Nakapunta na si Nanay Ising sa Maynila. Masayang sinalubong siya ni Delsin at halos maiyak naman si Nanay Ising doon. Kasama ni Delsin na sumalubong si Maám Selena at iba pang kasama niya sa trabaho. ‘’Diyos ko, ‘nay. Buti naman po at maayos ang byahe ninyo papunta dito sa Maynila. Sige po, pasok po kayo sa loob,’’ yaya ni Delsin sa kanyang nanay pagkatapos ay inalalayan ito papasok sa loob. ‘’Oo nga eh. Akala ko, mahihirapan kaming makapunta rito pero maayos naman pala. Buti na lang.’’ Sumunod naman si Maám Selena at ang iba pang tauhan niya. Pagkapasok nila ay umupo na sila. Todo ngiti si Selena kay Nanay Ising. Sa loob-loob niya, naaawa siya sa matanda dahil alam niyang pagod na pagod na ito sa byahe. ‘’Hello po, Nanay Ising. Masaya po ako na nandito na kayo. Buti naman po at maayos

