CHAPTER 1
CHAPTER ONE
Kirk Jerwin's
"Jerwin! Naka-ilang alarm na 'yang cellphone mo bakit hindi ka parin kumikilos?"
"Ate naman, sino nagbigay sa' yo ng karapatan na pumasok sa kwarto ko? 5 minutes nalang at kikilos na 'ko." sambit ko sabay muling nagtago sa ilalim ng aking kumot.
"At ang batang ito ay marunong ng sumagot! Nakailang 5 minutes ka na! Alam mo bang 6:30 na."
Mabilis akong tumayo at niligpit ang aking higaan. Hindi ako pwedeng ma-late sa unang araw ng klase ko dahil mauubusan ako ng upuan sa likuran. Ayoko pa namang umupo sa unahan.
"It's a prank! 6:00 pa lang, hala sige bilisan mong kumilos."
Napahinto ako sa sinabi ni ate.
"Ano pa ba kasing ginagawa mo rito ate, bumalik ka na nga sa Cebu baka kailangan ka na ng boyfriend mo do'n." anas kong sabi at kinuha ang tuwalya sa likod ng pinto at nilagpasan si ate.
"Hoy Jerwin! Nagtatampo ka ba kay ate? Binilin ko na lahat kay Nanay Rosa ang mga kailangan mo. Iiwan ko nalang itong savings card ko rito sa mesa mo."
Si nanay Rosa ay ang kapit bahay naming katiwala nila mama at papa. Tatapusin niya lang ang gawain dito sa bahay gaya ng paglilinis. Siya din ang naglalaba ng mga damit ko at naghahanda ng unipormeng pampasok ko. Sa nagdaang bakasyon ay weekly ko nalang siya pinapapunta sa bahay para gawin ang trabaho niya. Dahil marunong naman akong maglinis at maghugas ng pinggan.
Hindi ko na masyado pinansin si ate. Sa dalawang buwang bakasyon ay dalawang beses lang bumisita si ate sa bahay. Tapos nagmamadali ring umalis.
"Jerwin, iniwan ko sa mesa mo ang card ko ha, gano'n pa rin ang password. Huwag ka ng mag tampo, every two weeks na akong uuwi rito sa bahay para turuan ka ng advance lesson sa math. Okay?"
Binuksan ko ang pinto at lumabas ng banyo.
"Hindi ako galit ate, miss lang kita. Ayoko ring maging sagabal sa'yo. Binata na 'ko."
"Sus! Miss mo lang pala ako. Basta ha, huwag magpapa-iyak ng babae. Alis na ko bro, at baka maiwanan ako ng eroplano. See you in 2 weeks."
"Kahit next month or next two months na ate. Wala pa naman masyadong ganap ang first month ng school day. Mag-iingat."
"Sus! Binata na talaga ang kapatid ko. 2nd year high school ka palang ha."
"Second year high school mo nga nakilala boyfriend mo e, hanggang ngayon kayo pa rin. Ano meaning non?"
"Shh. Maligo ka na. 6:30 na talaga. Kumain ka ha."
"Kaya ko na 'te, basta yung inaawit-awitan ko sa' yo na Series ng Manga ha..."
"Iyon! Iyon naman pala---"
"Sige na ate maliligo na ako, at pag ako na-late di kita mapapatawad kahit suhulan mo pa ko ng Manga."
Ginulo lang ni ate ang buhok ko. Nag-wave lang ako kay ate saka mabilis na naligo. Hindi ko na tinanaw ang pag-alis ni ate. Mamimiss ko na naman ang isang 'yon.
Limang minuto lang siguro ang tinagal ko sa banyo at mabilis na umakyat ng hagdan para magbihis.
Dinial ko ang number ni Erran, ang matalik kong kaibigan.
"Anong section mo?"
"3. Section 1 ka dude, pinaghiwalay na tayo."
"Sinong nagsabi?" anas kong tanong
"1 week pa akong hindi makakapasok dahil nagpapagaling pa ako. Timing naman 'tong injury ko."
"E, paano mo nalaman section mo?"
"Nando'n si Mama, inabot' yong medical result ko."
"I see. Sige dude, get well."
Napabuntong hininga ako ng patayin ko ang tawag. 6:50am na at saktong nagsasara ang gate ng ala-syete pero dahil first day at naghahanap pa ang mga estudyante ng section nila i-extend nila 'yan hanggang 7:30.
Nakita ko' yung card na iniwan ni ate. May nakaipit pang dalawang libo. Iba talaga si ate mag-alaga.
Binaon ko na lamang ang sandwich na hinanda ni ate para sa akin at nangaripas ng takbo. Isang tricycle lang ang layo ng school mula sa bahay namin. pwedeng-pwede lakarin pero late na ako kaya sumakay na ako ng tricycle. Nakakadismaya na wala pa si Erran, pero ganon talaga pag basketball is life.
Ang nakakaurat na dahilan kung bakit ayoko sa section 1 ay, una, mataas ang kumpetisyon. Hindi kaya ng IQ lang dahil masipag magpa-project ang mga guro kaya ekis na agad iyon sa akin. Pangalawa, boring. Wala ng social life at gimmick mga nasa section 1 'noh! kaya ekis. Pangatlo, mas masaya sa 2 at 3 dahil mga nakasama ko na sila. Friendship lang at walang pressure. Pang-apat, ang layo-layo pa ng building ng mga matatalino. Ang hassle. Plus ang liit lang ng community nila. Unlike here sa section 2 pababa, sama-sama kami. Masyado silang in-isolate. Tsk Tsk.
II-3 basa ko sa nakasulat sa pinto. Hindi pa ako late plus may upuan pa sa likod.
"Anong ginagawa mo rito, Perez?"
"Hoy Jose! Buhay ka pa pala, kala ko isang ubo ka nalang noong huli nating kita."
"LOL! Wala ka sa list ha, alis!"
Tropa kami niyan sadyang mas gwapo lang ako sa kaniya at ayaw niyang nasasapawan ko siya.
"Ayoko nga don. Ako magpapasya kung saan ko gusto."
"Tigas mo talaga. Boto ulit natin na presidente si Kim ha."
Tinaas ko lang ang kilay ko at nilibot ang paningin sa buong silid. Mga pamilyar sa akin ang iba habang ang iba naman ay hindi.
Yumuko nalang ako habang naghihintay pa sa iba at sa guro.
"Hoy Perez, ginagawa mo rito?"
Kakayuko ko pa lang at may umaabala na sa akin. Boses 'yon ni Kim kaya naman nilingon ko.
"Pake mo ba? Joke! Gusto ko dito, nandito kayo e."
"Yan naman ang gusto ko sa' yo at hindi mo kami iiwan. Kala ko magtitiis ka sa section 1. Nakakabobo don."
"Alam ko. Di kaya ng IQ ko don."
"Hahaha bawal din tamad don no."
"Exactly! Kaya bakit nila sisirain buhay ko don." tumawa kaming pareho.
"Tsaka Adviser natin ulit si Ma'am Cruz."
"Wow! Edi madali ulit malusutan na dito na 'ko."
"Correct, si Erran, na saan?"
"SOWS! Di ka parin umaamin sa dude ko? Wala absent, injured kaka-basketball."
"Gago! Para umamin. Diyan ka na nga tse!"
Natawa nalang ako nang irapan ako ni Kim, bakit ba kasi ang mga babae mga pakipot.
SA WAKAS! Dumating na rin si Ma'am Cruz at may buntot itong maliit na babae na nakatirintas ang mahabang buhok. Nakasimangot ito sa unang araw ng klase.
"Good morning class," bati niya sa amin. Tumayo kaming lahat at binati siya.
"Good morning, Ma'am." iyon ang sabay-sabay naming bati sa kaniya at sabay-sabay ring naupo.
Pero bago pa ako tuluyang makaupo ay nagtama ang mga mata namin ng paborito kong guro.
"What are you doing here, Perez? You should be in the main building!"
"Maam, I don't want to go there. I want here. Tsaka ma'am, magtatagalog nalang ako."
"Why don't you like there? Being in section 1 will give you a lot of perks and benefits such as 3000 allowance monthly, certificate per grading, and being in the list will make you choose the university you want to enroll with. So why holding back?"
Nagtama ang mga mata namin ng babaeng nasa gilid ni ma'am C. I saw her rolled her eyes. Hindi ata siya tinatamaan ng charm ko.
"Nakakatamad kasi do'n ma'am, tsaka bugbugan ng project do'n. Di ko kaya 'yon ma'am. Tsaka narinig ko ang te-terror ng mga adviser do'n."
"Stop playing around, Perez! This is the last time that I will save you from not going in there, okay? And I need to talk to your sister."
De javu na kasi maituturing sa kaniya ang ganap na ito. Noong first year high school pa lang ako ay pinipilit nila ako sa section 1, e ayoko nga don. Just by looking to those smart-ass alam kong hindi ako tatagal don. Kaya pinilit ko si ate na hayaan na lang ako sa section ni Erran which is section 2. Kinumbinsi din ni Ma'am C, si ate pero masyado akong mahal ni ate kaya nasama ako sa listahan ng section 2 bilang permanenteng miyembro ng pamilya na iyon.
"Sure, ma'am." huli kong sambit at muling binaling ang buo kong atensyon sa babaeng nakasimangot.
By phone na rin siguro sila mag-uusap dahil next 2 months pa babalik si ate.
"Anyway, class. We have a transfer student from scholastica. I will just let you know her first name— go ahead, dear. Introduce just your first name."
"I'm Jennielle," aniya na wala man lang hi, or hello. Muli, sumimangot siya.
"Thank you Jennielle." ani ma'am Cruz at hinahanapan siya ng upuan. I just sense that this girl is special. Siguro big time ang magulang nito.
"She can sit here, ma'am." agaw atensyon ko sabay turo sa upuan na sinave ko para kay Erran.
I saw her rolled her eyes once again.
"Go, Jennielle, sit there for just a couple of days. I will arrange you alphabetically."
She just nod her head and went straight next to me.
I heard her sigh.
Ang haba ng nguso ng babaeng 'to...
"I can see familiar faces here,we won't do the normal introductory about yourself. That's kinda boring and dull for me. So, tomorrow, kindly bring 3 special things that will describe you. But before anything else, let's have the attendance. When I call your name, say present. Jerwin Perez, you're not on the list yet, okay."
Tumango lamang ako. Tinignan ko ang babaeng katabi ko na nakasimangot pa rin. Gusto kong malaman kung bakit siya malungkot pero hindi ko alam kung paano ko malalaman na hindi nagtatanong.
"Jennielle Dehara M. Zubiri"
"Present!"
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong pasimpleng nagnanakaw ng sulyap sa kanya... pero talagang ang ganda niya sa mata.
"Okay, you are all present except for Erran who is injured. So, As I was saying a while ago, let's make some twist in your introduction about yourself. I have 3 things here with me. Let's set this as an example."
Daldal ni ma'am, pero hindi pa talaga ako interesado sa kaniya sa mga sandaling ito. Dahil gusto kong makilala pa ang babaeng nasa tabi ko.
Jennielle Dehara Zubiri, ang haba! Dahil palagi kang naka-pout, psyduck nalang ang itatawag ko sa'yo. Ayoko nga ng Jennielle, ayoko nga ng may kapareho.
"Psyduck, why did you transfer here? I heard scholastica is a good school." pagsisimula ko ng usapan. Kahit hindi naman talaga ako interesado sa topic na 'yon... Mas gusto kong malaman kung bakit ang lungkot niya.
"Shut up. Don't give me a pet name. I hate it!“ I saw her pout one more time.
Ang sungit ng isang 'to. Bagay talaga ang psyduck sa' yo.
"Hi, I am Ma. Therese Cruz, just ma'am C or ma'am Cruz will do. I have here, comb, cause I like combing my hair. Also, I have here pepper, cause I love spicy food. Then, I have a red ballpen here which serves that I am an objective teacher. If you fail, you fail. If I computed 70 in your grade, it will show in your card. That's how you do it. I just made it simple, I believe that you can be more creative than me. Let's start our day tomorrow cause I'm going to talk to Mrs. Española for Jerwin's case."
We saw her packing up her things.
"Oh, I almost forgot. So this is how you will be graded. 30% Periodical Test. 30% Performance Task such as activities and quizzes. 20% Recitation 20% Attendance and Behavior. That will give you a total of hundred percent. And yes, you heard it right, the 10% of your grade is how you behave in my class. Easy, right?"
This is like a replay for me, since I already learned to ma'am C how she values the behavior and manners. Nilingon ko si Psyduck na kinuha ang isang notebook na kulay pula. This is her first time hearing this kaya medyo naa-amaze pa siya. Dahil totoong nakaka-amaze. At hindi pa nagtatapos diyan ang kabutihan ng paborito kong guro.
"Why am I saying this? Maybe you are wondering... Jerwin and few people on this room already heard my mantra. But for the sake of all of you, let me repeat myself. I have house rules here. This is your second home, our second house so, I will set some expectations from you. House rule No. 1. Keep this room clean and orderly. Just like how you keep your home clean. House rule no. 2, this is a school so I expect everybody to learn a good manners here. No cursing! No bad words, no foul words. I don't care if you curse outside, but do not ever try to curse here in my second home. I also believe that cursing can help to ease the pain or lessen the stress, that is why I am trying to make this room our happy home so you don't need to curse. House rule no. 3, respect each other. love your classmates as if they are your sisters and brothers from me, your second parent. I believe if you treat your classmate as if they were your own blood, this family of us will grow. Though, it may sound broad, listening to your talking classmate will do. Not doing anything unrelated during my time, is respect already. Lastly, let's help each, if you know that one of your classmate is struggling financially, emotionally, mentally or academically, don't think twice to extend your love and lend a hand. You will never know how your small affirmation to your classmate can change her whole day. Let's practice that, okay? Do you have some questions for me?"
"Wow! I'm so glad, I'm here..." narinig kong bulong ng babaeng katabi ko at nagsimulang pumalakpak. At para bang nahipnotismo niya kaming lahat at namalayan ko na lamang na pumapalakpak na kaming lahat.
She shed a tear.
"You are overreacting, psyduck!" puna ko. Mabilis niya akong nilingon at tinignan ng matalim.
"You know what, I heard that you shouldn't be here, the door is open. Go where you belong!"
I didn't expect that though. Masungit nga talaga ang isang 'to.
"You are indeed lucky... Try to ask any girl here if how do they see me... You will know, who I am."
"Ha! No need, I have my own eyes and opinion. You don't look great as how you see yourself. Just shut the F up."
This girl is really something. Sinong hindi tinatablan ng charm ng isang Jerwin Perez?
"If you do not have questions for me, let's call it a day. Wait for your next subject teacher and always be nice."
"Goodbye ma'am Cruz, see you tomorrow." we all said in chorus.
Binalik na niya ang notebook sa kaniyang bag at kinuha ang kaniyang cellphone at earphone. She is trying to ignore me—my charm.
Isang ideya ang naisip ko habang pinapatay ang oras. Kinuha ko ang sketchbook ko at nagsimulang gumuhit.
Oplan: Magpapansin sa babaeng masungit!