Pagkatapos niyang mag-ayos ng gamit ni Nanay Ising ay lumabas na siya. Nakita naman niyang nagtatawanan sina Maám Selena at Nanay Ising. Dahil doon, napangiti siya. Hindi niya akalain na magiging maayos agad ang relasyon ni Nanay Ising sa amo niya. Nilapitan niya na agad ito. ‘’Ah, ganoon po ba? Maigi po iyan, makakatulong talaga pala si Delsin sa motel,’’ sabi ni Maám Selena. ‘’Opo. Salamat po talaga at tinanggap niyo ang anak ko rito. Napakalaking bagay po nito para sa amin,’’ sabi naman ni Nanay Ising. ‘’Anong sinabi mo kay Maám Selena, Nanay Ising ah? Baka kung ano na ang sinabi mo. Alalahanin mo, ‘Nay. Bago lang ako sa trabaho ko. Baka hindi ako tumagal,’’ biro ni Drlsin, natawa naman ang dalawa dahil sa sinabi ni Delsin. ‘’Uy, hindi ah. Ang sabi ko, maayos ka mag-trabaho kaya hin

