Clara’s point of view
“Anak bangon na.” Rinig kong sabi ni mama. Idinilat ko ang mga mata ko. Nakapikit lang ako pero kanina pa gising ang diwa ko. Nginitian ako ni mama. “Ayos na ba ang pakiramdam mo?”
“Opo mama.” Bumangon ako at sumunod sa kanya. Ilang linggo na ang lumipas simula nang mawala ang lima, ilang pulis na rin ang nag punta rito at sinasabi naman namin na nag punta sila rito, pero nakauwi pa rin sila ng safe sa kanilang mga tirahan. Maging ang magulang nila ay alam na nakauwi silang ligtas. Tanging alam lang nila ay mag hhicking ang magkakaibigan. Itinanong rin kung bakit hindi ako kasama at ang dahilan ay may malala akong karamdaman.
“Anak.” Nilingon ko si mama sa pagkakayuko at nginitian niya naman ako. “Alam kong malungkot. Huwag mo nalang masyadong isipin.” Tinanguan ko si mama at humingang malalim.
Wala naman akong choice, kakayanin ko ito.
Pagtapos kumain at bumalik na ako sa kwarto para maligo at mag ayos. Habang sinusuot ko ang bago kong uniporme ay bumalik sakin ang mga alala na meron ako sa kanilang lima.
FLASHBACK
“Good morning everyone! Im Clara Vicente, im 17 years old.” Maligayang bati ko sa harap ng aking mga kamag-aral. Grade 12 na ako at kakalipat ko lang ng eskwelahan.
“Thank you, Ms. Vicente. Since magkakakilaal na naman ang iba sa inyo dahil magkakaklase na kayo last school year ay hindi na natin need pa mag introduce sa harap, just wear you name tags para makilala kayo ni Ms. Vicente.” Naghanap ako ng maaring upuan at isa nalang ang bakante sa pinaka likod iyon. Merong anim na upuan sa likod at meron nang nakaupo sa limang upuan. Umupo ako sa tabi ng isang lalaki. Tumingin ako sa kanila at dinungaw naman ako ng dalawang babae.
“Hi im Yssa!” Masaya at masigang sabi ng babae.
“Im Cheska! Call me ganda for short nalang.” Biro niya at mahinang tinulak naman siya nung Yssa. Nagtawanan sila at muling humarap sa guro. Natawa naman ako sa inasta nila.
“Im Gelo.” Sabi ng katabi kong lalaki at inabot ang kamay. Nakangiti ko naming tinanggap iyon.
“Clara.” Nakangiti kong sagot.
“That’s Gian, the quiet one, katabi ko si Jean, heart throb.” Bulong niya sakin dahil nag simula nang magsalita ang guro. Hindi ko na siya sinagot at nginitian nalang.
END OF FLASHBACK
Matapos kong magbihis ay nagpaalam na ako kay mama. Sana ay hindi ako mabully this school year. Wala na akong taga pagtanggol. Madalas akong mabully noong grade 12 ako at si Yssa at Cheska ang parating nagtatanggol sa akin. Nakakatuwa na madalas nila akong isinasama sa grupo nila. Kung saan saan kami nakagala at kumain. Tinuring nila akong tunay na kaibigan nila, para matagal na nila akong kilala.
Sumakay ako sa tricycle at mamasahe lang ako ngayon dahil wala na si Gian at Yssa na madalas akong daanan dahil madadaanan naman nila ako papasok ng school. Nakakatuwa na parati silang nadyan para sakin. Sa loob ng sampung buwan ay naging masaya ako sa buhay ko dahil sa kanila.
Nang makarating ako sa unibersidad ay napangiti ako, plano naming anim na dito sa unibersidad na ito pumasok. Ang sabi nila ay matagal na nilang planong magkakaibigan iyon at isinama nila ako, nakalulungkot lang isipin na ako nalang ang makagagawa non. Nakalulungkot isipin na ang huing kita ko sa kanila ay noong may sakit pa ako, halos limang buwan na ang lumipas, hindi ko pa rin naririnig ang malalakas na tawa nila.
FLASHBACK
“Ano Clara?! Transferee ka lang dito. I hope you are forgetting na you have no rights para magpacute sa boyfriend ko!” Napapikit ako at inabangan ang paglapat ng mga palad nya sa pisngi ko pero walang lumapat.
“Are you okey?” Napadilat ako at nakita si Cheska na nakaharang sa harapan ko, nilingon ko ang mga babaeng nangbubully sakin at nakita ko si Yssa na hawak hawak ang pulsuhan niya.
“Oh come on, Amanda. We all know that you are a slut. Loosing one guys was not a lost to you.” Sabi ni Yssa at ibinato ang kamay ko.
“Amanda stop it. That’s Yssa.” Sabi ng dalawang kasama ni Amanda sa likod.
“Laging epal.” Sabi ni Amanada at tinalikuran kami. “If I know pinaplastic lang nila si Clara.”
“Our group does support trash, kaya nga hindi ka naming niwelcome diba.” Natatawang sabi ni Yssa. “And, Amanda, please stop flirting with our boys. Hindi sila interesado sa bobo.”
“Yssa shh. Wag mo englishin masyado.” Sabi ni Cheska sabay tawa. “Lalaban ka. Para matalo si Amanda englishin mo.” Sabi nya sakin at tinulungan tumayo. Sabay-sabay kaming lumabas sa restroom at isinama naman nila ako. Papunta kami sa tatlong lalaking lagi nila kasama, nakaupo sa bleachers sa court. Nandoon din sila Amanda at mga kaibigan niya.
“Ah hindi na ako sasama. Sa canteen na ako maglal—”
“Hey guys!” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Cheska. Nilingon nila kami at napairap naman si Amanda.
“What is she doing here?” Inarte niya at humawag sa braso ni Jean.
“Jean naiinis na ko.” Nakangiting sabi ni Cheska. Hinila ni Jean ang braso nya.
“She’s our friend—”
“And you are not our friends.” Mataray na sabi ni Cheska.
“So, leave.” Nakangiting sabi ni Yssa. Napatingin ako kay Amanda nan aka puppy eyes sa mga lalaki.
“You heard her. Leave.” Hindi lumilingon na sabi ni Gian. Padabog na umalis ang tatlo na ikinatawa ni Cheska at Yssa. Nagapir pa silang dalawa sa harap ko.
“From now on sasama ka na palagi samin.” Sabi ni Yssa at inakbayan ako. “Kilala mo na naman sila so no need to introduce pa. Dito kami nag tatambay pagbreak time, diet kasi kami ni Cheska kaya hindi pwede sa canteen, waley sila magagawa kasi under sila.” Pinaupo nila ako at nagkuwentuhan naman kami.
END OF FLASHBACK
Dahil maaga naman akong nakarating sa unibersidad ay naisipan kong maglibot libot. Masyadong hiwahiwalay ang buildings dito at sa main building naman ang classroom ko, regular student ako kaya sa tuwing PE lang ako lilipat ng classroom. Hinihiling ko lang ay makahanap ng magiging kaibigan tulad nila Gelo.
“Ah.” Angil ko nang mataman ako ng isang studyante ni hindi manlang siya nag sorry at nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, napairap nalang ako pinulot ang libro ko. Matapos ko maglibot at pumunta ako ng restroom para mag ayos.
Kinapa ko ang bag ko para kumuha ng suklay pero nakuha ko ay ang wallet na binigay ni Gelo sakin. Binigay niya ito noong pasko, actually lahat sila ay may dalang mga regalo sa isa’t isa ako lang ang walang dala. SInabi nila na ganon sila kada pasko. PInangakuan ko naman silang babawi ako.
Pero hindi na ako makakabawi.
FLASHBACK
“Oh tuloy ka Gelo.” RInig kong sabi ni mama. “Nandyan si Clara, pasok ka lang.” Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon.
“Kamusta ka?” Tanong ni Gelo. Nginitian ko siya. Dalawang araw na akong hindi nakakapasok at si Gelo naman ay tuwing gabi nagpupunta dito ngayon ay naka uniporme pa siya pero kahapon ay naka bihis na siya ng pambahay. “Guys are really worried about you. I hope you’ll get well soon.” Sandali pa kami nag-usap bago siya magpaalam. Rinig ko naman dito ang pag-uusap nila ni mama.
“UUwi ka na bai ho? Dito ka na mag dinner.”
“Hindi na po tita baka hinahanap na ako ni Mama.”
“Ah ganon ba. Si Clara kasi ay nahihirapan din kumain dahil sa sakit niya.”
“Ano po bang sakit niya?”
“Hindi masabi ng doctor sa amin.” Kulot ang boses na sabi ni mama alam kong pinipigilan niya ang luha niya.
“Sana po ay may magawa kami.”
“Balak namin ni Clara umalis dito at dalhin siya sa tuktok ng bundok ng Sta. Maria. Naniniwala kasi akong mayroong nagmimilagrong simbahan doon.” Umiiyak na sabi ni mama. “Kaso masyado siyang mahina. Ang masakit pa ron ay hindi ko alam kung pano lalakas ang anak ko.”
“Nandito pa ho kami tita. Tutulungan po namin kayo.”
“Talaga iho?”
“Opo mabait na kaibigan si Clara. Kung pagpunta doon ay makakatulong sa kaniya.”
“Nako, huwag na kami nalang ni Clara ang bahala iho.”
“No, it’s fine tita. Kailangan niya po magpalakas.” Tuluyan nang nagpaalam si Gelo. Narinig ko naman ang yabag ng mga opaa ni mama papunta sa kwarto.
“Inumin mo it.”
“Ulit ma?”
“Oo kailangan magmukha kang mahina kung muling babalik si Gelo bukas.”
“Ma, nanghihina na ako lalo ngayon.” Tinignan ako ng masama ni mama kaya wala akong nagawa kundi ang inumin ang gginawa niyang gamot na nakalagay sa bote. Inubos ko ang laman niyon.
“Mahusay, taon taon tayong nakakapagdala ng grupo sa tribo, nasisiguro kong matutuwa sila dahil ang ngayon ay busilak ang mga puso.” Pilit na nginitian ko si mama.
“They are my friends ma—”
“at pamilya mo kami, Clara. Baka nakalilimutan mong may sala ang ama mo sa kulto, kailangan nating gawin ito.”
“Pwede namang ibang tao nalang, sila lang ang naging totoo sakin ma.”
“Wala nang oras, Clara. Pasensya ka na.” Nakalulungkot mang-isipin ay alam ko na hindi ko na muling makikita ang mga kaibigan ko. Simula nang tumakas si papa sa kulto at sumama sa ordinaryong tao ay pinalayas kami sa kulto, kailangan naming mag-alay ng tao kada taon. Palipat ako ng eskuwelahan at naghahanap ng maaaring isama doon, ngayon taon lang ako hindi sasama at hahayaan silang umalis. Pinlano namin ni mama na painumin ako ng gamot para magkasakit at siya rin ang nag text ay gelo na hindi ako makkapasok dahil masama ang pakiramdam ko gamit ang number ko.
END OF FLASHBACK
Ngayong taon panibagong paaralan panibagong tao ang kailangan kong madala sa bundok. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang ginagawa namin pero kailangan naming gawin iyon. Pumasok na ako sa classroom, medyo late na ako masyado akong nag enjoy sa paglilibot ng unibersidad at hindi ko namaayan ang oras.
“Good morning sir, sorry im late.” Sabi ko sa guro.
“Come in and introduce yourself.” Pumunta ako sa harap at ngumiti sa harap ng mga kaklase ko. Just like before. Inilibot ko ang paningin ko at tingin palang ay alam ko na kung sino ang maiaalay naming.
“Good morning everyone. My name is Clara Vicente, 18 years old.”
WAKAS
Salamat sa sumuporta sa kwento kong ito! You can also read my stories on w*****d @Simplyss4!