi namin iyon naintindihan tanging naintindihan ko lang ay Amen. Alam ko na hudyat iyon na tapos na ang dasal nila kaya inangat ko na ang ulo ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatingin sila saakin, saamin. Maganda ang mga ngiti na para bang natutuwa silang makita at makasama kami.
"Minsan lang kasi kami magkaroon ng bisita jaya masarao ang aming hinanda." Nakangiting sabi ng matandang lalaki , yung nagdasal din kanina. "Tag isa-isa kayo ng putahe." Nakangiti syang itinuro ang mga ulam sa harap namin. "Masasarap ang mga iyan." Nakangiti pa ring sabi nya.
"Salamat po." Sabi ko. Hindi naman sila sumagot at tinitigan lang kaming lima. Nagkatinginan kami at napagalaman na iniintay nila kaming tikman ang niluto nila para samin. Sumubo ako at sumubo rin ang mga kaibigan ko. Sabay sabay naman nilang kinuha ang mga kutsara at tinidor nila at nag simulang kumain.
Awkward, but the food is really good.
Ang kinakain ko now ay parang dinuguan lang mas pinasarap. May kakaiba sa lasa na gugustuhin mong papakin ito. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na sobrang nag eenjoy sa kinakain nila. Napansin ko lang ay walang tubig, at nauuhaw na ako bigla namang may naglapag ng tubig sa harap ko. Ganon rin sa mga kaibigan ko. Agad ko iyong ininom dahil uhaw na uhaw na ako nang makitang medyo puti iyon pero lasang tubig. Ibinaba ko ang baso kahit nainom ko na ang kalahati nito. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na nainom na rin ang tubig bukod kay Gian. Akmang iinumin n ani Gian pero pinigil ko sya.
"Gian." Napatingin sya sakin maging si yssa na nasa tabi ko ay tumingin. Ako ang nasadulo katabi ko si yssa sumunod si Gian, Cheska at Jean. Umiling ako at alam kong nahalata na ni Gian iyon kaya hindi na nya ininom pa ang tubig. Masama ang kutob ko sa tubig na iyon, basta ang mahalaga may maiwan sa amin na is ana alam kong kaya kaming protektahan.
Nagpaalam na kami sa kanila at nagpasalamat sa pagkain. Nauna kaming limang tumayo habang ang iba naman ay tinititigan lang kami. Dumeretso kami sa tutulugan naming at isinara ang pinto.
"Napansin nyo ba yung inumin medyo maputi." Agad na sabi ko.
"Napansin ko pero nainom ko na, wala naming lasa." Sabi ni Cheska.
"Ako di ko na pansin." Walang pakeng sabi ni Yssa at humiga sa isang kama.
"Alam nyo guni-guni nyo lang siguro, matulog na tayo. Bumigat yung mata ko. Nakakantok." Sabi ni Jean at humikab pa. Tinignan ko naman si Yssa at nakatulog na sya. Tinabihan naman sya ni Cheska.
Tumingin ako sa orasan ko ala-siete palang, bakit inaantok na sila? Maging ako ay parang pagod na pagod na ang katawan. Tumingin ako kay Gian na nakatingin sakin at bakas ang pag-aalala.
"Alam kong may kung ano sa kinain at ininom natin." Sabi ko. Tinanguan ako ni Gian at nagdilim na agad ang paningin ko.
Gian's point of view
Inayos ko ang pagkakahiga ni gelo sa kahoy na upuan. I know there is something different about this hamlet. Their food is unusual, malansa ang amoy pero sobrang malinamnam at masarap, konti lang naman ang kinain ko. Nasisiguro ko na ang bawat kinain naming ay may halo, even the dish. Nakakaramdam din ako ng konting pagkahilo pero toleratable naman.
"You guys are really lucky to have me, but I am much luckier to have you." Mahinang sabi ko at tinignan ang mga kaibigan ko. Sila lang ang dahilan kung bakit gumaganda pa ang kwento ng buhay ko. Kahit nararamdaman ko ang pagkahilo ay pinipigilan ko para bantayan ang mga kaibigan ko.
Lumipas ang ilang oras at mas dumidilim ang gabi tanging liwanag lang na meron kami ay ang gas lamp. Tumingin ako sa orasan at alas dos na pala ng madaling araw. Konting tiis nalang at makakaalis na rin kami dito. Tumutumba-tumba ang ulo ko dahil sa antok, pero nagising ang diwa ko nang may marinig akong kumaluskos sa labas. Dahan dahan akong tumayo sa pagkakaupo ko sa paanan ni gelo at sumandal sa pader kung saan matatakpan ako pag may nagbukas ng pinto. Narinig ko ang mahinang pagtulak sa pinto ngunit hindi nila ito mabuksan.
"Nakakandado. Humanap ka ng bato." Malakas na sabi ng isang lalaki na para bang hindi sila nababahala na magising kami, na para bang sigurado sila na mahimbing ang tulog naming. Napaigtad ako nang bigla nilang pokpokin ang pinto. Mga apat na hampas ay nabuksan na nila ang pinto. Binuksan nila iyon at maigi akong nag tago sa likod. Ibinato niya ang bato na hawak nya kanina, katamtaman ang laki para mahawakan ng kamay. "Kulang ng isa. Pakihanap baka nasa paligid lang." Umalis naman ang dalawang lalaki na kasama nya at naiwan sya. Mukha syang mas matanda samin. Marahan kong inabot ang bato na ibinato nila kanina at sa bandang gilid ng kaniyang leeg na ikinatumba nya. Nawalan sya ng malay pero nasisiguro kong buhay pa sya.
"Gelo! Gelo!" Gising ko kay gelo at inalog alog pa pero hindi sya magising. Ginawa ko rin iyon sa iba ko pang kaibigan at kagaya kay gelo wala akong natanggap na kahit ano. "Shit." Lumabas ako para harapin ang dalawang lalaki na lumabas kanina at hindi ako nabigo dahil pabalik na sila sa pwesto namin. "Let us go please."
Nag-usap silang dalawa sa hindi ko maintindihan na lengwahe at biglang ako binato ng balisong agad ko namang naiwasan iyon at tumakbo sa kakahuyan. Naramdaman ko naman ang pag sunod nila saakin.
"Please follow me and leave my friends." Hiling ko sa sarili. Mas pipiliin kong ako nalang kesa mga kaibigan ko. Nagtago ako sa malaking bato. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa batong dala ko at pinakinggan ang paghakbang nila. Nang makita ko syang nakatayo sa harap ko lumilingalinga, umikot ako sa likod ng bato at mabilis na tumayo sa likod nya at hinampas ng bato sa gilid ng kanyang leeg. Gaya sa kasama nila kanina ay natumba rin siya.
One down.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap ang kasama nyang lalaki nang biglang may tumarak sa binti ko na ikinatumba ko.
"Ah!" Angil ko habang sinusubukang hugutin ang balisong. Nakita ko naman ang lalaki na papalapit na sa akin. Mabilisan ko hinugot ang balisong "Ah! W-what the hell are you d-doing?!" Sigaw ko at pinilit tumayo. Tumakbo sya papalapit sakin at sasaksakin nanaman ako ng balisong. Umiwas ako nang umiwas. "I d-don't want this, p-please!" Muling sigaw ko pero nag tuloy-tuloy pa rin sya. Wala akong nagawa kundi ang lumaban. Sinangga ko ng balisong na hawak ko ang balisong sya at puno ng pwersa ko iyong itinulak dahilan para tumilapon iyon sa malayo. Hindi na ako nagdalawang isip at pinadaan ang balisong sa kanyang leeg.
Natumba ang lalaki habang hawak ang kanyang leeg. Nagkalat ang dugo sa damit ko at sa lupa. Napaupo sa sakit ng binti. Tuloy tuloy lang ang pag dugo nito. Pinunit ko ang aking damit at tinakpan ang malalim at Malaki kong saksak.
Dahan-dahan akong tumayo para balikan ang mga kaibigan ko. Malayo-layo rin ang nalakad ko kahit hirap ay ginawa ko ang makakaya ko para marating ang mga kaibigan ko. Natanaw ko na ang lugar namin binuksan ko ang pinto at isinara iyon.
"Guys-" Naputol ang sasabihin ko nang makitang wala na sila doon. Napaluhod ako at ipinikit ang aking mga mata. "It can't be. Im going to save you guys." Mariin kong sinabi at binuksang muli ang pinto. Bumungad sakin ang tatlong babaeng naka-itim, nginitian nila ako at biglang tinusok ng makalumang syringe.
"Please. Ako nalang, let my friends go-" Nanlabo ang paningin ko at walang anu-ano'y natumba ako sa lupa at tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.
Im sorry...
*To be continued*