Chapter 9: WALANG MATITIRA

1524 Words
Gelo’s Point of view   Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Cheska nung araw na yon, para bang kinokontrol ang pag-iisip niya at nasabi nya sa akin ang mga salitang iyon. Sa pagsasalo-salong iyon ko lang muling nakita si Yssa hindi ko alam kung saan siya dinala, hindi ako nakatulog sa pag-aalala at baka mapano sya. Ngayon ay kasama kong muli siya sa silid. Naki-usap ako at humingi ng maaring gamitin panglinis sa mga sugat niya at binigyan naman ako ni Mariel.    “P-Pasensya ka na sa nangyari sa kanya.” Hindi ko sya sinagot o kahit tinignan manlang, patuloy lang ako sa paglinis sa sugat ni Yssa na walang malay. Dinala siya ritong walang malay at sobrang init.   “Kailangan naming umalis dito. Hindi na maayos ang lagay ni Yssa.”   “T-Tutulungan ko kayo, pero hindi natin maaaring isama ang reyna.” Napatingin ako sa kanya, sa palagay ko’y hindi na rin talaga aalis pa si Cheska dito. “Bihag siya ng diyos namin. Bawat naka-upong tumutungtong ang edad sa sisenta ay iaalay ang kanilang buhay sa panginoon.”   “Bakit hindi nalang tega dito ang kunin bakit ibang tao pa?”   “Para lumaki at lumawak ang relihiyon namin. Merong tatlong namumuno sa lugar na ito ang reyna ang hari at ang pangulo. Ang reyna ay ang kaibigan mo, ang hari ay si Tasyo at ang pangulo ay si Sora—”   “S-Sya ba yung matandang parating nagpupunta rito?” Tinanguan niya naman ako.   “Siya ang namamahala sa lahat, ang ginawa lang ng hari at reyna ay magparami at gumawa ng batas. Ang pangulo ay nagtataglay ng kakaibgan kapangyarihan na kayang kontrolin ang isang tao, katulad ng ginawa niya kay Cheska. Maging siya ay mapapalitan narin sa isang taon.”   “S-Sinong papalit?” Itinaas niya ang balikat niya.   “Kung sino ang may potential na mapapadpad dito.” Napakunot ang noo, maaaring papatayin nila ang bawat grupon iyon kung wala silang makitang potential. “Ilang magkakaibigan na ang napadpad dito, tanging ang grupo niyo lamang ang may kakaibang epekto sa amin. Ang bawat isa sa inyo ay may puro at tapat na pagmamahal sa bawat isa, at ayun ang hinahanap namin sa isang mamumuno.”   “B-Bakit hindi si Yssa?”   “Dahil hindi na siya birhen. Sa iyong palagay bakit buhay pa siya ngayon? Kung walang nakita ang pangulo sa kaniya ay matagal na siyang pinaslang.”   “Patakasin niyo nalang kami.”   “Ayun ang balak ko, kahit mali. Lahat ng nakakapasok dito ay hindi na nakakalabas pa, kahit kami na miyembro ng samahan.”   “B-Bakit?”   “Wala masyiadong pagkain dito, Gelo at alam kong alam mo kung ano o sino ang pinapakain naming sa inyo.” Natahimik ako sa sinabi niya, kung hindi kami makakaalis ni Yssa dito ay maaaring kainin din kami ng mga hayop na ito. “Iiwan kong bukas ang pinto, ako na rin ang bahala sa mga bantay.” Tinalikuran nya ako. “Nakalimutan kong sabihin. Meron pang isang tao ang nakakalabas sa lugar na ito, at siya ang dahilan kung bakit meron pumupunta dito. Magiingat kayo sa kaniya kung sakaling makaalis kayo.” Nang lumabas siya ay hindi ko narinig ang pagkandado niya sa pinto kaya sumunod ako at idinikit ang tenga ko sa pinto. “Pinapatawag kayo ng pangulo.” Dinig kong sabi niya. Ang susunod na pag-uusap nila ay hindi ko na naintindihan. Ilang Segundo ang lumipas bago ko narinig ang yabag ng paa nila papalayo sa amin. Dali dali akong lumapit kay Yssa.   “Yssa wake up.” Gising ko sa kanya, dahan dahan niyang naidilat ang mata nya “Tatakas tayo.” Buong lakas naman siyang napaupo. Napangiti naman ako dahil napakalakas niyang tao. Dahan dahan kami lumabas ng pinto at marahang tumkbo papunta sa gubat.   “Kaya natin to Gelo.” Sabi nya habang tumatakbo, bakas sa mukha niya ang hirap at pagod pero sinasabayan niya parin ang pagtakbo ko.   “Yssa!” Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses.   “Yssa wag ka na lumingon—"   “Cheska!” SIgaw ni Yssa habang nakatingin kay Cheska na sakal sakal ng matanda habang may nakatutok na kutsilyo sa leeg. “Pakiusap huwag nyo syang sasaktan.” Umiiyak na sabi ni Yssa.   “Gelo, Yssa please don’t leave me here.” Umiiyak na sabi ni Cheska.   “Yssa let’s go. Hindi na sya yung Cheska na kaibigan natin.”   “Ano ka ba, Gelo?!” Sigaw nya at dahan dahang lumapit sa kanila. “Ako nalang, let my friends go.”   “I want to go home with you Yssa.”   “Yes Cheska, calm down and breathe please.” Sabi ni Yssa. Umiling ako at binuhat si Yssa palayo. “Gelo! Wait! What are you doing?!” Sigaw niya pero hindi ko siya pinansin at patuloy parin sa pagtakbo habang buhat buhat siya.   “Yssa stop please.” Sabi ko habang patuloy pa rin ang pagtakbo.   “Pagsisisihan mo ito Gelo.” Sigaw ni Cheska.   “Ah.” Dinig kong Singhal ni Yssa sabay ang pagbagsak niya sa balikat ko.   “Yssa…” Tawag ko pero hindi na sya lumilingon.   “Pinapili kita Gelo.” Nilingon ko si Cheska na ngayon ay nakatayo na habang ang matandang may hawak sa kaniya ay may hawak nang palaso na direktang nakatutok kay Yssa.   Hindi. Pano mo nagawa ito samin, Cheska?”   Dahandahan ko ibinaba si Yssa sa mgahita ko. Sumakto ang pana sa batok niya na tumagos sa leeg niya. Nanlamig ang buong katawan ko nang kapain ko ang pulsuhan niya, wala na si Yssa.   “Pano mo nagawa samin to Cheska? Si Y-Yssa to.” Umiiyak kong tanong kay Cheska nginitian niya naman ako at biglang ring nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Napalitan iyon ng galit at sakit na ikinakunot ng noo ko.   “Kunin nyo na sya.” Sinabi niya nang hindi tumitingin sakin. Parang nanghina ang buong katawan ko sa nangyari, hindi ko na kayang lumaban pa. Hinawakan ako ng dalawang lalaki habang ang isa ay buhat buhat si Yssa. Nakatitig lang ako sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na lima kaming magkakaibigan ang nag punta rito ngayon ay Nawala na parang bula. Napaka dali para sa kanila ang pumaslang ng tao.   Ilang buwan ang lumipas at hindi na ako nagsubok pang lumaban sa kanila, sa palagay ko’y dito na rin ako titira. Tinubuan narin ako ng bigote sa aking mukha at humaba na ang akin buhok. Hindi ko na nakikita pa si Cheska malamang ay ineenjoy nya na ang kanyang trono. Araw araw naman nila akong pinapakain, na sa palagay ko ay tao, pero kanin lang ang kinakain ko pantawid gutom. Nakakulong pa rin ako sa isang bahay, sabi nila ay dito rin titira si Mariel dahil magkakaanak kami pero maging siya ay hindi ko nakikita. HUmiga ako sa higaan at ipinikit ang aking mga mata.   Hinahanap na kaya kami saamin? SIguro. Pero masyadong malayo ang narating naming at ang tangging paalam ko lang ay mag hhicking kami, hindi ko naman alam na aabot sa ganito.   Napapikit ako nang bumukas ang pinto ganito ako, madalas nagpapanggap na tulog kada papasok sila. Naramdaman ko ang pag upo ng taong iyon sa tabi ko.   “Im sorry.” Pamilyar ang boses niya kaya idinilat ko ang mga mata ko. “Yssa was suffering from a lot of pain.” Sabi nya habang umiiyak at hindi nakatingin sakin. “It was not my order to kill her, I would never do that. I love her more that anyone of us do. I had no choice, we couldn’t save her. Im really sorry.” Sabi ni Cheska at humagulgol. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, mas nasasaktan ako dahil hinyaan niyang bawiin ang buhay ni Yssa pero tama rin naman siya, wala kaming magagawa. Lahat kami ay ayaw mamatay, nais lang naming hilingin ang kagalingan ni Clara.   Nilapitan ko si Cheska at niyakap siya. “Shh. Walang may gustong mangyari ito.”   “Igaganti ko sila Gelo.” Hindi ko na siya sinagot at niyakap nalang siya. Napalayo ako sa kaniya nang pumasok ang matanda sa bahay. Ngumisi siya at tinignan ako. Tumawa siya.   “Mukhang hindi nagbunga ang pagtatalik ninyo ni Mariel.” Sabi niya na ikinalaki ng mata ko, ang ibigsabihin non ay wala na silang dahilan para panatiliin akong buhay. Nagsalita siya sa hindi ko maintindihang lengwahe saby naman lumapit ang dalawang lalaki at hinawakan ako.   “Teka.” HUmarang si Cheska sa harap naming pero wala rin siyang nagawa. Mas mataas ang posisyon ng Pangulo sa kaniya. DInala nila ako sa kawayang krus, pumalag ako pero malakas nilang hinampas ang ulo ko na ikinatumba ko. Nakaramdam ako ng matinding hilo kaya mas madali na para sa kanila ang itali ako sa kawayang krus. “Gelo—bitiwan nyo ako!” Sigaw ni Cheska habang pumapalag sa mga nakahawak sa kaniya. Inilibot ko ang paingin ko at nakita si Mariel na umiiyak habang nakahawak sa kaniyang bibig.   “Hindi nagbunga ang pagtatalik nyo ni Mariel, wala nang sapat pang rason para panatiliin ka rito sa lugar naming—”   “Palayain nalang siya!” Malaks na sigaw ni Cheska nilingon naman siya ng matanda.   “At sa tingin mob a mahal na Reyna ay pinahihintulutan ng batas iyon?”   “Gagawa ako ng bat—”   “Manahimik ka! Alam mon a bawal magtanggal ng batas na nakasaad na!”   “Wag niyo syang gagalawin paki-usap.” Umiiyak na sabi ni Cheska   “Patawad mahal na reyna. Ang batas ay batas, binigyan natin sya ng pagkakataong maging miyembro pero hindi siya pinagpala.” Sabi niya habang itinataas ang hawak niyang balisong, itinaas niya iyon at parang bumagal ang pag galaw at ang oras, nakita ko ang matinding pagpupumiglas ni Cheska habang umiiyak, sabay ang hapdi na naramdaman ko nang dumaan ang balisong sa leeg ko. SUmrit nag dugo sa matanda at unti-unting nagdilim ang paningin ko. "Walang matitira sa inyo, iho." Dinig ko pang bulong ng matanda sabay ang malaks niyang pagtawa.   Patawad. Patawarin niyo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD