Chapter 6: JEAN

1972 Words
Jean’s point of view “Yssa!” Sigaw ko sabay ang pagtumba ni Yssa. “Yssa!” Muling sigaw ko pero hindi na siya gumagalaw. “Wala kayong kwentang tao. Sana wag nyong maranasan ang pinaparanas nyo sa amin.” Malakas na sigaw ko pero hindi manlang nila ako tinapunan ng tingin. Sinubukan ko kumawala sa pagkakatali sakin. Nakakangalay ang pwesto naming ni Gelo nakatali kami sa malaking krus na ginawa nila. Nilingon ko si Gelo, nakayuko sya at patuloy lang ang pag-agos ng kanyang mga luha.   “Kasalanan ko lahat ito, Jean.” Umiiyak na bigkas nya.   “Hindi mo to kasalana—”   “Kung hindi ko sana kayo inaya sa lintik na simbahan nay an hindi tayo magkakaganit, Jean!” Natahimik ako sa sinabi nya at napayuko.   “Hindi kita sinisisi at nasisigurong kong lahat ng kaibigan natin ay hindi ka sisisihin. Ginusto natin ito Gelo. Para kay Clara.” Mahinahon na sabi ko pero hindi pa rin siya kumakalma.   “Patawarin nyo ako Jean.” Umiiyak na sabi niya. “Sorry. Sorry. Sorry.”   “Wala kang ginagawang masama Gelo. Lakasan mo ang loob mo, kailangan kahit isa satin may makatakas, Gelo. Magsusumbong tayo sa pulis.” Pangungumbinsi ko sa kanya. Tinignan ko ang kanang pulsuhan ko na nagdurugo na dahil sa pagkakatali ganon rin ang kanan at mga kamay ni Gelo.   “Kailangan nating makatakas.” Sabi ni Gelo kahit na pareho naming alam na imposible ay susubukan namin. Pareho kaming napatigil sa pagpupumiglas nang Makita naming na may dalawang lalaki ang bumuhat kay Yssa at inilagay sya sa bakal na parang shovel stretcher per wala itong butas. Nakakita na ako ng ganon sa mga movie, kamukha sya ng pinaglalagyan ng patay sa morge.   “Saan nyo sya dadalhin?! Wag nyo syang hahawakan!” Sigaw ko napapikit ako sa sakit na nararamdaman sa magkabilang pulsuhan ko pero wala akong pake kahit maputol pa ang kamay ko, alam kong mas masakit ang nararamdaman ni Yssa ngayon. Natahimik kami nang sundutin nila si Yssa ng kutsilyo sa braso dahilan para mapadaing ito at magising. Nakaramdam ako ng kaba nang buhatin ng dalawang lalaki ang hinihigaan ni Yssa at ipinasok sa  malaking bato na parang kabaong.   “Anong gagawin nyo sa kanya?” Utal na tanong ni gelo. Ang nakikita ko ay parang morgen a gawa sab ago at may pintuan itong kahoy. Isinara ng matanda ang maliit na pintuan habang ang lalaki naman sa gilid ay nag bubuhos ng gaas sa ilalim nito. Nanlaki ang mata ko nang makuha ang balak nilang gawin kay Yssa. “Tigilan nyo na sya mga hayop kayo!”   “Tangina.” Umiiyak na bulong ko. Habang pinapanood silang mag lagay ng mga kahoy sa ilalim ng hinihigaan ni Yssa. Tumingin sa akin ang matanda at nginitian ako. “Ano ba ang nagawa naming?” Umiiyak na sabi ko. Itinaas ng matanda ang sulo na hawak niya at sinindihan ito, umiling ako nang paulit-ulit at sinubukang kumawala sa mga tali sa akin. Mas lumalim ang sugat ko sa pulso nang sinubukan ko hilain ang mga kamay ko. “Parang awa nyo n—”   “Yssa!!” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang sumigaw si Gelo kasabay ang pagbato ng apoy ng matanda sa ilalim ng hinihigaan ni Yssa. Mabilis na kumalat ang apoy at wala pang isang minute ay narinig ko ang pagsigaw ni Yssa sa loob ng bagay na iyon. Kinatok-katok nya pa ang maliit na pinto para makalabas. Mas inigihan ko ang pagtakas sa magkabilang kamay ko. HInila ko it sa abot ng aking makakaya at alam kong magtatagumpay ako naramdaman ko naman ang pagkadurog ng ilang buto dahil sa pwersa pero wala akong pakialam kailangan kong iligtas ang mga kaibigan ko.   “Ahh! Palabasin nyo ako please!”  Rinig ko ang matinis na sigaw ni Yssa galling sa loob. Nagtagumpay ako higitin ang kanang kamay ko. Ganon rin ang ginawa ko sa kaliwa nang matanggal ko ang kaliwang kamay ko bumagsak ang ulo ko sa lupa at naiwang nakatali ang aking mga paa. Maingat akong humanap ng matalim na bato at pinutol ang makakapal na tali gamit iyon, nagawa ko ang lahat ng iyon sa kadahilanang abala sila sa pagtingin at pagtawa kay Yssa. “Pakawala n-nyo ho ako pakiu-usap.” Nang hihinang sigaw ni Yssa. Nang magtagumpay ako sa pagputol ng tali ay dalian akong lumabit kay Gelo para pakawalan din siya.   “A-Anong ginagawa mo? Tumakas ka na.” Sabi Gelo sa akin. Kahit mahirap kontrolin ang dalawang kamay ko dahil sa mga butong nadurog ay ginawa ko pa rin ang aking makakaya makatakas lang si Gelo. Kahit lumipas ang ialng minute ay nagtagumpay parin akong kalagin ang tali sa kamay niya at kagaya sakin ay bumagsak rin siya sa lupa. Siyan a ang nagkalag ng tali sap aa niya dahil sumasakit na ang kamay ko. Nang maka-alis ay dalian kaming tumakbo sa damuhan kung saan tanaw pa rin naming ang ginagawa nila kay Yssa.   “H-Hindi na siya sumisigaw, Jean.”   “Kailangan natin siyang iligtas. Malakas si Yssa kaya niya yan.” Kinalabit ko si Gelo at itinuro ang isang lalaki na may dalang balisong papalapit sa pwesto naming. Nanlaki ang mata niya nang makitang wala na kami doon. Sumigaw siya ng lengwahe na hindi namin naintindihan. Agad na nag-alisan ang mga tao sa paligid ni Yssa. “Tyansa na natin ito.” Maingat kaming lumapit kay Yssa. Nagtago kami sa mga bagay na pwede naming pagtaguan. Nagtagumpay kami sa paglapit kay Yssa na hindi na gumagawa ng ingay. Napayuko kami nang may biglang dumaan na lalaki. “Wala na.”   “Yssa.” Tawag ni Gelo. Binuksan naming ang maliit na pintuan at natanaw naming si Yssa na may mga paso sa braso at binti. Nagdurugo ito at lapnos na ang mga balat, dumikit din ang balat niya sa bakal na kinahihigaan nya. Hinawakan ko ang bakal para hilain ito palabas pero sobrang init nito. Kumuha si Gelo ng bato para ipanghila. Nang mailabas naming si Yssa ay wala kaming ibang choice kundi idikit rin ang balat naming sa mala plantsang bakal na iyon para mabuhat namin si Yssa. Lapnos na ang bandang likod ng tenga ni Yssa maging ilang piraso ng buhok niya ay nasunog at dumikit sa bakal, nalapnos na rin ang bandang likod ng buong braso niya. “Namumula ang buong katawan niya Jean. Halos kalahati ng buong katawan niya nalapnos lalo na sa bandang likod.”   “Bababa na tayo.” Mariing sabi ko.   “Pano si Cheska?”   “Babalik tayo. Magdadala tayo ng mga pulis.” Tinanguan ako ni Gelo at parehas kaming nagmamadaling pumunta sa gubat. Kahit hindi naming alam ang tamang daan pababa basta makalayo kami sa lugar na ito ay okey na. Hindi naman ganon kabigat si Yssa kaya kinakaya ko naman siyang buhatin. Nagsasalit-salitan nalang kami ni Gelo sa pagbuhat kay Yssa mahigit kalahating oras na kaming naglalakad ni Gelo pero parang hindi kami nakakalayo sa impyernong iyon.   “Ang layo na ng nalalakad natin Gelo.”   “Huwag tayong tumigil Jean.” Tinanguan ko sya at muling naglakad. Malapit na rin magdilim at sandaling oras nalang ay hindi na namin matatanaw ang daraanan namin.   “Konting tiis nalang, Yssa.” Dinig kong bulong ni Gelo. Tinignan ko naman si Gelo na pasan ngayon si Yssa napalapit ako nang matanaw na nakadilat ang isang mata ni Yssa. Napalapit ako sa kanya at nakitang namamaga na ang kanang mata niya nakasandal ang ulo niya sa kaliwang balikat ni Gelo.   “Y-Yssa. Ayos ka lang ba?” Hirap man ay ngumiti pa rin si Yssa. Gumaan ang pakiramdam ko. Sinabi ko na nga ba’t makakaya pa rin Yssa ang hirap na iyon. “Konting tiis nalang, Yssa.” Muling ipinikit ni Yssa ang mata niya. Isang oras na kaming naglalakad at nakakaramdam na rin ako ng pagod. Natumba ako sa lupa nang matalisod sa malaking bato. Sakto namang naidantay ko ang kamay ko na namamaga na.   “Jean, ayos ka lang?” Alalang sabi ni Gelo at inalalayan akong tumayo. Nakarinig naman kami ng yabang ng mga paa kasunid ang liwanag, nasisiguro kong ang mga demonyo iyon. “Jean tara na dalian mo.” Kahit nahihirapan ay sinubukan kong tumayo. Nagmamadali kaming tumakbo ni Gelo hanggang sa muli nanaman akong natumba.   “Mauna na kaya kayo.”   “Hindi kita iiwang mag-isa dito Jean.” Alam kong hindi ako iiwan ni Gelo dito kaya kahit napapagod at nahihirapan ako ay pinilit kong bumangong muli at lumakad. Napatigil kaming dalawa ni Gelo nang makarinig kami ng malakas na pito. Natanaw namin ang isang lalaki na may dalang sulo at itinuturo kami. “Takbo na.” Nagmamadali kaming tumakbo ni Gelo. Parehas kaming nahihirapan at napapagod pero pinipilit pa rin namin lumaban.   Napatigil ako nang biglang may lumipad na pana sa harap ko at saktong tumama sa puno sa gilid ko. Wala talaga silang pake kung makapatay sila ng tao. Pumulot ako ng malaking bato na kayang hawakan ng kamay ko at sumunod muli kay Gelo. Napatigil si gelo sa pagtakbo nang may humarang sa harapan namin meron na ring humarang sa likuran ko. Hanggang sa napalibutan na nila kami.   “Wag kayong lalapit!” Sabi ko at itinapat ang bato sa mukha nila. Dumikit ako sa likuran ni Yssa. Magkatalikuran kami ni Grlo ngayon habang si Yssa naman ay wala nanamang malay. Nanlaki ang mata ko nang biglang sumulpot ang matandang babae sa harap ko. “Lumayo kayo sa amin.” Mariin kong sabi. Nginisihan nya ako at inilapit ang mukha nya, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinila sila sa buhok at sinakal gamit ang kanang braso ko. Ang bato na nasa kalisang kamay ko naman ang idinikit ko sa bunganga niya. “Lumayo kayo sa amin o ipupukpok ko sa matandang ito ang bato?!” Nagtawanan lang sila na parang walang paki-alam sa matanda. Napatigil nalang ako nang biglang may umitak sa kanang balikan ko. Nabitawan ko ang matanda at natumba sa lupa.   “Jean!” Tumabi sa akin si Gelo na pasan pa rin si Yssa, bakas sa mukha niya ang matinding pagod. “Nakiki-usap po ako sa inyo. Palayain nyo na ho kami. Hindi na ho kami babalik o manggugulo sa lugar niyo.”   “Sino ba ang nagsabing nanggugulo kayo? Ipinadala kayo rito. Para sa amin!” Malakas at masayang sabi ng matandang babae at nagsigawan naman ang mga tao sa paligid niya. Maydalawang malalking lalaki ang lumapit para kuhanin si Yssa sa likod ni Gelo habang hinawakan naman ng iba si Gelo. Naiwan akong nakaupo sa lupa at nakatingin ng masama sa matanda. “Inalay kayo saamin, kaya kayo napadpad rito.” Sinabunutan niya ang buhok ko at pilit na tiningala. “Sa lahat ng inialay sa amin, sa inyo lang kami nakakita ng papalit sa trono at sa inyo lang rin kami nahirapan!” Sabi niya at itinapat ang balisong sa leeg ko.   “Jean! Wag bitiwan nyo ako!” Rinig kong sigaw ni Gelo. Napangiti ako sa matanda.   “Masahol pa kayo sa hayop.” Sabi ko at tumawa. “Hindi kayo pagpapalain ng diyos diyosan nyo. Diyos ang lumikha sa tao at siya lang din ang may karapatang bawiin ito.”   “Manahimik ka!”   “Sinaad sa sampung utos ng Diyos, ang ika-anim n autos ay maghigpit na ipinagbabawal ng Diyos ang pagkitil ng buhay ng ibang tao.” Nakangiti at nakatitig sa mga mata niyang sinasaad ko.   “Sabi ko manahimik ka.” Naramdaman kong idiniin niya ang kutsilyo sa leeg ko.   “Kahit anong pag-alay at pagpuri ay hindi kayo pagpapalain ng diyos na sinasamba niyo—”   “Manahimik ka!” Iniangat niya ang balisong na hawak niya at buong pwersa iyong ipinadaan sa leeg ko. Tanaw ko ang pagtalsik ng maraming dugo sa suot niya at pag-agos ng dugo sa katawan ko. Nakita ko rin na dinilaan niya ang kutsilyo at sinipa ako dahilan para mapahiga ako sa lupa.   “Jean!” Sigaw ni Gelo nakahiga ko siyang tinignan baliktad na ang paningin ko sa kaniya pero sinubukan ko pa rin siyang ngitian.   Tumakas ka, paki-usap. Bigyan mo kami ng hustisya.   “Ang Diyos niyo at diyos namin ay magkaiba. Huwag na huwag mong kukwestyonin ang paniniwala naming.” Sigaw ng matanda. Napapikit ako nang itakin ang binti ko. Hindi ko na kaya.   “Jean! T-Tama na paki-usap!” Huling salitang narinig ko bago ako nawalan ng malay. Hindi ko manlang nasabi sa pamilya ko kung gaano ko sila kamahal ganon rin sa mga kaibigan ko. Lahat ng sakit, lahat ng kawalan, lahat ng ito ay napagdaan namin dahil sa paniniwalang gagaling ang aming kaibigan na si Clara.   Lahat ng ito ay para kay Clara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD