We supposed to meet each other today but my Mom came home early in the morning. Natigagal pa ako noong naabutan siyang nag-aalmusal sa bar counter at ka-kwentuhan si Nanay Lydia. Binigyan lang ako nito ng matamis na ngiti nang napansin niyang nandoon ako.
I gulp after I served myself with the early breakfast. Tahimik lang ako habang nakikinig sa pinag-uusapan nina Mommy at Nanay Lydia. Mostly, about sa nangyaring work ni Mommy.
“Ah, Jens... I book us a facial appointment this lunch. And please change your way of clothing,”
Nangasim tuloy ako pagkarinig sa sinabi ni Mommy. Hindi ako sigurado kung gugustuhin ko pa bang sumama. And... I wanted to call Luis cause he doesn’t know. Saka, bakit kaya hindi pa tumatawag ang isang yon? I wonder what he’s doing right now.
Pinaghanda na kaagad ako ni Mommy pagkatapos ng almusal. Hindi ako sigurado kung alin ang susuotin. I have few girly stuff in my cabinet, kaya lang hindi ko naman gusto iyon. Binili ni Mommy iyon noon, mostly galing sa pasalubong niya sa akin sa tuwing may out of town siyang ginagawa.
Pinili ko na lang ang isang simpleng oversized dress. Okay naman, hindi awkward at saka minsan lang din naman kaya okay na iyon.
Saka nagsapatos, at saktong may tumatawag na unknown number. May instinct ako na talagang si Luis iyon and I was right.
“My Mom is home, we also have an appointment this lunch. Hindi ako makakasama.” Sabi ko.
He sighed. Alam kong disappointed siya pero mas nakakadisappoint kung idedecline ko iyong appointment ni Mommy. Minsan lang kami magbonding noon kahit ba madalas naman kaming nagkikita sa bahay. She’s a busy working Mom.
“Then, I’ll call you again? Tonight?” He asked.
I agreed, di na siguro abala mamayang gabi. We’ll talk. Ganoon naman dapat ang magboyfriend di’ba? Responsibilidad ng bawat isa na maglaan ng oras para sa isa’t isa. Though, I am not sure if we’re doing it right. O kung kailangan ba talaga?
Bumili muna kami ng mga bagong gamit ni Mommy, inanyayahan din ako nitong bumilis ng mga bagong damit kaya lang hindi ko kasi kailangan iyon. Okay na ako sa pera, which I needed most dahil magala akong tao kasama ang mga kaibigan.
At bago naglunch, pinuntahan na namin iyong paboritong facial clinic ni Mommy. Nakikisunod lang din ako sa kung ano ang gusto ni Mommy. Ginawa ko rin kung ano ang sinabi niyang gusto niyang ipagawa sa akin. I thought she’s already contented but when she saw my hair... para siyang lalagnatin!
“What did you do on vacation, Jenseal?” Aburidong tanong nito habang hila-hila ako papunta sa salon.
Ngumuso nga ako at tinitigan ang mga dinadaanang boutique or store. Hinahayaan ko lang talaga siya kahit ayaw ko sa mga ginagawa niya sa akin. Gusto ko namang makabonding siya kahit papa’no at ito lang ang nakikita kong paraan.
Trim. Iyon lang, hanggang balikat ang lagi kong gupit simula pa noong naghayskul ako kaya di na nakakapagtaka kung bakit aburido ulit si Mommy. Hindi ko alam kung dapat na ba akong mainis o kung ano. Habang tumatagal kasi ang dami niyang gustong palitan sa akin. E okay naman na ako, at kung maaari gusto ko itong ganito lang.
“Jens,” pagod na tawag ni Mommy habang nagpapahinga kami at kumakain ng lunch.
Nagtatakang tinitigan ko naman siya. Visible ang pagod na nasa mga mata niya. Nagmukha siyang mas matanda ng ilang taon. Ganoon ba nakakapagod itong nangyayari sa akin kaya ganoon din siya ka stress? Napanguso na lang ako.
“When are you planning to have a boyfriend?” Stressful na tanong nito.
Natigilan ako, ginapangan ng kaba at hindi makapagsalita. Naninigas nga ang aking panga at naglalaban kung sasabihin ko ba sa kanyang may instant boyfriend na ako na nakilala ko lang 2 days ago.
Nalaglag ang panga nito hanggang sa nauwi sa unti-unting ngiti at lumiwanag talaga iyong mukha niya. Ako na naman ang naistress. Paano ko ba ipapaliwanag? Alangan namang sabihin kong nagmilagro kami ni Luis sa mismong banyo nina Andie? Baka sinabunutan na ako nito.
“Who’s the guy?” Excited na tanong nito.
Lumunok ako, sasabihin ko ba? Ni hindi ko pa nga naibabalita kina Jasper iyong relasyon namin ni Luis, iyong ilang taon na lang Golden era na ang edad.
“Mom, he’s Jasper’s cousin.” Kagat labing sabi ko at sinipsip ang straw ng milktea. Para namang sa ganoong paraan mapipigilan ko si Mommy sa pagtatanong.
“Can I met him? Now?” Ngiting-ngiti na tanong ni Mommy. Obvious na ginanahan siya sa ibinalita ko.
Actually, Mom is cool. Noon pa lang, highschool pa lang, hinahanapan niya na ako ng boyfriend. Minsan pa nga at bulgaran nitong sinasabi na irereto niya ako sa mga kasosyo niya para naman sa ganoon ay mabawas-bawasan iyong pagiging boyish ko.
“Mom,” iling ko.
Sumimangot ito, umirap pa! Napanguso na lang ako at ibinaba ang mga mata sa nakalabas na cellphone. May isang text message galing kay Jasper nag-aanyaya magbar mamayang gabi. Despedida raw ng pinsan niyang si Luis. Bigla akong nanlamig. Hindi dahil sa lugar na gustong puntahan ni Jasper, kundi doon sa ideyang isang araw na nga lang pala at aalis na iyong pinsan niyang gumapang sa akin.
“I’ll try Mom.” Nilingon ko ulit si Mommy na parang nawalan ng ganang makipag-usap sa akin na nangalumbaba at nakatanaw sa labas.
Ngumiti pa ito sa akin pagkarinig ng sinabi ko at saka umayos ng upo. I know she’s just excited to finally meet her daughter’s boyfriend.
Itinaas ko na lang ang cellphone at tinawagan iyong number ni Luis kanina. Two rings sumagot na ito kaagad, sinabi ko iyong gusto na mangyari ni Mommy and I thought he’ll be scared. Mas excited pa yata siya kay Mommy at sinabi niyang mag-aayos lang siya at saktong katatapos lang niyang maligo.
“Papunta na siya Mom,” sabi ko kay Mommy noong nabasa ang text ni Luis.
Napabuntong hininga ako... ang bilis! Oo sobrang bilis, na hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Ni hindi nga ako sigurado kung ganito ba talaga ang ginagawa ng magboyfriend-girlfriend.
Ah, bahala na!
At exactly 1:00 p.m, dumating na si Luis. He was smiling from ear to ear. He’s wearing white polo and pants, looking a little formal.
Nanlaki tuloy iyong mga mata ko ng dumampi iyong labi niya sa labi ko, nakaakbay pa sa akin. At tawang-tawa si Mommy. Whilst me? Hihimatayin sa kahihiyan!
Magalang din siya kay Mommy, he also offered his hand to Mom for a handshake.
“You‘re a sweet,” sabi pa ni Mommy habang ngiting-ngiti. Kinurot ko nga ang hita ni Luis ng tumabi siya sa akin.
“Thank you, Aunt.”
Ewan ko ba, nakakaamoy ako ng pagkakasundo sa dalawang ‘to. Unang tingin pa lang, at informal na pag-uusap ng dalawa. Masasabi ko na talagang hindi against si Mommy kay Luis. Ako lang itong kabado.
Nang nagpaalam nga si Mommy para magrest room saglit. Pumisil nga kaagad iyong malapad na kamay niya sa bewang ko. Na ikinapiksi ko. Na ikinahiya ko ng may nakitang nakatitig dito sa’min at nahihiyang napaiwas ng mga mata.
“What are you doing?!” Gigil na bulong ko sa tenga niya. Gusto ko siyang kagatin sa kahihiyan. He’s doing PDA, and some people notice that he’s teasing me.
“Ikaw naman, I was just returning the favor.”
“Ha?” Hindi ko ito maintindihan. Anong favor? Nilagay ko kamo sa alanganin itong relasyon namin.
“Didn’t know you were serious. Ipinakilala mo ‘ko kaagad.” Ngisi niya at hinalikan ang leeg ko.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya nasuntok ko iyong braso niya na ikinatawa niya na lang.
Pinanlisikan ko siya ng mga mata at sinabing umayos. O kung ayaw niya, pagtuunan niya na lang ng pansin iyong inorder naming pagkain para sa kanya.
“Let’s date tom...” aya niya habang kinakain iyong carbonara.
Ngumiwi ako noong nakita iyong lapad ng dila niya habang sinusubo ang carbonara.
Ngumuso ako, bibili ako ng mga school supplies bukas. At hindi ako sigurado kung may oras pa ba akong makipagdate bukas. At saka, magkikita rin naman yata kami mamaya.
“Inaya ako ni Jasper magbar. Sabi niya despidida mo iyon.”
“Ah, I was planning to ditch that one... but uhm, maybe I’ll that an exception.” Kindat niya.
Dumiin iyong labi ko sa hiya at pinanlakihan siya ng mga mata. Nakaka-umay ha! Ang landi nito.
Bumalik si Mommy ilang minuto pagkatapos ng pag-uusap namin. Inaya niya pa si Luis na sumama sa’min habang nagshoshopping. Ako naman nagkandailing sa sobrang pagod. Gusto ko na lang umuwi na at humilata. Pagod na pagod ako habang nag-enjoy naman si Mommy sa mga pinamili niya. Nanglibre pa nga si Luis sa isang restaurant for our merienda na ikinagulat ko ang presyo... sabagay naman, hindi ako magastong tao kaya nagugulat ako sa presyuhan.
“Samahan mo na kami. Doon ka na rin magdinner, para makilala ka na rin ni Ante Lydia at hindi magugulat iyong isa kapag binibisita mo itong dalaga ko.”
I snore upon hearing what my Mom said. Anong gusto niyang palabasin? Pwedeng bumisita si Luis anytime sa bahay? Sa iniisip ko pa lang e kinikilabutan na ako.
Si Mommy ang nagdrive sa kabilang sasakyan. I was force to send to Luis’ car. Iyong gahiganteng sasakyan niyang gamit namin noong nag-usap kami sa bahay nila.
“We’re legal now? I can visit you anytime, right?” Pigil iyong ngiti niya ng lingunin ko.
Ngumiwi ako at tumitig sa labas. Pagabi na, at hindi ko alam kung anong oras kami makakahabol kina Jasper. Matraffic pa naman.
“Sweet,” tawag niya.
Napilitan akong lumingon, at tinitigan siya nakangiti ng pagkalapad-lapad. Hindi ako sigurado kung anong iniisip ng isang ‘to. But I am sure he’s not thinking about naughty things... or I was wrong.
“Lead me the way to your room so I can sneak out...”
Alam ko na kaagad kung anong iniisip nito. I thought he’s done with that silly thought but guess what... traffic pa naman.
“So we can sneak out tonight,” dugtong pa niya.
Sinapak ko nga ang braso niya. Kung anong-anong tumatakbo sa isipan niya! E bar nga ang pupuntahin namin mamaya!
Tawang-tawa pa rin siya, halos mamatay nga sa kakatawa. Irap tuloy ako ng irap.
“Kung wala ka nga lang pasok, baka sinama na kita pauwi sa’min.” He said.
Umismid lang ako. Mas importante pa rin ang pag-aaral at lalong mas importante rin ang negosyo niya. At sigurado ako sa loob ng isang buwan na yan, magiging abala siya tulad ng kina Mommy.
Alas siyete ng nakauwi kami ng bahay. Mas nauna pang ibalita ni Mommy kay Nanay Lydia iyong katotohanan na meron na akong boyfriend. Tuwang-tuwa rin ito. At mamaya... hindi ako sigurado kung ipapaalam ko ba kina Jasper iyong sulutan naming dalawa ni Luis.
“Ako ang pipili.” Sabi ni Mommy. Excited sa pa kesa sa akin. Kanina natakot pa akong magpaalam at kilala ko si Mommy, ayaw niyang bigla-bigla na lang akong umaalis. Kaya nga lang iba ngayon, natutuwa yata siyang may ka-date iyong anak niya at sariling boyfriend pa.
“Mom!” Naiiyak na saway ko noong pinasuot niya ako ng spaghetti strap na croptop maong skirt. Sabi niya pwede naman daw akong magsapatos, kasi babagay din iyon.
“Ano? Maiiwan ka dito sa bahay?”
Sa sinabi pa lang niyang yon alam ko ng alanganing makakasama ako kung hindi ko siya papayagang isuot lahat ng ‘to sa akin. Nagrequest na lang ako na okay na ako lipstick.
Pagkababa nga ay hiyang-hiya ako habang tinititigan si Luis na natatawa yata kasi nagpipigil ng ngiti. Hinila ko na lang siya paalis ng bahay.
“May extra ka diyan?” Tanong ko habang sinisipat ang mukha sa rearview mirror.
“T-shirt? Wag na! Ang sexy mo diyan.” Sabi niya.
Na ikinakunot noo ko na lamang, kanina alam kong natatawa siya sa suot kong yon kaya sigurado akong binubola lang ako nito ngayon.
“Stop being a fake,” irap ko na ikinatawa niya.
“Not a lie, sweet... you’re just so sexy and gorgeous.” Nilapit pa nito ang mukha at kumindat saka niya pinisil ang nakalabas kong hita. Tinampal ko nga ang kamay niya.
“Gonna check if you’re—“ pinutol nito ang sinabi at ipinasok ang kamay sa laps at kinapa iyong loob ng maong skirt ko. Nanlaki talaga ang mga mata ko at napapiksi noong pinisil niya pa talaga iyong itaas na bahagi ng k**i ko, “— not wearing any shorts?”
Hinila ko naman ang kamay niyang ang bigat-bigat. Na sumunod din naman.
“Nahahapdian ako, di pa ako magaling.”
Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin hanggang sa natawa ito. Umirap na lang ako.