Dahil sa sinabi ni Ray na sipsip siya ay hindi na napigilan ni Delsin na hindi sumagot sa usapan nina Ray at Jenny. Gulat na gulat naman ang dalawa dahil sa pagpasok ni Delsin. Napahawak pa nga sa bibig si Jenny dahil sa sobrang gulat. ‘’Anong sinasabi mo dyan? Kuya Ray, alam kong mainit na ang dugo mo sa akin, pero ang sakit pala kapag sa iyo mismo narinig ang mga salitang iyan. Hindi ko naman intension ang lahat. Isa pa, hindi ako nasipsip kay Maám Selena,’’ pagtatanggol ni Delsin sa kanyang sarili. ‘’Hindi ko lang kasi maintindihan, e. Alam mo iyon? Bago ka lang naman rito, pero nakukuha mon a ang lahat ng gusto mo. Samantalang kami, hindi pa namin nagagawa iyan ni minsan. Ano ka? Espesyal?’’ inis na sagot ni Ray kay Delsin. ‘’Hindi ko rin alam kung bakit gusto akong tulungan ni Maám

