Chapter 4: KULTO

1544 Words
Gelo's Point of view. Napadaing ako mula sa sakit ng ulo. Tila ba parang mabibiyak, Sinubukan kong hawakan ito ngunit sa pagkakagulat ko, nakatali ang aking mga kamay. Agad akong nabalik sa huwisyo't napatingin sa paligid. Anong nangyari?! Ipinikit ko ang aking mga mata't pilit na inalala ang nangyari, ngunit kahit anong pilit ko ay wala akong mapiga mula sa utak ko. Napatingin ako sa aking katabi na si Jean, habang nasa tapat naman namin si Cheska at Yssa. Teka, nasaan si Gian?! Agad akong nataranta, hindi ko mapigilang mapaisip ng masama na kung ano ang nangyari sa kaniya. Kinuha ko ang atensiyon ni Jean sa pamamagitan ng pagsitsit at pagbulong sa pangalan nito. Mahirap na at baka may makarinig pa sa'kin mula sa labas. Gusto kong magmura at kumawala mula sa tali. Hindi ko maintindihan. Inakala ba nila na masasamang tao kami?! Marahil ay iyon nga. Ngunit kung sasabihin naming na hindi kami masasamang tao, maniniwala ba sila? Hindi. Hindi ko kayang isugal iyon, marami sila apat lang kami. "Fuck." Mahina akong napamura ako nang sumagi ulit sa isipan ko si Gian. Anong ginawa nila sa kaibigan ko? Pinagmasdan ko ang paligid at nawalan ng pag-asa dahil halos wala akong makita dulot ng dilim. Hindi rin ako halos makahinga, marahil ay maliit lang ang kulungan naming na gawa sa malalaking kawayan. Pinakiramdaman ko ang labas, bawat kaluskos, bawat huni ng ibon at ang katahimikan. Pinakiramdaman ko kung anong klaseng pagkakatali ang ginawa nila sa'king kamay at sa mga paa ko, sinubukan kong kumawala ngunit ang higpit. Hindi ko halos mahawakan. Unti-unti na'kong nawawalan ng pag-asa ngunit walang tigil parin ako sa pagkuha ng atensiyon ni Jean. Bakit ba kami dumating sa ganito? Napapikit ako't nagdasal ng taimtim. "Panginoon, naway gabayan mo p--" Agad akong napatigil at napaigtad nang makarinig ako ng mga yapak mula sa labas. Nataranta ako. Ano bang dapat kong gawin? O ang tanong, ano nga ba ang kanilang gagawin? Dapat bang hindi nila ako makita na nagising na? Alam ba nila kung nasaan si Gian? Sa sobrang pagkabahala ko, muntik na'kong mapasigaw pagpasok ng dalawang lalaki na may kasamang babae. Agad akong napapikit at pinakiramdaman na lamang ang mga gagawin nila. Hindi ko halos makita ang kanilang itsura, ngunit nakakasigurado akong nakakulay itim silang lahat. Gaya ng suot ng mga babaeng sumundo samin para maghapunan. Hindi ko malaman kung anong araw na ngayon, puno ng pangamba ang utak ko. Ang importante ay maka-uwi kaming lima. Nagpalingalinga silang tatlo na para bang may hinahanap saming apat. "Nasan ang kaibigan ko?!" Galit na sigaw ko at hindi naman nila ako pinansin. Patuloy lang ang paglinga nila. "Ala kumbrae estas." Sabi ng babae. Nakakapagtaka lang na may iba pa palang paraan sila ng pag-uusap. Buong akala ko ay tagalog lang ang alam nila dahil kinakausap nila kami sa salitang tagalog. Napamura ako sa aking isipan kahit na hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, alam kong wala ring magandang maidudulot iyon sa amin. Kailangan naming makaalis dito. "Wag na wag nyong hahawakan ni isa sa mg-" Napatigil ako nang maramdaman ko ang yapak ng isa sa kanila na tila ba'y papalapit ito sa'min. Ganoon nalang ang aking pagkagulantang ng makitang kinukuha ng dalawang lalaki sina Cheska at Yssa. "Bitawan nyo sila! Paki-usap ako nalang!" Lumuluhang sabi ko. Kahit anong sigaw ko at pagpupumiglas ay wala ring nangyayari. Pinagmasdan ko na lamang sila hanggang sa lumabas silang tatlo bitbit ang dalawa kong kaibigan. Nginitian ako ng babae na para bang sinasabing ako na ang susunod. Fuck. Sigurado akong sila rin ang may hawak kay Gian. Ang nais ko lang ay mailigtas ang mga kaibigan ko at makauwi. Agad akong nag-isip ng paraan kung paano makalabas dito habang kinukuha ko parin ang atensiyon ni Jean. Kanina pa sya walang malay at namumutla sa hindi ko malaman na dahilan. Teka, kaming lahat nawalan ng malay. Ano bang nangyari sa'min? Kahit anong pilit kong pag-alala, wala paring kwenta kaya mas pinili ko na lamang mag-isip ng paraan. Ilang minuto sa paghahanap ng kung ano mang makatulong samin na tanging ilaw ko lamang ay ang buwan na nakasilip sa mga butas ng kulungan namin. Napabuntong-hininga ako nang bigla na lamang dumaing si Jean. "Jean, gising." bulong ko sa kaniya. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya dulot ng dilim ngunit alam kong nalilito siya kung nasaan kami ngayon. "Kailangan nating makaalis dito. Kinuha nila si Cheska, Yssa at Gian." mariin kong bulong sa kaniya. Ang sakit na iniinda sya sa kanyang katawan ay mabilis napalitan ng lungkot at pag-aalala. "Pano natin sila maliligtas?" Nagpipigil ang luhang sabi ni Jean. "Yun nga lang manatiling gising para maprotektahan sila cheska hindi natin nagawa!" Mariing sabi nya. "Jean hindi pa huli ang lahat. Maililigtas pa rin natin sila." "Sa tingin mo? Hindi nga tayo makaalis sa putanginang tali na to, Gelo." "Kung nawawalan ka ng pag-asa, ako hindi! Jean parang magkakapatid na tayo, kung susuko ka pano nalang sila, pano ako. Ayusin mo naman yang pag-iisip mo. Masyado kang mahina!" Galit na giit ko kay Jean muli kong sinubukang kumalawa sa tali. "Tangina." "Tumalikod ka." "Ha-" "Talikod." Muling sabi nya. Kahit na hindi ko alam ang balak nya at nahihirapan akong talikuran sya ay sinubukan ko pa rin. "Lumapit ka sakin." Kahit hirap ay sinubukan kong umusod papalapit sa kanya. Lumipas ang ilang minute ay naramdaman ang pagluwag ng tali sa kamay ko. Nanahimik na lamang ako't napamura sa isipan. Hindi ko alam may baon siyang pocket knife. Ilang minuto rin ang lumipas nang maramdaman ko ang pagkaluwag ng tali sa aking kamay. "Ako rin." saad nito't ibinigay sa'kin ang kutsilyo. "Nawawalan ka pa ng pag-asa boyscout ka naman." Biro ko. Dali-dali ko siyang pinakawalan at sabay naming kinalas ang tali sa aming paa. Nagpalinga-linga at sa paligid. "Wag ka muna tumayo, humanap muna tayo ng chempo." Bumalik kaming dalawa sa pwesto naming at nagpanggap na nakatali. "Paano kung may nakabantay sa labas?" biglaang tanong ni Jean. Napaiwas na lamang ako ng tingin. "Mag-iingat lang tayo." Dahan-dahan kaming naglakad patungo sa pintuan at sinubukang buksan itp. Malaking pasasalamat naming nang makitang hindi nakakandado ang pinto nakatali lang ito. "Mas makapal ang tali." Sinubukan naming tanggain ang tali at hindi naman kami nabigo. Sinilip ni Jean ang labas dahil mas malinaw ang mga mata nito kumpara sa'kin. "Walang bantay." Agad kaming tumakbo palabas at nagtago sa mga damuhan na medyo malayo sa aming kulungan. Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang takot sa mukha ni Jean. Nakakapanibago, ngayon ko lamang siya nakita na takot na takot. "Anong gagawin natin ngayon?" tanong nito. Napakagat ako sa aking labi't nag-isip. "Hanapin muna natin si Gian, baka nandito lang din 'yon nagmamasid." Kung ikukumpara saamin si Gian ang pinaka bihasa sa laban. Malaks siya kaya tiwala ako na wala sya sa kamay ng mga demonyong ito. "AHH!" Malakas na sigaw ni Yssa. Nagkatinginan kami ni Jean at nagmamadaling pumunta roon. Nakita naming sila sa damuhan napapalibutan sila ng mga taong nakaitim na may hawak na lampara habang nakatali silang dalawa sa kawayan na ginawang hugis krus. Nagtago kaming dalawa ni Jean sa malaking bato. "Please, let us go!" Umiiyak na pakiusap ni Yssa. May matandang babae ang lumapit sa kanilang dalawa at hinawakan ang pisngi ng bawat isa. "Napaka gaganda nyo. Bagay na bagay maging Reyna ng aming kulto." Sabi ng babae habang pinapadaan ang kanyang kamay sa dibdib ng dalawa. Inilahad nya ang kanyang kamay sa kaliwa nya at may nag-abot naman sa kaniya ng matalim na kutsilyo. Kitang-kita sa pwesto naming ang talim niyon kahit medyo madumi at kinakalawang ang hawakan. Lumapit ang matanda kay Cheska na nakayuko ang ulo at walang malay. Iniangat ng matanda ang ulo nito at madiin na hinawakan ang pisngi. Inilapit nya ang kutsilyo sa tenga ni Cheska at pinadulas iyon malapit sa bibig. "AHH! Wag po! Paki-usap-" Umiiyak na sigaw ni Yssa nang hiwain ng matanda ang kanang pisngi ni Cheska dahilan para magmukhang mahaba ang buka ng bibig nito. Napakunot ang noo ni Cheska at napadilat habang ginagawa sa kanya iyon. "Ahhh!" Umiiyak na sigaw ni cheska habang panay ang tulo ng dugo sa kanyang damit. Lumapit naman ang matanda kay Yssa na iiling-iling at umiiyak. "Tangina." Bulong ni Jean at akmang tatayo, agad ko naman syang pinigilan dahil wala kaming laban. "Ikaw ang duwag!" Sabi ni Jean at tumayo tumakbo sya mapapalapit. "Nakikiusap ako sa inyo wag po." Uutal-utal na sabi ni Yssa. Ginawa ng matanda kay Yssa ang pagpapadulas ng kutsilyo sa tenga papunta sa bibig. Hihiwain na ng matanda ang bibig ni Yssa. "Tigilan nyo yan!" Sigaw ni Jean dahilan para mapatigil ang matanda sa ginagawa nya. Tanaw dito ang onting pag dugo ng gilid ng bibig ni Yssa. "Susunugin ko itong tinitirhan nyo kung hindi nyo kami papakawalan!" Sigaw nya habang may hawak na sulo. Nakita ko na naagaw ni Jean ang atensyon nilang lahat kaya mabilis akong tumakbo papalapit sa matanda at inagaw ang hawak nyang kutsilyo. "Huwag kayong lalapit!" Sabi ko at itinapat ang kutsilyo sa kanila. Nakakatakot na tumawa ang matanda. "Sige. Tumakas kayo. Pakawalan sila!" Utos ng matandang babae sa kanila. Tinanggal nila ang tali ni Cheska at Yssa. Dali dali naming bumagsak sa lupa ang dalawa. Nilapitan ni Yssa si Cheska na hanggang ngayon ay dumudugo ang pisngi. "Huwag nyo kaming susundan!" Sigaw ko at tinapat ang kutsilyo sa kanila. Muling tumawa ang matanda. Tumakbo kami papalayo, inalalayan namin si Cheska na nanghihina nang bigla syang sumigaw. "Kaawa-awa ang maiiwan." Nakakatakot na. Si gian... Napatigil kami at walang ano-anoy may tumarak na pana kay Jean. Nilingon ko ang matanda at may hawak syang palaso. Parang bumagal ang lahat, napatingin ako kay Jean na nakahandusay na sa lupa. Muli kong nilingon ang matanda ngunit huli na ang lahat nakita ko ang pana papalipad saakin at walang ano-ano'y tumarak din ito sa hita ko. *To be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD