Chapter 8: CHESKA

2268 Words
Gelo’s point of view   Nagising ako sa mahimbing napagtulog ko. Madilim pa sa paligid nasisiguro kong gabi pa. Tinanaw ko si Yssa na nakahiga rin sa gilid ng bahay. Nakapulupot siya parang kawawang aso at nanginginig pa. Naagaw ang atensyon ko ng dahan dahan na pagbukas ng pinto, pumasok ang babae na nakasama ko kanina at lumapi siya sakin.   “Gelo.”   “A-Anong ginagawa mo rito?” Lumayo ako sa kanya nang maalala ang mga ginawa naming kanina. Hindi ko malaman sa sarili ko ung paano ko nagawa ang bagay na iyon. “Lumayo ka sakin.” Mariing sabi ko.   “Itatakas na kita, gelo.”   “Hindi ko iiwan ang mga kaibigan ko!”   “Hindi na sila makaaalis dito Gelo. Ikaw lang ang maaring makatakas. Ama ka ng magiging anak natin!”   “G-Gelo… Sino siya?” Napatingin ako kay Yssa na nakaupo at nakatingin sa babae. “Isa ka rin bas a mga hayop na yon?!” Sabi niya. Tumayo siya at walang anu-ano’y sinabunutan ang babae. Hinayaan ko lang siya. Tumigil si Yssa habang hawak pa rin ang buhok ng babae at sinipa ito sa tyan dahilan para mapatalsik ito sa pader na naglikha ng malakas na ingay. Pumasok ang matanda sa loob kasama ang dalawang lalaki.   “Mariel!” Sigaw niya at inalalayang tumayo ang babae. “Wala kayong Karapatan saktan ang miyembro ng kultong ito.”   “Tangina nyo! Mas wala kayong Karapatan!” Umiiyak at galit nag alit na sigaw ni Yssa. Parang Nawala lahat ng takot na nararamdaman niya. Lumapit ako sa kaniya para pakalmahin siya. Humarang ako sa harap niya at hinarap ang mga tao.   “Kunin siya.” Sabi ng matanda na deretsong nakatingin ng masama kay Yssa   “Hindi!” Sabi ko at humarang sa kanila.   “No Gelo! Let them! If I die at least I know I will not rot in hell, unlike you guys. MAbubulok kayo sa impyerno!” Sigaw niya. “Tumabi ka Gelo!” Hindi ako umalis sa harap ni Yssa at lumuhod sa harap nila.   “Kahit paulit-ulit ho akong maki-usap sa inyo, wag nyo lang pong kunin ang mga kaibigan ko sakin.”   “Ano ka ba gelo! Kahit anong paki-usap mo sa mga demonyong iyan walang magagawa. Pinatay nila si Jean at Gian ang dapat nating gawin ay lumaban.” Sabi ni Yssa. Nilapitan siya ng isang lalaki at hinawakan. Hindi pumalag si Yssa sa lalaki kaya nilapitan ko siya.   “Bitiwan nyo siya!” Sabi ko pilit na inaagaw ni Yssa na napapapikit sa tuwing mahahawakan ang mga sugat niya. “A-Ako nalang. Pakiusap!” Akmang lalapitan na sana ako ng lalaki nang humarang ang babaeng tinawag nilang Mariel at umiling sa harap ng lalaki. Napasinghap siya at bumaling kay Yssa na tuluyan na nilang nailabas ng silid na iyon. Nilingon ako ng babae at hinawakan sa pisngi.   “Dahil sa nangyari satin ay hindi ka nila maaring saktan.” Malambing na sabi niya na agad kinataas ng mga balahibo ko. Wala ako sa wisyo nang mangyari iyon nasisiguro kong hindi ko gusting mangyari iyon. “Tutulungan kitang makaalis dito wag kang mag-alala.” Iniwas ko ang mukha ko sa mga kamay nya. Tumayo naman siya ng maayos at lumabas sa kwarto. Hanggang ngayon ay napaka walang kwenta kong kaibigan. Wala manlang akong nagawa para mailigtas ang mga kaibigan ko. Napayuko ako sa mga tuhod ko at hindi na napigilan ang mga luhang kanina pa nais kumawala sa mga mata ko.       Cheska’s point of view   Alam ko na maraming araw ang lumipas nang araw na ihiwalay nila ako sa mga kaibigan ko. Kamusta na kaya sila? Sana ay maayos lang ang lagay nila. HInihiling ko na sana tratuhin nila ang mga kaibigan ko gaya ng pagtrato nila saakin. Pag pasok ko sa kwartong iyon nung araw na kunin nila ako ay binihisan nila ako, hinayaan nila akong linisin ang aking sarili, ginamit nila ang mga sugat ko, may pinainom silang gamot saakin para mamanhid ang sugat at pinakain ng masasarap na pagkain. Malambot na kama rin ang tinutulugan ko. Dahil sa mga iyon ay nabawasan ang pag-aalala ko sa mga kaibigan ko. Nasisiguro kong ganito rin ang dinaranas nila.   “Kain na ho kayo.” Napatingin ako kay Mariel na pumasok sa kwarto ko na may dalang pagkain. Alam kong may gusto siya kay Gelo dahil naitanong niya sakin ang pangalan nito.   “B-Bakit para natagalan ata ang pagdating mo?”   “Galing ho ako sa mga kaibigan niyo. Pasensya na ho.” Yumuko siya sa harap ko.   “A-Ano ka ba, a-ayos lang. Kamusta ang mga kaibigan ko?”   “Maayos naman ang lagay nila.”   “Maari ko ba silang makita?” Nagbabakasakaling tanong ko, paulit ulit ko silang tanatanong kung maaari ko bang Makita ang mga kaibigan ko at paulit ulit din nila akong sinasagot na sa tamang panahon. Umiling ang babae at ngumiti.   “Hindi pwede e.”   “Bakit?! Ilanga raw na akong nandito, Karapatan kong Makita sila!”   “Pasensya na ho. Hindi pa ho talaga maaari.” Sabi nya at inilapag sa lamesa ang pagkaing ginawa nila. Hinabol ko siya palabs ng pinto pero naikandado na niya ito. Oo hindi nila ako sinasaktan pero para akong preso dito. Mas pipiliin kong mahirapan kasama ang mga kaibigan ko kesa ang makaramdam ng matinding pag-aalala dahil hindi ko malaman kung ano ang nangyayari sa kanila.   “Palabasin nyo ako!” Sigaw ko at hinampas-hampas ang pinto. Mahigit sampung minute na akong kumakatok sa pinto ngunit wala paring nagbubukas nito. Dati kasi ay hinahayaan nila akong makalabas hindi lang ako makatakas dahil napakarami kong bantay. Hindi ko rin matanaw ang mga kaibigan ko sa paligid. Para bang nasa ibang lugar na ako. “Pakiusap buksan niyo an—”   Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang pumasok ang matandang babae na nagdala sakin rito kasunod niyang pumasok ay si Yssa nap unit punit ang damit at naparaming sugat. Meron din siyang hiwa sa pisngi ng kagaya sakin kaso ang kaniya ay namamaga at halatang napabayaan ang akin ay niliinis nila. Dali dali akong napalapit sa kaniya nang ibato siya sa sahig. “Yssa…” Hindi ko mapigilang maluha nang Makita siya ng malapitan. Bakas sa mata niya ang sakit nang tumingin siya sakin.   “A-Akala ko pinatay ka na rin nila.” Umiiyak niyang sabi niya. Napakunot ang noo ko. “Sorry wala akong nagawa.”   “A-Anong ibig mong sabihin?”   “P-Pinatay nila si Gian at Jean…”   “A-Ano?” Napatingin ako sa matanda na nakangisi sa akin. “Anong ginawa niyo sa kanila?!”   “Kung ano ang dapat naming gawin.” Sabi niya at tumingin sa dalawang lalaki at tumango. “Ngayong nakita mo na ang kaibigan mo manahimik ka na.” Lumapit yung dalawang lalaki kay Yssa at hinila siya palabas.   “Sandali! Saan nyo sya dadalin?!” Sabi ko at hinabol sila pero hinarang ako ng matanda.   “Kung ayaw mong patayin naming ang natitirang kaibigan mo, isakripisyo mo ang sa iyo.” Seryosong sabi ng matanda. “Ikaw ang papalit sa reyna namin, kapalit ang Kalayaan ni Gelo at Yssa.”   “Sige.” Matapang na sagot. Hindi na ako nag dalawang isip pa kailangan madala si Yssa sa hospital sa kalagayan niya. “Nais ko munang magpaalam sa kanilang dalawa.” Ngumiti ang matanda.   “Sa susunod na araw ang pagpanaw ng aming reyna.”   “Pano nyo naman na siguro ang araw ng pagpanaw ng—” Hindi na nila pinatapos ang sasabihin ko lumabas sila ng pinto at muling isinara iyon. Lumipas ang dalawang gabi na nakakulong lang ako sa silid na iyon dinadalhan ako ng pagkain pero hindi ko rin naman nakakain dahil sa matinfding pag-aalala na nararamdaman ko para sa mga kaibigan ko. Hindi rin ako nakakatulog ng maayos dahil sa kaiiyak, hindi ako makapaniwalang wala na si Jean at Gian. Bakit ba ito nangyayari samin? Pinunasan ko ang mga luha ko at naupo sa upuan malapit sa bintana. Ang tanging tanaw ko lang ay mga puno at kalangitan. Nasisiguro kong nasa taas pa rin ako ng bundok dahil malapit saamin ang ulap. Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon.   “Oras na.” Sabi ng matanda at ibunuka ang pinto sunod sunod na pumasok ang mga babaeng may dalang kung ano ano. PInatayo nila ako at hinubaran.   “T-Teka…” Sabi ko pero hindi sila tumitigil. Pinasuot nila ako ng mahabang bestidang puti at puti na sapatos. Nilagyan nila ng kaunting koloreta ang mukha ko. Maging ang buhok ko ay inilugay nila.   “Isuot mo to.” Naagaw ang atensyon ko ng kakaibang korona na gawa sa mga tuyong sanga ng dahoon at mga tuyong bulaklak. Kinuha ko iyon at ipinatong sa ulo ko. Nginitian nila ako inalalayan palabas. “Huwag mong isayad sa lupa ang iyong damit.” Iniangat ko ang damit ko at lumingon sa kanya. “Napaka ganda mo.”   “S-Salamat. Nasaan sila Yssa?” Sabi ko sa kaniya.   “Naroon sila sa lugar ng pagsasakripisyo.” Hindi ko na siya sinagot at naglakad nalang. Masaya ako na makaklaya na ang mga kaibigan ko. Kahit maiwan ako rito ang mahalaga ay ligtas sila. Nakarating kami sa malawak na lugar, nakaayos ang malaking dalawang lamesa sa gitna at lahat ay nakatingin sa akin. Inilibot ko ang paningin ko at agad hinanap sila Gelo at Ysaa. Natanaw ko si Gelo na nakaputi at naka-upo sa gitna ng lamesa. Dalian akog tumakbo sa kaniya at niyakap siya.   “C-Cheska…” Sabi niya at niyakap ako pabalik. “Akala ko may masama na silang ginawa sayo.” Umiling ako at lumayo sa kanya.   “Si Yssa?” Tanong ko at lumingon naman siya sa likod ko. Natanaw ko si Yssa na nakatali sa malaking kawayang krus, kung ano ang itsura niya nung nakaraan ay ganon pa rin hanggang ngayon. Iniaangat ni Yssa ang ulo nya at nginitian kami ni Gelo. “B-Bakit siya nandyan—” Hindi ko natuloy ang itatanong ko nang may marinig ako pag kampana. Nilingon ko iyon at nakakita ako ng matandang babae na nakaupo sa malaking upuang may gulong tinutulak siya ng mga lalaking nakaitim papunta sa amin. Nag sitayuan naman ang mga nakaupo sa lamesa. Nilapitan ako ng dalawang babae at dinala papalapit sa matanda. Ngayon ay nakaharap kaming dalawa sa maraming tao.   “Ikinagagalak kong Makita kayong lahat dito.” Sabi niya. “Ngayon ay ang aking kaarawan at ang aking huling araw sa mundong ito. Napakalaking pasasalamat ko at napaglingkuran ko kayo at ang diyos. Ngayong sisenta na ako ay buong puso kong iaalay ang aking buhay para mas tumibay at mas lumaki pa ang pag sasamahan na ito!” Nagsipagpalakpakan ang mga tao at tumayo naman ang matanda. Lumapit siya sa malaking puno, doon ko lang napansin na may tali pala sa taas non na nakasabit sa tangkay ng puno. Merong pabilog na buhol iyon sa dulo at sa itsura palang ay alam ko na ang gagawin niya. Hindi ko alam kung nais ko bang panoorin ang gagawin niyang iyon.   Inilagay nila sa ulo nya ang tali at ngumiti sa aming lahat. Pinalakpakan naman siya ng mga tao nang dahan-dahan siyang umangat. Hinihila ng dalawang lalaki ang tali sa kabilang parte ng puno. Tinanaw ko ang matanda na nakakuyom ang kamao at nanginginig. Alam kong pinipigilan nya ang sarili niyang pumalag sa pagkakasakal ng tali sa kaniya. Mas lumakas ang palakpakan at hiyawan ng mga tao nang mangisay ang matanda. Iniwas ko ang paningin ko at hindi ko napigilang maiyak.   Bakit nila ginagawa ito?   Lumipas ang ilang minute ay natahimik na sila at muling nag siupoan. Nilingon ko ang matanda at hindi na siya gumagalaw, namumutla rin ang ulo nya at nakadilat ang mga mata. Anong klase ba ang kanilang paniniwala at kailangan niyang gawin ito?   “Simula ngayon araw magkakaroon na tayo ng bagong reyna! Ipinadala siya sa atin ng diyos!” Sigaw ng matandang babae at nilingyon ako. Inalalayan ako ng dalawang babae paupo sa kaniang inuupuan ng matandang reyna. “Magbigay galang tayo.” Sabi niya at ibinaba ang kaniyang ulo. Ganon rin ang ginawa ng iba. Nagpalakpakan silang lahat. Naagaw ng atensyon naming si Yssa n amalakas na tumatawa.   “Hahaha!” Malakas na tawa niya na ikinangiti ko. “Mga baliw.”  Sabi nya at natawa rin ako. Nilingon ko si Gelo na nakayuko rin at nagpipigil ng tawa. Kahit bakas ang hirap sa mukha niya ay sinusubukan niya pa rin lumaban. Nagsikain sila maliban kay Yssa kaya hindi rin ako makakain iniisip ko lang ang lagay niya.   “Sabi niyo palalayain niya ang kaibigan ko kung papaya akong maging reyna.” Nilapitan ko ang matandang babae. Ngumti siya at tumayo.   “Oras na para koronahan ang bagong reyna!” Muling nagtayuan ang mga tao at pinaupo akong muli sa trono ko. Inalis nila sa ulo ko ang korona na inilagay kanina at pinalitan iyon ng korona na gawa sa alambre, maaaring masugatan ang ulo ko. “Huwag kang gagalaw kung ayaw mong mamatay ang mga kaibigan mo.”  Tumango ako sa ibinulong ng matanda.   Napapikit ako nang ibaon niya sa ulo ko ang koronang tinik na iyon. Ramdam ko ang pag tulo ng dugo sa mukha ko. Tinanaw ko si Yssa nab akas ang pag-aalala sa mukha, nginitian ko naman siya, may kung anong kakaiba akong naramdaman nang maiagay saakin ang korona, para bang ayoko na umalis sa lugar na ito.   Nagpalakpakan ang mga tao, may kung anong saya sa akin dahil pinupuro nila ako at tinuturing nila akong reyna. Tumayo ako sa inuupuan ko at itinaas ang aking kamay. “Ako ang bago ninyong reyna! Magbigay puri kayo sa akin!” Mas lumakas ang palakpakan nila. NIlingon ko si Gelo na nakakunot ang noong nakatingin sa akin, ganon rin si Yssa.   Nilapitan ko si Yssa at nginitian. “Hindi na tayo makakaalis dito Yssa. Samahan mo akong mamuna sa lugar na ito.” Nanlaki ang mata nya at nginisihan ako.   “Mag-isa ka. Patayin nyo nalang ako.” Itinaas ko ang kilay ko at nginisihan siya.   “Fine.” Sabi ko at tinalikuran siya at lumapit kay Gelo. “Mananatili na tayo rito.”   “Papatayin nila si Yssa kung hindi natin siya itatakas, Cheska.”   “At ikaw?” Napayuko siya.   “Hindi nila ako maaaring patayin kung mabubuntis ko ang isa sa kanila.” Tumango ako sa kaniya at tatalikuran n asana siya nang hilain nya ako. “Gumising ka Cheska, hawak nila ang isip mo. Tignan mo si Yssa, mas mahalaga ang pagkakaibigan natin. Huwag mong kalilimutan.” Bulong niya sakin at muling umupo. Tinanaw ko si Yssa na nakayuko. Napahawak ako sa noo ko na napuno na ng dugong tumutulo mula ulo ko.   Hindi kita maintindihan, Gelo. Pero hindi kita matutulungan san ais mong makaalis sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD