“Here,” abot nito sa jacket ko.
Padabog ko namang kinuha at isinuot sa harap niya. He was eyeing me while I stare at him deadly. Kumakabog iyong puso ko sa galit, lalo na noong naramdaman ang hapdi habang sinusuot ko naman ang panloob at shorts. Gusto kong magdabog sa totoo lang, dapat nga mahiya ako... o mahiya ito. Ngunit pareho yatang iba ang nararamdaman.
“Mauna ka,” nagpipigil na sabi ko.
Hindi ito kumilos, nakatitig lang talaga sa akin. Mas lalong nag-init ang ulo ko. Ako na ang nauna. Baka mamaya niyan pagkalabas ko e may makahuli sa amin.
Hirap na hirap akong maglakad, sobrang hapdi talaga. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko mamaya kung sakaling may makakapansin. Nanginig pa ako noong nakita si Andie na naghahanda sa kusina. Nakatalikod naman kaya kahit papa’no safe ako sa pang-uusisa.
Napapikit ako ng mariin bago naupo sa harap ng mesa, narinig sigurado ni Andie ang ingay ng pagkakahila ko noong upuan kaya napalingon ito sa akin.
I did my best to act normal but just couldn’t. Napadukdok ako sa mesa, nanginginig ang binti. At naiiyak sa hapding nararamdaman.
“Napa’no ka?”
Pinanlamigan ako, namumutla habang tinitingala si Andie na kunot ang noo. Sabi ko naman hindi ako magpapahalata pero mas lalo akong nahahalata.
“A-ano... masakit lang iyong tiyan ko.” Hinawakan ko pa iyong tiyan ko kunwari ay masakit talaga.
Nawala talaga lahat ng angas ko. Lalo na noong lumabas si Luis at nakatitig sa akin ng malalim.
“Gusto mo pahinga ka muna? May spare room diyan sa ibaba.”
Umiling ako at tinitigan ng masama si Luis na ngayon nga’y napansin na rin ni Andie. He asked Andie if he needs his help. Na inayawan ni Andie kaso makulit ito at nakikitulong kay Andie. Mas lalong sumama iyong templa ng panlasa ko sa nangyayari. Gusto ko nga sanang umiwas... hindi pa rin humuhupa iyong inis ko sa nangyari. At all place pa, dito talaga sa bahay ng pinsan ko.
“Ands, I think I should go home.”
Kabadong tawag ko sa pinsan. Tumayo na ako, at handa na talagang umalis. Hindi ako makakahinga nito, lalo na at sa iisang bahay lang kami ng damuhong ‘to.
Yes, I have mistake too... kaya lang, ano bang malay ko? Sino nga ba ang dapat kong sisihin dito?
“Hatid na kita,”
Nanigas iyong panga ko at napansin ko iyong pagtataka sa mukha ni Andie. Gusto kong mainis dito kaya lang masyado nang obvious iyon lalo na’t sa harapan pa mismo ng pinsan ko.
“O? Hatid ka na raw,” iling ni Andie nang nakita niyang paalis na ako.
Napaawang ang labi ko, mag-aalburuto sana kung hindi lang ako nagulat sa pagdaklit ng kamay ni Luis sa braso ko. Gusto kong magwala, gusto kong magsisigaw. Kaya lang mas nag-aalala ako sa sarili. Bawat bangga noong hita ko sa bawat isa mas lalong sumisidhi ang hapdi.
“Ano ba, Luis.” Bulong ko, iwinaksi ang kamay niya. Mabuti na lang at humiwalay din naman iyon.
“We’ll talk,” sabi nito sa mahinahong salita.
Sumimangot ako at sumunod din naman. Dahan-dahang paglalakad at nakatitig sa ibaba. Iniisip ko kung paano mawawala iyong hapdi.
Noong narinig ko ang boses ni Jasper, doon lang ako umayos ng tayo. Saka ko natitigan si Gretta na nakatitig ng seryoso kay Luis. At naalala ko... si Gretta ba iyon? Yong sa tingin ni Momay na nagkakagusto kay Luis?
“Balik ka kaagad,” paalala ni Jasper. Kumindat pa sa akin.
Kung normal days lang ito, siguro inirapan ko na iyong isa. Kaya lang nagkakarambolan ang isipan ko sa nangyayari. Hindi ako makapag-isip ng matino. Kahit noong nagda-drive na si Luis at sinabi nitong ihahatid ako sa loob ng subd. Sinabi kong ayaw ko muna. Sa pabalang na paraan kaya siguro ang tahimik niya kasi halata namang galit ako dito.
“Where do you want to go?” Maya’t tanong niya pagkatapos ng ilang minutong byahe.
“Bahala ka,” iritableng sabi ko rito. Tumalikod na ako saka tinitigan ang liwanag sa labas, paparami na ang mga sasakyan. Hapon na kaya ganoon.
Nagtaka na lang ako noong papasok kami sa isang subdivision. Isang oras ang layo sa amin. At nagulat pa noong papasok kami sa isang magarang bahay, mas magara pa roon sa bahay namin.
“Ano namang gagawin natin dito?” Naalarmang saway ko sa kanya.
“We’ll talk,” mahinang sabi nito at kinuha ang cellphone sa dashboard saka lumabas ng sasakyan.
Pinagbuksan pa ako sa kabilang pintuan. Na inayawan ko. Hindi ako lalabas. At wala na akong tiwala sa lalaking ito.
Natigilan din ito, hindi ko masilip iyong labas kung saan siya nakatayo. Sa lapad ba naman ng kanyang katawan. At sa dami ng tattoos niya sa braso, di malabong dumidilim dito sa bahagi ko.
“Doon lang tayo,” turo nito sa bamboo cottage na nasa isang bahagi ng bahay dito.
“We will just talk.... I can’t fu—- I mean, I have no plan doing the same thing with you right now. I know you’re in pain and I am not an evil to cause you more pain.”
Kumunot ang noo ko, instinct yata ang kumilos at binigyan ko siya ng sapak sa mukha na hindi niya naman yata ininda. Kung kanina naiiyak ako sa sobrang inis, ngayon umaatras iyong luhang gusto kong ibuhos kanina pa.
“Let’s talk,” turo nito ulit.
Umiling ako, manigas siya riyan! Hindi ako lalabas. At kung patigasan lang naman, nuncang patalo ako roon.
“Okay, then I’ll be good here.” Idinantay nito ang braso sa itaas ng sasakyan. Namilog tuloy ang mga mata ko noong nakita ang mga tattoo sa loob ng kanyang braso. Paikot iyon. Mas maraming character.
“I’ll be your boyfriend from now on, I’m taking the responsibility.”
Umismid ako. Hindi umimik. Dapat lang naman siguro.
“Galit ka pa rin?” Nagtatakang tanong nito.
Napa-huh ako sa tanong nito! Ganoon na lang? Pagkatapos niyang kunin, gano’n na lang? What on earth—
“Galit ka pa rin. Big deal ba iyong ginawa natin?” Puno ng pagtataka iyong mukha niya.
Ako naman nagulat at sinapak ito ulit. Na hindi niya naman gaanong pinapansin.
“Gago ka ba?! Ganoon lang?” Sigaw ko sa mukha nito. Gusto ko siyang kainin ng buo.
Mas lalong kumunot ang noo nito. Marahil nagtataka. O nagtataka talaga basi na rin sa obserbasyon ko.
Does he know what important thing he took from me? Baka gusto niyang isampal ko sa mukha niya.
“Gago, hindi ticket sa pagiging magkarelasyon iyong virginity ko!”
Napaawang ang labi nito, napakamot ng batok saka tumitig ng matagal sa akin.
“That’s why you’re acting weird from an hour ago.” Kamot batok na sabi nito.
Tuluyan na ngang nalaglag iyong panga ko. Bakit ba hindi ko maintindihan ang punto ng isang ‘to. Di ba niya alam na importante sa isang babae iyon?
“How can I make you my girlfriend, then?” Nagtatakang tanong ulit nito.
Hindi ako nakapagsalita. Nanghina iyong braso ko at inis na dinedetalye ang tatto sa kabila niyang braso. Hindi ako makapagsalita. At lalong hndi ko maintindihan itong nangyayari.
“What, sweet?”
Kinilabutan ako noon sa tawag niya. Naalala ko naman ang nangyari kanina. Paulit-ulit nitong sinasabi iyon. At nakakainis. Nakakaubos ng pasensya.
“Hindi iyong ang punto ko, Luis! Alam mo ba kung ano ang kinuha mo sa akin?” I gritted my teeth.
“Your virginity.” Tipikal na sabi nito, nagtataka pa.
Napaawang tuloy ang labi ko. Napaiyak ako sa inis. At nagulat siya noong nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Panay na rin ang singhap ko sa galit.
“Holy f**k! Jens, what did I do wrong?” Natatarantang tanong pa nito at hinaplos ang likod ko.
Inis na iwinawaksi ko iyon, iwinasiwas ko iyong buong katawan ko para maalis lang ang kamay niya.
“Amputa! Bitawan mo nga ako! Lumayo ka!” Garalgal na sigaw ko rito.
Naalarma yata at niyakap ako sa mismong loob ng sasakyan. Na hindi ko na nagawang alisin pa iyong mahigpit niyang yakap.
“Di ko naman alam, di ko alam na importante iyon sa inyo.” I heard he was just amaze.
Hindi niya alam! Naalala ko, hindi naman ito purong pinoy. Kahit matatas magtagalog kita namang iba iyong accent ng pananalita niya.
Mas lalo akong umatungal ng iyak. Kumalma lang ako ilang minuto pagkatapos ng pagsabog. Sumisinghap na lamang ako. At pansin ko ang pagiging tahimik ni Luis. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. At ayaw ko na lang magsalita. Gusto kong manahimik siya riyan. Kaya lang nagulat ako sa sumunod na sinabi niya.
“Then, let’s get married.”
Naduwag yata iyong luha ko at mabilis na natuyo. Hindi ako nakapagsalita at humiwalay ng yakap kay Luis. Saka ko tinitigan iyong seryoso niyang mukha.
Seryoso nga!
“Gagraduate ka na next year, and I’m old enough to get married.”
“Ha?”
Teka lang, kailan nga lang ba kami nagkakilala? Kahapon lang!
Tumakas yata iyong kaluluwa ko sa sobrang panlalamig na nararamdaman ko doon. Hindi ako makapagsalita. Si Luis naghihintay naman. Ako...
“Of course, No!” Gulat na sagot ko rito.
Siya naman itong nagulat. Hindi yata makapaniwala sa sagot ko na iyon.
“I thought your v is important?” Maang na tanong nito.
Nagkasalubong ang kilay ko saka mabilis na umiling. Hindi ko na tuloy maintindihan ang sarili. Ganoon din yata siya.
Napabuntong-hininga na lang ako. What’s the point anyway? Nawala na! Kung gusto niya ng kasal, walang divorce sa Pilipinas.
Panay na buntong-hininga ko at sa huli sinabi ko na lang ayaw ko ng pag-usapan iyong nangyari. Kung girlfriend—
“Let’s both try,” wala na, suko na ako.
“I grew up in Brazil,” maya’y sabi niya. Lumipat kami ng cottage. Awkward pa rin ako, pero pilit ko namang iniintindi ang sitwasyon.
Kumuha ito ng maiinom sa loob bago bumalik dito at inaya nga ako sa Cottage at mag-uusap pa rin kami.
“We party, we had sex... if we both like each other, we considered it being in a relationship. I thought it was the same here... I partied a lot, I f**k some of the girls I met in a bar... then if we’re mutual, I considered it being in a relationship. Akala ko kasi, magkakapareho lang ang lifestyle. I didn’t know it was important too.”
Tumango ako. Lumagok ng tubig. Nanunuyo na iyon at hindi ko alam kung dapat pa ba naming pag-usapan iyon. Nagkasundo naman na kami sa sitwasyon.
“You sure you’re okay with that? I am ready to marry you.”
Nabilaukan tuloy ako na ikinatawa niya. Hindi nga! Sa seryosong usapan, hindi ko kayang magpakasal sa lalaking ‘to.
“Walang divorce dito!” Paalala ko sa kanya.
Namilog ang bibig niya, hindi naman na nagkomento pero tumango rin.
Tinanong ng tinanong niya ako at napakunot ang noo ko rito. Nagtataka ako kung bakit mas pinili niya sa pinas kung may negosyo naman pala siyang iniingatan sa Brazil, di hamak na mas kumikita at mas malaki ang sakop kesa sa tattoo shop nito malapit sa BGC.
“What was your age again?” Nagtatakang tanong ko dito, ang dami niyang achievements. Hindi naman tunog mayabang pero nakakahanga na ang dami pala nitong hinahawakang negosyo.
“39,”
“WHAT.THE.FUCK?!” Napasigaw talaga ako sa gulat. Hindi ako makapaniwala.
He looks so young for his age... and, I had just s*x with him. Sa dami ng tattoo niya. At sa laki katawan niya. Di ko akalain na gurang na ito.
Tawang-tawa naman siya. Aliw na aliw yata sa reaksyon ko. Hindi nga kasi talaga kapani-paniwala. At lalong ayaw kong maniwala. I thought he was just bluffing me. Pero... noong sinabi niya kung kailan siya ipinanganak at ipinakita sa akin iyong softcopy ng alumni book ng kung saang kolehiyo... nanghina na ako.
Hindi ako makapaniwala... it did give me shiver. We kissed! And he f*****g f**k me!
“The shocks.” Aliw na sabi niya. Tumabi na talaga sa akin.
Hinaplos nito ang leeg ko saka niya ibinaba ang mukha at nilumukos ako ng halik. Hindi yata pwede sa kanya iyong sweet at gentle lang na halik. Kainan talaga. Napalunok tuloy ako at pumikit na lang din saka nakikiayon sa klasi ng halik nito.
Hindi ako makapaniwala eh.
“Let’s meet tomorrow, sweet. Then let’s book a room.”